Pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring sa Western Visayas pumalo sa P356.1-M

Pumalo na sa P356.1-million ang pinsala sa agrikultura dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong #GoringPH ng dumaan sa Western Visayas. May pinakamataas na pinsala ang Negros Occidental na umaabot sa P144-million, sumunod ang Iloilo na umaabot sa P118-million, Antique (P77-million) at Guimaras (P15-million). Nasa 102,508 na mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Inaasahan ng… Continue reading Pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring sa Western Visayas pumalo sa P356.1-M

Miyembro ng CAFGU Active Auxiliary, natimbog ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng iligal na mga armas at mga bala

Natimbog ng mga awtoridad ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) ng Philippine Army dahil sa pag-iingat ng iligal na mga armas at mga bala sa bayan ng Roseller T. Lim sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Ayon kay Police Col. Eduard Mallo, provincial director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (ZSBPPO), nahuli si Jover… Continue reading Miyembro ng CAFGU Active Auxiliary, natimbog ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng iligal na mga armas at mga bala

OTOP Law, malaking tulong para sa post-pandemic recovery ng MSMEs

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang sisipa ang pagbangon ng micro, small, and medium enterprises (MSME) mula sa epekto ng COVID-19 pandemic matapos tuluyang maisabatas ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act. Aniya, sadyang idinisenyo ang Republic Act 11960 o OTOP sa layuning makalikha ng ekonomiya na kayang tumayo sa sarili… Continue reading OTOP Law, malaking tulong para sa post-pandemic recovery ng MSMEs

Kauna-unahang Creative Industries Month 2023, inilunsad ng NCCA at DTI

Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang masiglang malikhaing industriya o creative industry ngayong buwan ng Setyembre bilang bahagi ng Philippine Creative Industries Month (PCIM) 2023. Opisyal itong ilulunsad ng National Commission for Culture and the Arts at Department of Trade and Industry sa Rizal Park Open Auditorium sa Setyembre 17. Ang diwa ng pagdiriwang na tatagal ng… Continue reading Kauna-unahang Creative Industries Month 2023, inilunsad ng NCCA at DTI

DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Dahil sa limitado lamang ang pasilidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga anak o mga bata sa loob ng ahensiya. Nilalayon nitong maiwasan ang anumang panganib o aksidente na maaaring mangyari sa mga bata.… Continue reading DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Panukalang magtatatag ng R.I.S.E. program, nakikitang solusyon para makamit ang P20 kada kilo na presyo ng bigas

Muling nanawagan si AGRI-party-list Rep. Wilbert Lee na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa mataas na presyo ng bigas. Ayon sa mambabatas, bagama’t welcome ang price ceiling na P41 kada kilo ng regular milled rice at P45 kada kilo ng well milled rice, kung hindi maiging mababantayan ay posibleng mauwi sa limitadong suplay ng bigas sa… Continue reading Panukalang magtatatag ng R.I.S.E. program, nakikitang solusyon para makamit ang P20 kada kilo na presyo ng bigas

3 tauhan ng QCPD Traffic Sector 4, kinasuhan sa PLEB kaugnay sa gun-toting incident

Tatlong tauhan ng Quezon City Police District Traffic Sector 4 ang kinasuhan sa Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) kaugnay sa nag viral na gun-toting incident noong Agosto 8. Mismong si Atty. Raymond Fortun, na umaktong concerned citizen ang nagsampa ng reklamo laban sa traffic policemen. Kinilala ang ito na sina PSSG Darwin Peralta,… Continue reading 3 tauhan ng QCPD Traffic Sector 4, kinasuhan sa PLEB kaugnay sa gun-toting incident

P80 million na panukalang pondo para sa pagpapalakas ng Pag-asa Island, pinadaragdagan

Umaasa si Deputy Speaker Ralph Recto na hindi lang P80 million ang pondo na nakalaan para sa pagpapalakas ng military facility ng bansa sa Pag-asa Island. Batay sa itemized expenditure na nakapaloob sa panukalang 2024 budget, pinondohan ng P40 million ang igloo-style ammunition storage at P40 million din para sa bagong dalawang palapag na military… Continue reading P80 million na panukalang pondo para sa pagpapalakas ng Pag-asa Island, pinadaragdagan

Higit 200 PDL, nakapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng ALS -QCJMD

Umabot sa 207 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Quezon City Jail Male Dormitory ang nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning Systems (ALS). Nasa 53 sa kabuuang bilang ang elementarya at 154 naman ang junior high school. Idinaos ang graduation ceremony sa pasilidad ng QCJMD sa pakikipagtulungan ng DEPED Quezon… Continue reading Higit 200 PDL, nakapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng ALS -QCJMD

Sinucalan River, nasa above critical status na; MDRRMO, naka-alerto na

Nasa above critical status na ang naitalang lebel ng tubig sa Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan. Batay sa datos ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) umakyat na sa 7.20 MASL ang naitalang lebel ng tubig sa ilog as of 6:00 am ngayong araw, ika-3 ng Setyembre, 2023. Ang naitalang… Continue reading Sinucalan River, nasa above critical status na; MDRRMO, naka-alerto na