Nilinaw ng Bureau of Customs o BOC na matagal nang AWOL o Absent Without Official Leave ang indibidwal na naaresto sa isang operasyon kontra ilegal na droga sa Cagayan de Oro City.
Sa pahayag ng ahensiya, huling nagreport sa tungkulin ang naturang indibidwal noong Hulyo 2022.
Mariing kinondena ng BOC ang anumang pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad, partikular sa ilegal na droga, at nagpahayag ng suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Nagbabala naman si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang kawani na mapatutunayang sangkot sa ilegal na gawain.
Binigyang-diin din niya na walang puwang sa ahensiya ang mga sangkot sa ilegal na droga.