Inilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga guidelines para sa kompensasyon sa mga manggagawang nagkakasakit dahil sa matinding init, ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng very strong El Niño.
Sa ilalim ng Labor Advisory No. 19, Series of 2026, na nilagdaan ni DOLE Secretary Francis Tolentino noong Oktubre 23, maaaring saklawin ng Employees’ Compensation Program ang mga sakit na may kaugnayan sa matinding init.
Bukod sa heat stroke, heat cramps at heat exhaustion, kabilang din dito ang pagkahimatay, pagkahilo, bungang-araw, pinsala sa kalamnan, dehydration na nagdudulot ng pinsala sa bato, at mga kondisyong nakaaapekto sa nervous system.
Sa pagsusuri ng mga claim, isasaalang-alang ang uri ng trabaho, tagal ng pagkakalantad sa init, kondisyon sa lugar ng trabaho, at iba pang ebidensiyang magpapatunay na may kaugnayan sa trabaho ang pagkakasakit.
Inaatasan din nito ang mga employer na itala at iulat ang mga insidente ng heat-related illnesses at tulungan ang mga apektadong manggagawa sa paghahain ng claim sa ilalim ng Employees’ Compensation Program sa pamamagitan ng SSS o GSIS.


