Maraming lugar sa Caloocan at Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula Hulyo 10

Simula Hulyo 10 hanggang 17, ilang lugar sa Metro Manila ang mawawalan ng suplay ng tubig. Sa abiso ng Maynilad Water Services, ang kawalan ng suplay ng tubig ay bahagi ng kanilang weekly maintenance activity upang mapahusay pa ang water services sa West Zone areas. Ngayon pa lang, hinihimok na ang mga customers na mag-imbak… Continue reading Maraming lugar sa Caloocan at Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula Hulyo 10

Nararanasang El Niño ngayong taon, hindi pa makikita ang epekto sa ekonomiya -NEDA

Hindi pa raw makikita ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa ngayong taon. Sa news forum, sinabi ni National Economic and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon, ang nararanasang El Niño ay walang magiging epekto sa presyo ng mga bilihin at paggalaw ng inflation rate. Aniya, posibleng sa unang bahagi pa ng susunod na… Continue reading Nararanasang El Niño ngayong taon, hindi pa makikita ang epekto sa ekonomiya -NEDA

BSP muling nagpaalala kaugnay sa paggamit ng P 1,000 polymer banknote

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na maaari pa ring tanggapin at gamitin ang mga natupi o nalukot na P1,000 polymer banknote. Sa isinagawang BSP Piso Caravan ng BSP-Visayas Regional Office sa Mandaue City Public Market, binigyang linaw ni Bank Officer IV Conrado Cabandi Jr ang isyu kaugnay sa paggamit ng bagong… Continue reading BSP muling nagpaalala kaugnay sa paggamit ng P 1,000 polymer banknote

Aklan solon, patuloy na nagtitiwala sa kakayanan ni Tourism Sec. Frasco na mapalago ang turismo ng Pilipinas

Pinuri ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco, Jr. ang Department of Tourism (DOT) at si Tourism Secretary Cristina Frasco sa maraming mga nagawa nito para palakasin ang turismo ng bansa. Ito ay sa gitna na rin ng ilang isyu na ipinukol sa DOT sa nakalipas na mga araw. “The Department of Tourism has been… Continue reading Aklan solon, patuloy na nagtitiwala sa kakayanan ni Tourism Sec. Frasco na mapalago ang turismo ng Pilipinas

PNP Panamao, Sulu, nakapagtala ng zero crime incident sa 2nd quarter ngayong taon

Wala kahit isang crime incident ang naitala ng Panamao Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sulu mula Abril hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Bunga ito ayon kay PCapt. Benbadz Kalab, Acting Chief of Police ng Panamao MPS, ng magandang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan mula sa municipal at barangay level, AFP, ahensiya ng… Continue reading PNP Panamao, Sulu, nakapagtala ng zero crime incident sa 2nd quarter ngayong taon

Mga PUV operator at driver na hindi sumusunod sa kanilang ruta, pinaalalahanan ng LTFRB

Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at driver ng pampublikong transportasyon sa hindi pagsunod sa ruta ng kanilang biyahe. Nagpahayag ang LTFRB bilang tugon sa hinaing ng mga commuter hinggil sa “trip-cutting” o ang hindi pagsunod ng ilang driver sa rutang nakasaad sa kanilang prangkisa. Kahapon, nagsagawa ng field… Continue reading Mga PUV operator at driver na hindi sumusunod sa kanilang ruta, pinaalalahanan ng LTFRB

Mga binhi ng gulay at gamit sa pagsasaka ipinamahagi sa ilang magsasaka sa Butuan City

Nasa 95 magsasaka sa lungsod ng Butuan ang nakatanggap ng iba’t ibang klase ng binhi ng gulay mula sa Department of Agriculture (DA) Caraga Regional Office sa pamamagitan ng Butuan City Agriculture Office. Bukod sa binhi, namahagi rin ng 10 power sprayer, 90 plastic drums, at 50 pirasong plastic crates. Layon ng lokal na pamahalaan… Continue reading Mga binhi ng gulay at gamit sa pagsasaka ipinamahagi sa ilang magsasaka sa Butuan City

High value drug personality sa lalawigan ng Quezon naaresto na ng pulisya

Nahuli na ng pulisya ang high-value drug personality sa Pagbilao, Quezon matapos ang isinagawang buy-bust operation. Kasabay nito ang pagkakumpiska ng mga otoridad ng ilegal na droga sa kanya na nagkakahalaga ng P3,672,000. Kinilala ni Quezon Provincial Police Office Provincial Director PCol. Ledon Monte ang naarestong suspek na si Samuel Marino ng Brgy. Sta. Catalina… Continue reading High value drug personality sa lalawigan ng Quezon naaresto na ng pulisya

PRC at isang religious group, nagsasagawa ng bloodletting activity, sa iba’t ibang lugar bansa

Sabayang isinasagawa ngayong umaga ng Philippine Red Cross at Pentecostal Missionary Church of Christ ang bloodletting activity sa tatlumpong (30) lugar sa bansa. Ang aktibidad ay may kaugnayan sa ika- 50 taong anibersaryo ng religious group kasabay ng paggunita ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo sa buong bansa. Target ng red cross na makakulekta… Continue reading PRC at isang religious group, nagsasagawa ng bloodletting activity, sa iba’t ibang lugar bansa

Lima arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Nahuli ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation ang limang indibidwal dahil sa pagbebenta ng pinaghihinalaang shabu kaninang alas-3:10 ng madaling araw sa Barangay Kaingen, Bacoor, Cavite. Naaresto ang mga suspek na kinilala bilang sina John Remlie Baquir, alyas Jay-Ar; Ellen Faye Lim, alyas Kambal; Ma. Crizelda Orquiza, alyas… Continue reading Lima arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite