Pagkakaroon ng ASEAN Power Grid isa sa napagkasunduan sa 49th ASEAN Summit
Pumirma na ng kasunduan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang magkaroon ng Power Grid ang rehiyon na magbibigay ng energy connectivity sa ASEAN Countries.
Inanunsiyo ito ni Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque matapos ang naging 28th ASEAN Economic Community Council.
Ayon kay Roque, magbibigay ito ng energy security at magkakaroon din ng cross-border electricity supply.
Ang Pilipinas naman aniya ang nanguna sa pagtalakay patungkol sa inisyatibo at lahat ng miyembro ng ASEAN ay pumirma dito.