DHSUD at isang Partylist group, nagkasundo para sa pagtatayo ng housing project

Umani ng suporta mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang plano ng isang Partylist group na magpatayo ng pabahay project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (#4PH) Program. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Kabalikat ng Mamamayan (KABAYAN) Partylist Representative Ron… Continue reading DHSUD at isang Partylist group, nagkasundo para sa pagtatayo ng housing project

Quezon City Jail Male Dormitory, maglalagay ng Special Polling Precints para sa mga PDL na boboto sa BSKE

Inihahanda na ng Quezon City Jail Male Dormitory ang pasilidad para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong buwan ng Oktubre 2023. Ayon kay City Warden Jail Supt Michelle ng Bonto may inisyal nang pulong na ginawa ang pamunuan ng Jail facility at Commission on Elections (COMELEC) para paghandaan ang pagboto ng mga registered… Continue reading Quezon City Jail Male Dormitory, maglalagay ng Special Polling Precints para sa mga PDL na boboto sa BSKE

Makasaysayang gold medal win ng Pilipinas sa 19th Asian Games, pinuri ni Speaker Romualdez

Kaisa si Speaker Martin Romualdez sa pagbubunyi ng Pilipinas sa makasaysayang panalo ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games. Matapos ang 61 taong tagtuyot ay nasungkit ng national basketball team ang gintong medalya nang talunin ang bansang Jordan sa score na 70-60. Ayon sa House leader, ang kamangha-manghang laro na ito ng Gilas ay tiyak… Continue reading Makasaysayang gold medal win ng Pilipinas sa 19th Asian Games, pinuri ni Speaker Romualdez

Tatlong isla ng Pilipinas, pasok sa Top 10 Reader’s Choice Award ng isang International Travel Magazine

Muling kinilala ang ganda ng Pilipinas ng isang International Travel Magazine nang masungkit ng tatlong isla ng bansa ang tatlong pwesto sa Top 10 ng Reader’s Choice Award nito. Sa inilabas na listahan ng Condé Nast Traveler o CNT kung saan umabot sa 600,000 readers ang sinurvey online, pasok sa ika-sampung pwesto ang isla ng… Continue reading Tatlong isla ng Pilipinas, pasok sa Top 10 Reader’s Choice Award ng isang International Travel Magazine

PhilSys registration, pumalo na sa higit 81-milyon sa buong bansa -PSA

Hanggang Oktubre 3, 2023, umabot na sa kabuuang 81,005,872 Pilipino ang nakapagparehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon sa Philippine Statistics Office, nakamit ang malaking bilang ng mga nagparehistro sa pamamagitan ng dedicated efforts at pangako ng ahensiya. Partikular na dito ang matiyak sa isang inclusive at accessible na national identification system para sa… Continue reading PhilSys registration, pumalo na sa higit 81-milyon sa buong bansa -PSA

DOH, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyong may ospital ng kagawaran na naka-lockdown

Itinanggi ng Department of Health (DOH) sa isang pahayag ang kumakalat na mensahe sa social media na nagsasabing isang ospital diumano ng kagawaran ang naka-lockdown sanhi ng isang pasyenteng may Coronavirus. Ayon sa DOH, ang nasabing mensahe ay peke dahil wala umanong ospital nila ngayon ang naka-lockdown at nananatiling bukas at operational ang lahat ng… Continue reading DOH, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyong may ospital ng kagawaran na naka-lockdown

Mga post sa social media kaugnay sa mga business establishment sa Quezon City na nilooban, fake news ayon kay Mayor Belmonte

Hindi totoo ang mga kumakalat na post sa social media na may ilang establisyimento sa lungsod Quezon ang nilooban ng mga armadong lalaki at natangayan ng malaking halaga ang mga customer. Naglabas na ng pahayag si Mayor Joy Belmonte na ang mga post na ito’y pawang fake news na ang tanging layunin ay maghasik ng… Continue reading Mga post sa social media kaugnay sa mga business establishment sa Quezon City na nilooban, fake news ayon kay Mayor Belmonte

12 oras na kawalan ng kuryente, inaasahang mararanasan sa ilang bayan sa Pangasinan

Nakatakdang makaranas ng labing dalawang (12) oras na power service interruption ang ilang bayan at lungsod ng Pangasinan ngayong araw, ika-7 ng Oktubre 2023. Mag-uumpisa ang kawalan ng kuryente mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM sa parehong araw. Ayon sa inilabas na abiso ng Central Pangasinan Electric Cooperatives (CENPELCO), apektado ng power service interruption ang… Continue reading 12 oras na kawalan ng kuryente, inaasahang mararanasan sa ilang bayan sa Pangasinan

Magnitude 6.1 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao

Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong alas-7:21 ng gabi. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa Sarangani Island, Davao Occidental. May lalim itong 131 kilometro at tectonic in origin. Dahil sa malakas na pagyanig, aasahan ang aftershocks ayon… Continue reading Magnitude 6.1 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao

Nagpakilalang pulis sa viral road rage sa Quezon City, pinaghahanap na

Ipinag-utos na ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, ang pagtugis sa nagpakilalang pulis na nag-viral sa social media matapos mabundol ang isang rider at pasahero nito sa Mindanao Avenue, Quezon City. Batay sa Facebook post ng isang Rayou Carbonnel, pasahero ng rider, habang binabaybay nila ang Mindanao Ave., ay biglang… Continue reading Nagpakilalang pulis sa viral road rage sa Quezon City, pinaghahanap na