Naglabas ng opisyal na pahayag ang Embahada ng Pilipinas sa London matapos mag-viral ang isang video interview kung saan isang nakatatandang Pilipina sa U.K. ang tinanong ukol sa libreng serbisyong pangkalusugan at mga benepisyong natatanggap nito doon.
Matatandaan na ginamit ang nasabing video sa mga talakayan ukol sa imigrasyon sa United Kingdom, na umani ng batikos mula sa ilang dayuhan.
Ayon sa Embahada, nabahala sila sa tila maling paglalarawan sa komunidad ng mga Pilipino, na hindi nagpapakita ng totoong karakter at ng malaking ambag ng mga OFW sa lipunang British.
Binigyang-diin ng Embahada na ang mga pahiwatig laban sa mga imigrante ay hindi kumakatawan sa buong U.K.
Nananatili anolang matatag ang magandang samahan, respeto, at pagtutulungan ng mga Pilipino at British. Umapela rin ang embahada na maging patas, may respeto, at nakabatay sa katotohanan ang anumang talakayan ukol sa migrasyon.