NEA Administrator Almeda, nagsagawa na ng inspection sa power plants sa Occidental Mindoro

Ininspeksyon na ni National Electrification Administration Administrator Antonio Mariano Almeda ang mga planta ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation at Power Systems, Inc. o PSI. Ang planta ng PSI na may dependable capacity na 5-6 megawatts ang isa sa mga tinitingnang solusyon sa nararanasang rotational brownout sa probinsya. Tiniyak ni Almeda na nakahanda silang paandarin… Continue reading NEA Administrator Almeda, nagsagawa na ng inspection sa power plants sa Occidental Mindoro

Advanced 911 emergency hotline, inilunsad sa Morong, Rizal

Pormal nang inilunsad sa bayan ng Morong, Rizal ang advanced 911 emergency call center para sa mabilis na pagresponde sa panahon ng sakuna. Sa ginanap na contract signing ceremony sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Morong at Next Generation Advanced o NGA 911, sinabi ni Mayor Sidney Soriano na prayoridad nito ang public safety para… Continue reading Advanced 911 emergency hotline, inilunsad sa Morong, Rizal

Pagkawala ng laman ng GCash accounts sa pagtatapos ng SIM registration, FAKE NEWS!

Pinawi ng Globe Telecommunications Inc. ang pangamba ng publiko hinggil sa kumakalat na pekeng balita kaugnay ng umano’y pagkawala ng laman ng e-wallet GCash accounts sa pagtatapos ng SIM registration ngayong darating na Abril 26. Kumalat kasi kamakailan ang mga post sa social media na nagsasabing kailangan nang i-withdraw ang pera sa GCash bago pa… Continue reading Pagkawala ng laman ng GCash accounts sa pagtatapos ng SIM registration, FAKE NEWS!

Mobile Water Filtration Truck mula sa Office of Civil Defense, naipadala na sa Oriental Mindoro

Nakarating at nagagamit na ngayon ng mga residente ng Oriental Mindoro ang ipinadalang Mobile Water Filtration Truck mula sa Office of the Civil Defense (OCD). Layon nitong mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga residente ng lalawigan partikular na iyong mga apektado ng oil spill dulot ng paglubog ng M/T Princess Empress sa karagatang… Continue reading Mobile Water Filtration Truck mula sa Office of Civil Defense, naipadala na sa Oriental Mindoro

Mga tauhan ng Phil Army, dumalo sa “Konsyerto sa Palasyo”

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang delegasyon ng Philippine Army sa “Konsyerto sa Palasyo: Araw ng Magiting” sa Malacañang grounds nitong Sabado. Dito’y nakasama ng mga sundalo at kanilang mga pamilya ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, at AFP Chief of Staff General Andres Centino sa… Continue reading Mga tauhan ng Phil Army, dumalo sa “Konsyerto sa Palasyo”

Bilang ng nairehistrong SIM, mahigit 80M o 47.84% pa lamang -NTC

Mayroon pa lamang na 80,372,656 subscribers ang nagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) cards hanggang nitong April 22 sa buong bansa. Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), mababa pa ito sa target na bilang dahil ang subscribers na nakapagrehistro na ng kanilang SIM cards ay kumakatawan lamang sa 47.84% o wala pang kalahati ng… Continue reading Bilang ng nairehistrong SIM, mahigit 80M o 47.84% pa lamang -NTC

Mahigit P10-M halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa isang linggong operasyon ng PDEG

Narekober ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Faro Antonio Olaguera ang P10.3-milyon halaga ng ilegal na droga sa isang linggong simultaneous anti-criminality law enforcement operations (SACLEO) mula April 18 hanggang 23. Sa isang pahayag, sinabi ni Bgen. Olaguera na naglunsad sila ng 25 law enforcement operations… Continue reading Mahigit P10-M halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa isang linggong operasyon ng PDEG

Parañaque LGU at DOLE, namahagi ng pangkabuhayan package sa mga tricycle drivers sa lungsod

Namahagi ng pangkabuhayan pagkage ang lokal na pamahalaan ng Parañaque katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pangkabuhayan package para sa mga tricycle drivers sa lungsod. Isa sa mga naunang bigyan ng naturang programa ang Maywood II Savvy 25 Tricycle Owners and Drivers Association (MASATODA) sa Parañaque City Hall Grounds. Personal na ibinigay… Continue reading Parañaque LGU at DOLE, namahagi ng pangkabuhayan package sa mga tricycle drivers sa lungsod

Foreign language studies, ipinasasama sa basic education curriculum

Isinusulong ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang pagtuturo ng foreign language sa basic education. Sa House Resolution 910 ng kinatawan, hinihimok nito ang Department of Education (DepEd) na isama sa basic education curriculum ang iba pang lengguwahe maliban sa Ingles. Sa gitna na rin ito ng isinasagawang pagrepaso ng kagawaran… Continue reading Foreign language studies, ipinasasama sa basic education curriculum

DOT, nakipagpulong sa US media executives at filmmakers para mai-promote ang film tourism sa Pilipinas

Upang mas makilala ang ating bansa pagdating sa ipinagmamalaking tourism sites sa Pilipinas, nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa media executives at mga filmmakers sa Estados Unidos para sa isang media collaboration na naglalayong i-promote ang Pilipinas sa international market. Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang naturang pagpupulong kasama ang ilang media executives… Continue reading DOT, nakipagpulong sa US media executives at filmmakers para mai-promote ang film tourism sa Pilipinas