Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, tumutulong na sa Pilipinong naistranded sa Makka sa Saudi Arabia

Kumikilos na ang embahada ng Pilipinas sa Muzdalifah o Makka sa Saudi Arabia para tulungan ang mga kababayang Pilipino sa nasabing lugar matapos na maistranded habang dumadalo sa Hajj. Batay sa abiso ng Embahada ng Pilipinas, nakarating na ang kanilang grupo sa nasabing lugar. Tulong-tulong anila ang mga tauhan ng embahada sa Riyadh, konsulada sa… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, tumutulong na sa Pilipinong naistranded sa Makka sa Saudi Arabia

TESDA team na sasanay sa mga Pinoy skilled worker sa Saudi Arabia, dumating na sa Riyadh

Nasa Riyadh, Saudi Arabia na ang mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ito’y para magsagawa ng 4 na araw na Overseas Assessment Program na siyang susuri sa mga nagtapos ng Pilipino Skills Training. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh, malugod na tinanggap ang delegasyon ng TESDA ng kanilang mga kasamahan.… Continue reading TESDA team na sasanay sa mga Pinoy skilled worker sa Saudi Arabia, dumating na sa Riyadh

Malakas na ulan, naranasan sa Southern Metro Manila; flight at ground operations sa NAIA, sinuspinde

Pansamantalang nabalam ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA kaninang hapon kasunod ng malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila dulot ng thunderstorm. Dahil dito, kinailangang itaas ng Manila International Airport Authority o MIAA Ground Operations and Safety Division ang Lightning Red Alert sa paliparan dakong alas-3:52 ng hapon.… Continue reading Malakas na ulan, naranasan sa Southern Metro Manila; flight at ground operations sa NAIA, sinuspinde

Pagpapalakas ng operational capability ng PNP Special Action Force, tinalakay sa ginawang Regional Peace and Order Council meeting sa Sulu

Target ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR na palakasin pa ang pwersa ng kanilang Special Action Force sa lalawigan ng Sulu. Ito’y matapos ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Maimbung nitong Sabado sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng grupo ni Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Kahapon, nagkaroon ng Peace and… Continue reading Pagpapalakas ng operational capability ng PNP Special Action Force, tinalakay sa ginawang Regional Peace and Order Council meeting sa Sulu

Iba’t ibang aktibidad, inilunsad sa lungsod ng San Juan bilang pagdiriwang sa Wattah Wattah Festival

Naglatag ng mga bagong aktibidad ang lokal na pamahalaan ng San Juan kapalit ng nakagawiang Wattah Wattah Festival sa lungsod ngayong linggo. Matatandaang kinansela ang tradisyunal na basaan sa nasabing festival dahil sa nagbabadyang El Niño sa bansa. Kabilang sa mga aktibidad ang bloodletting activity, libreng medical consultation at feeding program. Pinangunahan din ni San… Continue reading Iba’t ibang aktibidad, inilunsad sa lungsod ng San Juan bilang pagdiriwang sa Wattah Wattah Festival

Nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng MILF sa Maguindanao nitong Hunyo, pinaiimbestigahan sa Senado

Isinusulong ni Senador Robin Padilla na maimbestigahan sa senado ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Paglas, Maguindanao nitong June 18. Sa inihaing Senate Resolution 664 ni Padilla, iginiit nitong dapat maging malinaw kung may naging paglabag sa peace process sa naging… Continue reading Nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng MILF sa Maguindanao nitong Hunyo, pinaiimbestigahan sa Senado

Mga senador, itinanggi ang impormasyong may planong mapalitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan

Pinabulaanan ng mga senador ang ugong ugong na may mga nagbabalak na palitan ang liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senado. Ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, kuntento ang mga senador sa pamumuno ni Zubiri. Sa opinyon rin ni Ejercito, mahirap palitan si SP Migz kaya naman sa kanyang palagay ay… Continue reading Mga senador, itinanggi ang impormasyong may planong mapalitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan

City Jail Female Dormitory sa Dagupan City, idineklarang drug-free workplace ng PDEA

Ganap nang Drug-Free Workplace ang Dagupan City Jail Female Dormitory matapos ang isinagawang assessment ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Office. Kasabay nito, nagsagawa ng Drug-Free Workplace Program Orientation ang mga miyembro ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) Team ng PDEA Pangasinan. Isinailalim sa oryentasyon ang mga kawani ng Dagupan District… Continue reading City Jail Female Dormitory sa Dagupan City, idineklarang drug-free workplace ng PDEA

Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Muling bumisita sa Sulu ang sikat na Philippine Looper na si Victor Salas upang isulong ang kaniyang adbokasiya na gawing adventure destination ang lalawigan. Kasabay nito ani Salas, isasailalim niya sa pagsasanay ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at tourism sa paggawa ng kuwintas na maaring ibenta sa mga lugar na dinarayo ng mga… Continue reading Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy

Nagkaloob na rin ngayong araw ng welfare goods ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Sulu sa mga bakwit na pansamantalng nanunuluyan sa tatlong evacuation center sa bayan ng Maimbung, Sulu. Ayon kay Imelda Kangiluhan, Provincial Social Welfare Officer ng MSSD Sulu, nasa 343 pamilya sa Matatal Elementary School sa barangay Matatal at 69… Continue reading Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy