Magsasagawa ang Estados Unidos, India, Japan at Australia ng maritime exercise, tampok ang maritime patrol aircraft ng apat na bansa.
Ito ang inanunsiyo ni US President Donald Trump sa first leader-level Quadrilateral Security Dialogue (QUAD) Summit na ginanap sa Pilipinas.
Layon ng pagsasanay na panatilihin ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region.
Bagama’t hindi tinukoy kung saan isasagawa ang pagsasanay, isusulong aniya ang superintelligence na aniya’y pinakamalaking oportunidad sa paglago ng ekonomiya mula pa noong Industrial Revolution.
Ang Quad ay isang diplomatic partnership sa pagitan ng apat na bansa para palakasin ang malaya at bukas na Indo-Pacific.
Makailang beses na ring sinabi ng Amerika na walang bansang pinupuntirya ang Quad.