Gagampan ng mahalagang papel ang pinasinayaang Tourist Rest Area (TRA) sa Pagudpud, Ilocos Norte, ngayong araw (May 17), sa layon ng administrasyon na gawing tourism powerhouse sa Asya ang Pilipinas.
Sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa pasilidad na ito, inaasahan na nila ang mas marami pang turista sa Ilocos Region.
Magbibigay kasi aniya ito ng pangunahing tourist services tulad ng information center, malinis na restrooms, charging stations, at pasalubong center.
“To help our tourists navigate the beautiful sites that we offer in Ilocos Norte. We provide clean restrooms, charging stations, a lounge for our travelers to rest and recharge while they are going around the province and going to other destinations that they will go to.” -Pangulong Marcos Jr.
Ang proyektong ito aniya ay nagpapakita ng whole of government approach na layong i-develop pa ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan.
“So, this TRA is an important initiative for us as we want to transform the Philippines into the tourism powerhouse in Asia. We are in very stiff competition. Thailand has done an extremely good job in promoting tourism. Korea has done a very, very good job doing that. Indonesia, the same thing. Vietnam, the same thing.” -Pangulong Marcos Sa kasalukuyan, mayroon nang walong TRA ang Pilipinas na matatagpuan sa Roxas, Palawan; Medelin, Cebu; Carmen, Cebu; Carcar, Cebu; Moalboal, Cebu; Dauis, Bohol; Manolo Fortich, Bukidnon; at Island Garden City of Samal, Davao Del Norte. | ulat ni Racquel Bayan