BIR Commissioner, bumisita sa BIR Manila kasabay ng huling araw ng filing ng ITR

Nag-inspeksyon si Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa BIR Revenue Region 6 sa Intramuros, sa Maynila ngayong umaga. Ito ay para personal na makita ang sitwasyon sa huling araw ng paghahain ng Annual Income Tax Returns o AITR ngayong April 17. Ayon kay Lumagui, wala nang extension o pagpapalawig sa… Continue reading BIR Commissioner, bumisita sa BIR Manila kasabay ng huling araw ng filing ng ITR

Kampo ni Cong. Arnie Teves, nanawagang huwag gawing “circus” ang ginagawang paglilitis sa mambabatas

Umalma ang mga abogado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. hinggil sa mga naririnig nilang batikos sa nagpapatuloy na preliminary investigation sa kinakaharap na kaso ng kongresista na illegal possesion of firearms. Sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, huwag gawing mala-drama ang imbestigasyon kung saan binabatikos silang mga abogado dahil sa pagtatanggol kay Teves.… Continue reading Kampo ni Cong. Arnie Teves, nanawagang huwag gawing “circus” ang ginagawang paglilitis sa mambabatas

Mambabatas, iminungkahing gawing “Environmental Balikatan” ang Mindoro oil spill

Pinayuhan ng isang mambabatas ang pamahalaan na gamitin ang Mindoro oil spill bilang isang ‘environmental Balikatan’ at hingin ang tulong ng ibang mga bansa. Para kay Deputy Speaker Ralph Recto, kung hihingi ng tulong ang gobyerno para sa paglilinis at rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill ay tiyak na tutugon ang mga… Continue reading Mambabatas, iminungkahing gawing “Environmental Balikatan” ang Mindoro oil spill

Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila, suspenido sa April 21

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme ngayong darating na Biyernes, Abril 21. Ayon sa MMDA, ito’y kasunod ng inilabas na Proclamation 201 ng Palasyo ng Malacanan na nagdedeklara sa nasabing araw bilang regular holiday kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan… Continue reading Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila, suspenido sa April 21

Implementasyon ng e-Travel System, matagumpay — BI

Naging matagumpay ang unang araw ng implementasyon ng eTravel. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, nagsagawa ang bureau ng virtual orientation at question-and-answer session sa pamamagitan ng zoom kasama ang Airline Operators Council o AOC. Layon ng sesyon na maresolba ang mga katanungan mula sa mga airline patungkol sa pinatutupad na e-Travel… Continue reading Implementasyon ng e-Travel System, matagumpay — BI

Lady Solon, nais ipa-recall si Chinese Ambassador Huang Xilian kasunod ng naging pahayag nito sa bansa kaugnay ng isyu sa Taiwan

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Malacañang na manawagan sa China na palitan na ang kanilang kinatawan dito sa Pilipinas na si Chinese Ambassador Huang Xilian. Ito ay matapos ang naging pahayag ni Huang na kung may pakialam ang Pilipinas sa 150,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan ay dapat hindi payagan ng ating bansa… Continue reading Lady Solon, nais ipa-recall si Chinese Ambassador Huang Xilian kasunod ng naging pahayag nito sa bansa kaugnay ng isyu sa Taiwan

MPD, kinilala ang mga pulis na nakahuli sa sindikato ng laglag barya

Kinilala ng pamunuan ng Manila Police District ang mga pulis na agad rumesponde sa mga biktima ng laglag barya gang nitong Marso. Sa pangunguna ni MPD Director PBGen. Andre DizonM kinilala sina, PLT. Jessie Escalo, PSSG. Jaime Esguerra Jr., at Patrolman Franz Angelo Dizon. Ayon kay Dizon hindi dapat makaapekto ang mga kontrobersyang kinakasangkutan ng… Continue reading MPD, kinilala ang mga pulis na nakahuli sa sindikato ng laglag barya

Pagdalo ni Cong. Arnie Teves sa pagdinig via teleconferencing hindi pinayagan ng komite ni Sen. Bato Dela Rosa

Hindi pinayagan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na dumalo virtually o sa pamamagitan ng teleconferencing si Congressman Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa ginagawang pagdinig ng komite tungkol sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ayon kay Committee Chairman Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na base ito sa napagkasunduan… Continue reading Pagdalo ni Cong. Arnie Teves sa pagdinig via teleconferencing hindi pinayagan ng komite ni Sen. Bato Dela Rosa

Kaso ng dengue sa bansa, tumaas

Tumaas ng 94% ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Marso 18 ng taong ito. Sa datos ng Department of Health, sa unang tatlong buwan ng 2023 ay nakapagtala ng 27,670 kaso ng dengue na mas mataas sa 14,278 sa kaparehong panahon ng 2022. Mula naman sa 100 nasawi noong nakaraang taon,… Continue reading Kaso ng dengue sa bansa, tumaas

COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Bahagyang tumaas sa 7.2% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 15, batay sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research. Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 6.5% noong nakalipas na linggo. Dahil dito ay nasa moderate risk classification pa rin… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA