NHA at DENR, nagpulong na para sa paglilipat ng mga pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar

Seryoso ang National Housing Authority na ilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga mapanganib na lugar sa Metro Manila. Nagpulong na sina NHA General Manager Joeben Tai at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo- Loyzaga para sa agarang relokasyon ng mga apektadong pamilya. Prayoridad ng NHA na mailipat ang mga pamilyang… Continue reading NHA at DENR, nagpulong na para sa paglilipat ng mga pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar

‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan, isinagawa sa lungsod

Dinagsa ang pagbubukas ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan sa lungsod ng Dagaupan, Pangasinan ngayong araw, ika-17 ng Hunyo, 2023 sa isang mall sa nasabing lungsod. Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez at Manlingkor ya Kalangweran ang nasabing Caravan kung saan makakabili ng iba’t ibang mura at sariwang mga produkto. Ayon sa… Continue reading ‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan, isinagawa sa lungsod

Empleyado ng LGU Hagonoy sa Davao Del Sur, timbog sa buy-bust operation ng PDEA 11

Timbog ang isang empleyado ng Local Government Unit ng Hagonoy, Davao del Sur kahapon sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 (PDEA 11) kasama ang Hagonoy Municipal Police Station. Kinilala ng PDEA 11 ang nahuling suspect na Elvin Dapin, 36 anyos at residente ng Barangay San Isidro sa bayan ng Hagonoy. Sa… Continue reading Empleyado ng LGU Hagonoy sa Davao Del Sur, timbog sa buy-bust operation ng PDEA 11

Planong pagtatayo ng community pantry para sa Mayon evacuees, suportado ni Speaker Romualdez

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang plano ni Albay 3rd District Rep. Fernando “Didi” Cabredo na magtayo ng community pantry para sa mga inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Gagamitin ng tanggapan ni Cabredo ang P500,000 cash assistance mula kina Speaker Romualdez at Tingog Party-list para sa pagtatayo ng naturang community pantry na… Continue reading Planong pagtatayo ng community pantry para sa Mayon evacuees, suportado ni Speaker Romualdez

Barkong naghatid ng tulong kabuhayan sa mga mangingisda sa Pagasa Island, nakabalik na sa Maynila -BFAR

Nakabalik na sa Maynila ang BRP Francisco Dagohoy na naghatid ng abot sa P5-milyon halaga ng livelihood intervention sa mga mangingisda sa Pagasa Island. Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Chief Information Officer Nazario Briguera, nakarating sa isla ang patrol vessel ng BFAR ng walang nangyaring panghaharang mula sa mga Tsino. Bilang reaksyon,… Continue reading Barkong naghatid ng tulong kabuhayan sa mga mangingisda sa Pagasa Island, nakabalik na sa Maynila -BFAR

San Juan LGU, walang sasayanging tubig sa kapistahan ng lungsod sa Hunyo 24

Inanunsyo ni San Juan Mayor Francis Zamora na walang mangyayaring basaan ng tubig sa Wattah-wattah festival sa kapistahan ni St John the Baptist sa San Juan sa Hunyo 24. Nilinaw ng alkalde na bahagi ito ng pagtitipid ng tubig lalo na ngayong panahon ng El Niño na may nagbabadyang water shortage. Bagama’t walang basaan ng… Continue reading San Juan LGU, walang sasayanging tubig sa kapistahan ng lungsod sa Hunyo 24

Mga solusyon kontra vote buying, pinag-aaralan ng Commission on Elections

Kinokonsidera pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) na malaking problema ang vote buying dito sa bansa. Nauna rito, inamin ni Commissioner Ernesto Maceda Jr. na isang maaaring dahilan nito ay ang hindi updated na polisiyang legal para sa eleksyon. Inihalimbawa ni Maceda ang umano’y paggamit sa mga online platforms tulad ng GCash bilang daan… Continue reading Mga solusyon kontra vote buying, pinag-aaralan ng Commission on Elections

Mga PMA Cadets na kumuha ng Civil Service Exam, 97% ang pumasa

Ipinagmalaki ng Civil Service Commission ang resulta ng Civil Service Examination Pen and Paper Test na ibinigay sa mga kadete ng Philippine Military Academy. Sa ginanap na CSC examination noong Marso 26, ngayong taon may 297 PMA Cadets batch 2023 ang kumuha ng pagsusulit. Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada, unang pagkakataon ito na kumuha… Continue reading Mga PMA Cadets na kumuha ng Civil Service Exam, 97% ang pumasa

Entrepreneurial mindset para sa magsasaka sa CALABARZON isinusulong

Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) IV-A ang entrepreneurial mindset sa mga magsasaka sa CALABARZON tungo sa mas malaking kita at malawak na oportunidad. Ayon sa pabatid ng kagawaran ay hindi lamang dapat sa produksyon umiikot ang gawain ng isang magsasaka, kinakailangan din nitong buksan ang kaisipan sa mga bagong oportunidad upang mabawasan ang nasasayang… Continue reading Entrepreneurial mindset para sa magsasaka sa CALABARZON isinusulong

DSWD, nagbukas na ng AICS satellite office sa Pasig City

Bukas na sa serbisyo ang bagong satellite office ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Pasig City. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, matatagpuan ang satellite office sa ikalawang palapag ng Lianas Supermarket sa Caruncho Avenue, Barangay Palatiw at katabi lang ng Pasig Mega Market. Ginawa ito ng DSWD para mailapit… Continue reading DSWD, nagbukas na ng AICS satellite office sa Pasig City