Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati kay EJ Obiena para sa pagkakasungkit nito ng gold medal sa 19th Asian Games

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay EJ Obiena sa pagkakasungkit nito ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa men’s pole vault, sa ika-19 na Asian Games, na ginaganap sa Hangzhou, China. “As of September 30, the Philippines has already bagged eight medals: one gold, one silver, and six bronze, according to… Continue reading Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati kay EJ Obiena para sa pagkakasungkit nito ng gold medal sa 19th Asian Games

Maraming Barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas -Maynilad

Labinlimang (15) barangay sa lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas ng gabi, Oktubre 2 hanggang 9. Sa abiso ng Maynilad Water Services, ang water interruption ay bahagi ng isasagawang weekly maintenance activities para lalo pang mapahusay ang serbisyo nito sa West Zone areas. Karamihan sa mga ito ay magaganap tuwing peak… Continue reading Maraming Barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas -Maynilad

Mas maraming Chinese investments sa Pilipinas, inaasahan ng PEZA

Umaasa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa mas maraming investments pa na gagawin ang mga kumpanyang Tsino sa Pilipinas matapos ang matagumpay na pagtatapos ng ika-20 China-ASEAN Expo (CAEXPO). Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, kumpiyansa itong aakit ng mas maraming mga Chinese company investors ang bansa dahil sa malakas na ekonomiya na… Continue reading Mas maraming Chinese investments sa Pilipinas, inaasahan ng PEZA

Lalaking nang-harass ng isang truck driver sa Maynila, arestado

Sa kulungan ang bagsak ng lalaking nakunan sa isang viral video na nangha-harass ng isang truck driver sa Road 10 sa Tondo matapos arestuhin ng mga awtoridad ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang supek bilang si Marvin Mangalindan, 23 taong gulang at residente ng Barangay 128, Tondo, Manila. Arestado ang suspek matapos makatanggap ng… Continue reading Lalaking nang-harass ng isang truck driver sa Maynila, arestado

Speaker Romualdez, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagpanaw ng nakababata nitong kapatid

Nagpaabot ng pakikidalamhati si House Speaker Martin Romualdez sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagpanaw ng nakababata nitong kapatid na si Jocelyn Duterte-Villarica. Ayon kay Romualdez, kaisa sila sa pagluluksa ng naiwang pamilya. Patuloy rin silang nananalangin para sa naiwang pamilya sa gitna ng mabigat na panahong ito. Biyernes nang mamayapa ang kapatid… Continue reading Speaker Romualdez, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagpanaw ng nakababata nitong kapatid

24/7 operation ng City Epidemiology and Surveillance Unit sa Valenzuela, nilimitahan na lang sa walong oras -LGU

Simula bukas Oktubre 2, lilimitahan na ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (VCESU) ang kanilang operasyon. Sa abiso ng Valenzuela local government unit (LGU), magbibigay na lamang sila ng serbisyo sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. Ito ay mula sa dating 24 na oras na operasyon sa… Continue reading 24/7 operation ng City Epidemiology and Surveillance Unit sa Valenzuela, nilimitahan na lang sa walong oras -LGU

Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan

Patuloy ang mariing pakikiusap ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Sudan na agad na umalis sa nasabing bansa. Kasabay ito ng pagbubukas ng mga direct flight mula Port Sudan patungong Cairo. Ayon sa Embahada ng Pilipinas, para sa mga Pilipinong nais na lumikas, maaring pumunta sa Port Sudan. Pero… Continue reading Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan

BFAR, sinigurong may suplay ng isda ngayong 4th Quarter

Siniguro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may suplay ng isda ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Disyembre sa Ilocos Norte. Ito ay dahil sa patuloy na suporta sa fish farmers sa lalawigan sa pagbibigay ng fingerlings at fish cages. Ayon kay Vanessa Abegail Dagdagan ng BFAR sa Ilocos Norte, mayroong Tilapia-Shrimp… Continue reading BFAR, sinigurong may suplay ng isda ngayong 4th Quarter

Dinagat solon, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM para sa pagbangon ng Dinagat Island

Malaki ang pasasalamat ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na tutulungan ang Dinagat na bumangon. Nitong Biyernes nang pangunahan ng Pang. Marcos Jr. ang “Walang Gutom 2027” at pagpaaabot ng tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa probinsya. Dito muling binigyang diin ng chief executive… Continue reading Dinagat solon, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM para sa pagbangon ng Dinagat Island

Taal Volcano, nakitaan na lang ng manipis na volcanic smog kahapon -PHIVOLCS

Kalmado, malinis at maaliwalas ang kaanyuan ng Taal Volcano sa Taal Batangas ngayong umaga. Batay sa monitoring ng Phivolcs, nakitaan na lang ito ng manipis na volcanic smog o vog kahapon. Sa nakalipas na 24 oras, nagkaroon lamang ito ng tatlong volcanic earthquake kabilang ang 1 volcanic tremor na tumagal ng limang minuto. Kahapon, bumaba… Continue reading Taal Volcano, nakitaan na lang ng manipis na volcanic smog kahapon -PHIVOLCS