Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Nasa 25 indibidwal na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Pinakamaraming namatay ay mula sa District 6 na umabot sa walong (8) indibidwal, sunod ang District 2 na may lima (5), tig-apat(4) naman sa District 4, tatlo (3) sa District 3 at isa (1) sa District 1. Ayon sa ulat ng Quezon… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Higit isang libong examinees, nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination -CSC

Nakatakdang igawad ng Civil Service Commission (CSC) ang Local Treasurer Eligibility sa may 1,018 indibidwal na nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE) na ginanap noong Hunyo 11, 2023. Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ang bilang na ito ay kumakatawan sa 18.09% ng 5,626 kabuuang bilang ng examinees. Si Jenny B. Sagario… Continue reading Higit isang libong examinees, nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination -CSC

Mandaluyong LGU, naglabas ng listahan ng rice retailers na nagbebenta ng murang bigas

Dalawang public market sa Mandaluyong ang tuloy-tuloy na nagbebenta ng murang bigas na P41 at P45. Sa inilabas na listahan ng Mandaluyong City government, kabilang sa mga rice stalls na nagbebenta ng itinakdang presyo ng bigas ay ang Pacheco Rice Store at Eliza Fotuleza Rice Store sa public market sa General Kalentong Street. Sa isa… Continue reading Mandaluyong LGU, naglabas ng listahan ng rice retailers na nagbebenta ng murang bigas

Panahon na hindi maaaring manghuli ng isdang sardinas sa karagatan ng Zamboanga Peninsula, binago na ng BFAR

Inaprubahan na ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) ang adjustment sa pagpapatupad ng closed fishing season para sa sardinas sa karagatang sakop ng Zamboanga Peninsula. Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, simula ngayong taon, ang katubigan sa East-Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay ay isasara sa sardines fishing mula Nobyembre… Continue reading Panahon na hindi maaaring manghuli ng isdang sardinas sa karagatan ng Zamboanga Peninsula, binago na ng BFAR

400 kilo ng mga bulok na bangus, nasabat sa Magsaysay Market sa Dagupan City, Pangasinan

Nasabat ng pinagsama-samang pwersa ng City Agriculture’s Office, City Treasurers Office Market, City Health Office ng Dagupan City at Task Force Anti Littering ang 10 kahon na naglalaman ng mga gataw o nabubulok na mga bangus sa Dagupan City Pangasinan. Nahuli ang mga gataw na bangus sa Magsaysay Fish Market kahapon, ika-9 ng Setyembre 2023.… Continue reading 400 kilo ng mga bulok na bangus, nasabat sa Magsaysay Market sa Dagupan City, Pangasinan

“Lakbay Alalay” para sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City, in-activate na ng DPWH

Inihahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Daang Maharlika sa Bicol Region para sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City. Sa selebrasyong ito, inaasahan na ang pagdagsa ng mga bisitang lokal at dayuhan. Inatasan na ni DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte ang District Engineers (DEs) sa mga… Continue reading “Lakbay Alalay” para sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City, in-activate na ng DPWH

NHA, pinaghahandaan na ang ilulunsad na pinakaunang peoples caravan nito

Puspusang paghahanda ang ginagawa ngayon ng National Housing Authority (NHA) para sa gagawing People’s Caravan na gaganapin sa Villa de Adelaida Housing Project, Brgy. Halang, Naic, Cavite sa Setyembre 15, 2023. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang People’s Caravan ay ang makabagong pamamaraan ng NHA upang mas epektibo at direktang maihatid sa mga… Continue reading NHA, pinaghahandaan na ang ilulunsad na pinakaunang peoples caravan nito

Partylist solon, hinimok ang kanyang kapwa mambabatas na iprayoridad ang reporma sa penal system ng Pilipinas

Nanawagan si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan sa Kongreso na bigyang prayoridad ang reporma sa penal system sa bansa. Panawagan ng partylist solon sa kapwa mambabatas, gawing lugar para sa rehabilitasyon at transformation ang mga kulungan. Ayon sa mambabatas, labis na nakakalungkot ang “deterioration” ng kasalukuyang estado ng penal institution na siyang “breeding ground”… Continue reading Partylist solon, hinimok ang kanyang kapwa mambabatas na iprayoridad ang reporma sa penal system ng Pilipinas

Pinagandang serbisyo ng SSS sa kanilang mga miyembro, pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Social Security System (SSS) sa mas pinagandang sistema para mapagsilbihan ang mga miyembro nito sa loob at labas ng bansa. Ito ang mensahe ni Diokno sa kanyang pagdalo sa ika-66 founding anniversary ng SSS. Ayon sa kalihim, alinsunod sa mandato ng ahensya, patuloy na isinusulong ng SSS ang pagpapatupad ng… Continue reading Pinagandang serbisyo ng SSS sa kanilang mga miyembro, pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno

Pamamahagi ng cash aid sa micro rice retailers, magpapatuloy hanggat hindi nakukumpleto ang pamamahagi ngayong araw

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabibigyan ng sustainable livelihood assistance ang lahat ng kuwalipikadong micro rice retailers na apektado ng price ceiling sa bigas. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kung hindi man sila makakuha ng ayuda ngayong araw ay magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw. Sa kabuuan,… Continue reading Pamamahagi ng cash aid sa micro rice retailers, magpapatuloy hanggat hindi nakukumpleto ang pamamahagi ngayong araw