Tubig bahang hindi humuhupa sa Malabon, problema ng mga mag-aaral ngayong pasukan

Muling umapela sa pamahalaang lungsod ng Malabon ang mga pamilya sa Barangay Panghulo na tulungan silang maresolba ang tubig baha sa kanilang lugar. Partikular ang may 300 pamilya sa Artex compound na maraming taon nang apektado ng tubig bahang hindi na humuhupa. Ngayong magpapasukan na, sakripisyo sa mga estudyante ang sumakay ng bangka makatawid lang… Continue reading Tubig bahang hindi humuhupa sa Malabon, problema ng mga mag-aaral ngayong pasukan

PS-DBM, nakapagtalaga ng higit sa P600 million na savings noong 2022

Ibinida ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga mambabatas na nakapagtala ang Procurement Service-Department of Budget and Management o PS-DBM ng mahigit sa P681 million na “savings” nitong 2022. Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ito ay bunsod na rin aniya ng “transparent procurement” sa ilalim ng pamumuno ni PS-DBM Executive Director Dennis… Continue reading PS-DBM, nakapagtalaga ng higit sa P600 million na savings noong 2022

Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Asahan pa ang mga aftershocks sa bahagi ng Sabtang, Batanes matapos ang magnitude 5.7 na lindol na nangyari bago mag alas-10:00 ngayong umaga. Paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang dalang pinsala ang lindol na tumama sa bahagi ng karagatan. Ayon sa ulat, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 38… Continue reading Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Mas mataas na travel expenses para sa 2024, para makahimok ng dagdag na mamumuhunan sa bansa—DBM

Ang mas mataas na pondo para sa travel expenses sa susunod na taon ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na makahikayat ng dagdag na mamumuhunan sa bansa. Ito ang binigyang linaw ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman matapos silipin ni KABATAAN party-list Rep. Raoul Manuel ang mataas na travel expense ng… Continue reading Mas mataas na travel expenses para sa 2024, para makahimok ng dagdag na mamumuhunan sa bansa—DBM

Bulkang Mayon, nagtala pa ng higit 200 volcanic earthquake

Nananatili pa ring mataas ang aktibidad ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala pa ang bulkan ng 221 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras kabilang ang 111 tremor events na tumagal ng isa hanggang 28 minuto. Ilan sa mga tremors ay may kasamang… Continue reading Bulkang Mayon, nagtala pa ng higit 200 volcanic earthquake

Pagkakaroon ng rainwater facility bago bigyan ng construction permit ang mga property developer, inihirit ng isang kongresista sa mga LGU

Hinimok ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang mga LGU na ikonsidera na gawing requirement sa mga property developer ang paglalagay ng rainwater retention facilities bago sila bigyan ng construction permit. Ang panawagan ng mambabatas ay bunsod na rin nang naranasang malawakang pagbaha sa Maynila at karatig lalawigan nang tumama ang Bagyong Egay at Falcon.… Continue reading Pagkakaroon ng rainwater facility bago bigyan ng construction permit ang mga property developer, inihirit ng isang kongresista sa mga LGU

Dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna, sumakabilang buhay na

Pumanaw na si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna sa edad na 85 taong gulang. Inihayag ito ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ngayong umaga, Agosto 13. Sa kanyang social media post, inihayag ng pamilya Lacuna, sa pamamagitan ni Mayor Honey, ang panganay sa limang anak, na namatay si dating Vice Mayor Danny Lacuna kaninang madaling araw… Continue reading Dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna, sumakabilang buhay na

Pagtutulungan ng BFP at Meralco para maiwasan ang sunog, palalakasin pa

Pasisiglahin pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang pagtutulungan para maiwasan ang sunog. Kahapon, nakipagpulong si BFP Regional Director Chief Supt Nahum Tarroza sa Meralco para palakasin pa ang kanilang ugnayan. Batay sa istatistika, karaniwang pinagmumulan ng sunog ay may kinalaman sa kuryente. Sa kanyang pakikipagpulong kay Antonio… Continue reading Pagtutulungan ng BFP at Meralco para maiwasan ang sunog, palalakasin pa

Biyaheng Mactan-Liloan sa Pier 88, aarangkada na sa susunod na linggo

Simula sa August 15 ay bubuksan na ang biyaheng Mactan-Liloan mula sa Pier 88. Mismong si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco ang nanguna sa dry-run ng biyahe ng Topline Seabus. Matatandaang noong Mayo nang pangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang pagpapasinaya sa Pier 88. Ayon kay Frasco,… Continue reading Biyaheng Mactan-Liloan sa Pier 88, aarangkada na sa susunod na linggo

DSWD, umaasang maaprubahan ang karagdagang pondo ng social pension sa 2024 budget

Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaprubahan ang karagdagang pondo para sa social pension for indigent senior citizens program na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang 2024 national budget. Batay sa pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, aabot sa P49.81 bilyon ang inilaan para sa social services… Continue reading DSWD, umaasang maaprubahan ang karagdagang pondo ng social pension sa 2024 budget