Kabuuang 23 Electric Cooperatives (ECs) mula sa 18 lalawigan at 4 na rehiyon ang naapektuhan ng bagyong Julian.
Sa nasabing bilang, 19 na ECs ang balik na sa normal ang operasyon habang ang 3 pang ECs na kinabibilangan ng INEC sa Ilocos Norte, MOPRECO sa Bontoc Mountain Province at ABRECO sa Abra ang nakakaranas pa ng partial power interruptions (PPI).
Balik na rin sa normal na operasyon ang CAGELCO II o ang Cagayan Electric Cooperative II matapos makaranas din ng power outages.
Samantala ang BATANELCO, o Batanes Electric Cooperative na lubhang naapektuhan ng bagyo at nakaranas ng Total Power Interruption (TPI) ay patuloy pa ang power restoration.
Sa ulat NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department na 318 sa 340 munisipalidad o 93.53% ay nasa normal nang operasyon.
Batay sa latest monitoring, wala pang ulat ng inisyal na halaga ng damage sa mga ECs. | ulat ni Rey Ferrer