Bahay sa Cebu City, tinangay ng gumuhong lupa, 45 indibidwal inilikas

Isang bahay ang nasira matapos matangay ng gumuhong lupa sa Sito Upper Cantipla, Brgy. Sudlon II, isang bukirang barangay sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Ramil Ayuman, special assistant ni Cebu City Mayor Michael Rama, ang nasirang bahay ay pagmamay-ari ni Junel Borres. Dagdag pa ni Ayuman na maliban sa nasirang bahay, pinangangambahan ring maapektuhan… Continue reading Bahay sa Cebu City, tinangay ng gumuhong lupa, 45 indibidwal inilikas

Kakulangan ng mga driver’s license card, inaasahang mareresolba sa loob ng 30 hanggang 45 araw ayon sa DOTr

Nakatakdang mareresolba na sa loob ng 30 hanggang 45-days ang kakulangan ng mga driver’s license card ng Land Transportation Office (LTO). Ito ang pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa eksklusibong panayam ng Radyo Pilipinas. Ayon kay Bautista, tapos na ang procurement at naiaward na sa  napiling supplier ang proyekto para sa… Continue reading Kakulangan ng mga driver’s license card, inaasahang mareresolba sa loob ng 30 hanggang 45 araw ayon sa DOTr

MARINA, ginunita ang Day of the Filipino Seafarer 2023

Bilang pagkilala sa mga Pilipinong marino, ginunita ng Maritime Industry Authority o MARINA ang Day of the Filipino Seafarer 2023. Sa isinagawa nilang programa sa Malate, Manila, sinabi ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na hindi lamang ito selebrasyon ng sakripisyo ng mga marino para tiyakin ang kaligtasan sa pagpapatakbo ng mga sasakyan pandagat. Aniya,… Continue reading MARINA, ginunita ang Day of the Filipino Seafarer 2023

5 nasawi matapos ang tensyon sa bayan ng Maimbung kahapon

Matapos ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-9, Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) at 41st Infantry Batallion kahapon laban sa dating Vice Mayor ng bayan ng Maimbung, unti-unti nang humuhupa ngayon ang sitwasyon sa bayan bagama’t hindi pa rin napapasok ang barangay Bualoh kung saan pinaniniwalaang naroon pa rin ang target… Continue reading 5 nasawi matapos ang tensyon sa bayan ng Maimbung kahapon

Labi ni San Juan City Vice Mayor Warren Villa, inilibing na

Dinala na sa huling hantungan ang labi ni San Juan City Vice Mayor Warren Villa ngayong hapon sa San Juan Cemetery. Bago ang libing, isinagawa ang necrological service sa San Juan City Hall na sinundan ng special prayer service. Binuksan ang lugar para sa public viewing mula pa kahapon. Namatay si Villa nitong June 18… Continue reading Labi ni San Juan City Vice Mayor Warren Villa, inilibing na

Higit P8.1M na halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEA sa Las Piñas City at Sta. Rosa, Laguna

Aabot sa higit P8.1M na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Las Piñas City at Sta. Rosa, Laguna. Sa lungsod ng Las Piñas, nasamsam ang 200g ng shabu na nakasilid sa mga candle jar at 800g ng naturang iligal na droga na nasa… Continue reading Higit P8.1M na halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEA sa Las Piñas City at Sta. Rosa, Laguna

Capability demo ng Special Forces Regiment (Airborne) ng Philippine Army, para sa ika-61 Founding Anniversary nito, sinaksihan ni PBBM

Ibinida ng Special Forces Regiment (Airborne) ng Philippine Army kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang kakayahan at mga kagamitan sa selebrasyon ng kanilang ika-61 Founding Anniversary, na sinaksihan ni Pangulong Marcos, sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Nagkaroon rin ng hostage taking scenario, kung saan ipinamalas ng special forces ang kanilang galing, karanasan, at… Continue reading Capability demo ng Special Forces Regiment (Airborne) ng Philippine Army, para sa ika-61 Founding Anniversary nito, sinaksihan ni PBBM

Bloggers at vloggers, dapat pahintulutan na makapag-cover muli sa SONA

Kung si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang tatanungin, mainam na pahintulutan pa rin ang bloggers at vloggers na makapag-cover muli sa State of the Nation Address (SONA) ngayong taon. Aniya, mas madaling intindihin ang paraan ng paglalahad nila ng istorya kung ikukumpara sa traditional media. “Traditional media create a more formal means of communicating… Continue reading Bloggers at vloggers, dapat pahintulutan na makapag-cover muli sa SONA

Mga opisyal ng DOTR, CAB, CAAP, pinagbibitiw sa pwesto ng isang kongresista

Hinikayat ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na linisin ang hanay ng Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Civil Aeronautics Board (CAB). Bunsod aniya ito ng magkakasunod na “aviation mess” na bigong tugunan ng mga opisyal ng naturang mga ahensya.… Continue reading Mga opisyal ng DOTR, CAB, CAAP, pinagbibitiw sa pwesto ng isang kongresista

Kongreso, nakasuporta sa pagnanais ni PBBM na palakasin ang maritime industry

Muling siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na nakasuporta ang Kongreso sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manlalayag na Pilipino at ipagpatuloy ang pagpapa-unlad sa maritime sector. Ito ang tinuran ni Romualdez sa pagdalo sa International Transport Workers’ Federation (ITF) Seafarers’ Expo kasama sina House… Continue reading Kongreso, nakasuporta sa pagnanais ni PBBM na palakasin ang maritime industry