NPA lider at siyam na miyembro sumuko sa Butuan

Sumuko ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at siyam na miyembro ng terorisatang grupo sa Barangay Bancasi, Butuan City. Ang pagsuko kahapon ng mga dating rebelde ay resulta ng joint intelligence operation ng 23rd Infantry Battalion sa ilalim ng 402nd Brigade, 4th Infantry Division, at iba pang intelligence units ng Joint… Continue reading NPA lider at siyam na miyembro sumuko sa Butuan

Agrikultura, palalakasin sa gitna ng banta ng climate change

Hindi tumitigil ang pamahalaan na humanap ng iba’t ibang mga hakbang upang malabanan ang epekto ng Climate Change sa bansa. Ito’y ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng ginawang 2023 Asia Pacific Agricultural Policy Roundtable. Ayon kay Balisacan, layon nito na maabot ng bansa ang “agricultural resilience” ng… Continue reading Agrikultura, palalakasin sa gitna ng banta ng climate change

COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, umakyat sa 10.6% — OCTA

Patuloy ang pagtaas ng naitatalang COVID positivity rate sa Metro Manila. Ayon sa OCTA Research Group, as of April 23 ay umakyat pa sa 10.6% ang 7-day positivity rate sa NCR kumpara 7.3% noong April 16. Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19. Ayon kay OCTA… Continue reading COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, umakyat sa 10.6% — OCTA

Albay solon, kinalampag ang LWUA na maging agresibo sa pag-monitor ng local water districts

Pinakikilos ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang Local Water Utilities Administration (LWUA) para maghigpit sa pagmonitor ng local water districts. Aniya, mas maigi na pagsamahin na lang ang mga water district na hindi naman gumagana o hindi nagagamit upang mas lumawak ang maserbisyuhan nitong lugar. Sa pagtataya… Continue reading Albay solon, kinalampag ang LWUA na maging agresibo sa pag-monitor ng local water districts

48k pamilya sa Mindanao, makikinabang sa nilagdaang MOU ng apat na LGUs para sa Pambansang Pabahay Program

Inaasahang lalawak pa ang bilang ng mga pamilyang pilipino na makikinabang sa Pambansang Pabahay program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ay matapos na lumagda na rin sa memoranda of understanding sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga alkalde ng Cagayan De Oro City, Gingoog, Opol sa Misamis Oriental, at… Continue reading 48k pamilya sa Mindanao, makikinabang sa nilagdaang MOU ng apat na LGUs para sa Pambansang Pabahay Program

CIDG, nagpakitang gilas sa bagong PNP Chief

Ibinida ng Criminal Investigation and Detection Group ang pag-aresto ng 61 indibidwal sa 3 araw na operation mula Abril 21 hanggang 23. Ayon kay CIDG Director Police Brig. General Romeo Caramat, ito’y resulta ng 58 operasyon na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa bilang na ito, 47 manhunt operations ang isinagawa laban sa… Continue reading CIDG, nagpakitang gilas sa bagong PNP Chief

Isang grupo ng mga Pilipino sa Sudan, nailikas na ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt

Inilikas na ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Konsulado ng Pilipinas sa Khartoum ang grupo ng mga Pilipino alas-12 ng tanghali kahapon. Una nang umarkila ng bus ang Pilipinas para maisakay ang mga Pilipino sa Sudan papunta sa border ng Egypt. Pinapayuhan ng Embahada na makipag-ugnayan sa kanila ang mga Pilipino na nais lumikas… Continue reading Isang grupo ng mga Pilipino sa Sudan, nailikas na ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt

Face mask policy, mahigpit pa ring ipinatutupad sa MRT-3

Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad nito ng face mask policy sa mga pasahero sa lahat ng 13 istasyon at mga tren ng linya. Ito ay sa gitna na rin ng naiulat na pagtaas ng Covid cases sa ilang mga lugar kasama ang Metro Manila. Ayon sa MRT3… Continue reading Face mask policy, mahigpit pa ring ipinatutupad sa MRT-3

Primary process sa AICS, ibinalik na sa DSWD Central Office

Balik na ngayong araw sa Central Office ng Department of Social Welfare and Development ang Step 1 ng pagproseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situations (AICS) Program. Nagpaalala ang DSWD na hanggang alas-tres ng hapon (3pm) lamang mula alas-sais ng umaga (6am), Lunes hanggang Biyernes ang pagtanggap sa mga kliyente o hihingi ng tulong.… Continue reading Primary process sa AICS, ibinalik na sa DSWD Central Office

Sen. Raffy Tulfo, nakipag-ugnayan sa NEA at Malacañang hinggil sa energy crisis sa Occidental Mindoro

Kinausap ni Senador Raffy Tulfo si National Electrification Administrator (NEA) Antonio Almeda upang pag-usapan ang energy crisis sa Occidental Mindoro na isinailalim sa state of calamity dahil sa 20 oras na araw-araw na pagkawala ng kuryente doon. Sa naturang pag-uusap ay hiniling aniya ni Almeda na bigyan siya ng hanggang tatlong linggo para makapaglatag ng… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, nakipag-ugnayan sa NEA at Malacañang hinggil sa energy crisis sa Occidental Mindoro