90-day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Mismong si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang nagbigay ng ‘go signal’ na palawigin ang SIM card registration. Ang extension ay tatagal ng 90 araw na magsisimula sa Abril 27. Ang approval ng pangulo ay ginawa kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacañang na kung saan ay kasama sa pulong sina DICT Secretary John Ivan… Continue reading 90-day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Higit ₱2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Lungsod ng Valenzuela

Aabot sa kabuuang ₱2,040,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa General T. De Leon Valenzuela City kaninang umaga. Kasabay nito ang pagkaaresto sa isang high-value target na si Erold Templado, residente ng Agapito Compound, Barangay 171, Caloocan City. Ayon sa ulat ng Northern… Continue reading Higit ₱2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Lungsod ng Valenzuela

Navotas LGU, nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga solo parent

May 230 solo parents sa lungsod ng Navotas ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Navotas City Government. Ipinagkaloob ito ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng programang “Saya All, Angat All Tulong sa lahat ng Rehistradong Solo Parents”. Ang kaloob na tulong pinansyal ay pangalawang batch na ng solo parents. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng… Continue reading Navotas LGU, nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga solo parent

Delegasyon ng US Army War College, bumisita sa Philippine Navy

Malugod na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang pagbisita ng delegasyon ng US Army War College sa Philippine Navy Headquarters kahapon, April 24. Ang delegasyon ay pinangunahan ni US Army Col. James Frick, Director at Assistant Professor of Second Year Studies ng US Army War College. Tinalakay sa pagpupulong… Continue reading Delegasyon ng US Army War College, bumisita sa Philippine Navy

Balasahan sa PNP, hindi muna ipatutupad ng bagong PNP Chief

Mananatili muna sa kani-kanilang mga pwesto ang mga matataas na opisyal ng PNP, kabilang ang mga miyembro ng Command Group. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa niya iniisip ang pag-revamp sa mga opisyal ng PNP. Ang pahayag ay ginawa ni Acorda sa kanyang unang press conference ngayong umaga sa Camp… Continue reading Balasahan sa PNP, hindi muna ipatutupad ng bagong PNP Chief

Lady Solon, umapela sa bagong PNP Chief na gawaing prayoridad ang proteksyon ng mga kabataan

Hiniling ni House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co sa bagong talagang PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na bigyang prayoridad ang proteksyon ng mga kabataan. Ayon sa mambabatas, ang mga bata ang pinaka-vulnerable na sektor sa lipunan. Dagdag pa nito ginagamit at sinasamantala ng mga sindikato at mga iresponsableng indibidwal ang… Continue reading Lady Solon, umapela sa bagong PNP Chief na gawaing prayoridad ang proteksyon ng mga kabataan

Agarang tulong para sa mga OFW sa Sudan, apela ng party-list solon

Nanawagan si KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) para sa agarang tulong sa mga OFW na naiipit sa gulo sa bansang Sudan. Aniya, kailangan ng “proactive measure” upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino roon. Para sa House Committee on Overseas Workers Affairs Chair,… Continue reading Agarang tulong para sa mga OFW sa Sudan, apela ng party-list solon

Budgetary needs para sa mas mainam na paglilingkod ng PNP, susuportahan ng House Appro Chair

Kaisa si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa mga nagpaabot ng pagbati sa bagong talagang hepe ng pambansang pulisya. Ayon kay Co, makakaasa ng suporta si PNP Chief Benjamin Acorda, Jr. mula sa Kongreso lalo na pagsapit ng budget season. Aniya, sa inaasahang pagharap ng pinuno ng kapulisan sa budget hearings ay titiyakin ng… Continue reading Budgetary needs para sa mas mainam na paglilingkod ng PNP, susuportahan ng House Appro Chair

Mga OFW sa Sudan na lumapit sa DFA para makauwi sa Pilipinas, umakyat na sa 300

Nadagdagan pa ang mga Pilipino na nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs na nais lumikas sa Sudan at bumalik sa Pilipinas. Ayon kay Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega mula 100 Pilipino kahapon ngayon nasa 300 na ang nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. Umakyat na rin sa 700 ang bilang ng mga Pilipino doon… Continue reading Mga OFW sa Sudan na lumapit sa DFA para makauwi sa Pilipinas, umakyat na sa 300

BI, nagbabala sa mga pasahero vs. mga sindikato na nag-aalok ng pekeng BI stamp at visa

Nagpaalala ang Bureau of Immigration sa publiko at sa mga dayuhan na dumaan sa tamang proseso sa pagkuha ng Bureau of Immigration stamp at visa. Ginawa ang pahayag matapos ang sunod-sunod na may naharang sa paliparan na mga pasaherong gumagamit ng pekeng BI stamp at visa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, posibleng may nag-aalok… Continue reading BI, nagbabala sa mga pasahero vs. mga sindikato na nag-aalok ng pekeng BI stamp at visa