Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng isang opisyal na presidential directive bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Nino. Ayon sa mambabatas, maganda ang paunang hakbang ng pangulo na bumuo na ng isang Water Resource Management Office na titiyak sa kasapatan ng tubig sa bansa lalo… Continue reading Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na ikukunsidera ng pamahalaan ang lahat ng opsyon sa isasagawang reporma sa pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Sa isang pahayag, siniguro ni DND Officer in Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na palaging pangangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan at kabuhayan ng mga miyembro ng unipormadong hanay.… Continue reading Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Inalis na muna bilang hepe ng Malibay Police Station sa Pasay si PMaj. Jerry Vasques Sunga. Ito ay matapos makatakas ang 10 bilanggo sa kanilang istasyon. Ayon kay Pasay Chief of Police PCol. Froilan Uy, ang deputy na si PCpt. Mamerto Estacio Garne Jr. ang papalit sa ni-relieve na hepe ng Malibay Police Station. Pinakiusapan… Continue reading Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

BI, nag-deploy ng karagdagang Immigration Officers ngayong Semana Santa

Nasa 155 mga dagdag na Immigration Officers ang idineploy ng Bureau of Immigration ngayong panahon ng Kuwaresma. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Immigration Spokesperson Danna Sandoval na bukod sa 155 additional personnel ay may 36 na nagsipagtapos sa Philippine Immigration Academy na itinalaga na din sa ibat-ibang mga paliparan. Ang additional deployment sabi… Continue reading BI, nag-deploy ng karagdagang Immigration Officers ngayong Semana Santa

Pagbuo ng Dep’t of Water Resources, pinamamadali ng mambabatas

Muling kinalampag ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang mga kasamahang mambabatas na aksyunan at ipasa na ang panukalang magtatatag ng isang Department of Water Resources Management (DWRM). Ayon sa mambabatas, panahon nang magkaroon ng isang ahensya na tututok sa paggamit ng katubigan sa bansa lalo na sa inaasahang pagtama ng El Niño. Tugon din… Continue reading Pagbuo ng Dep’t of Water Resources, pinamamadali ng mambabatas

NEDA Chief, inilatag ang mga prayoridad ng pamahalaan sa pagtamo ng SDG

Inilatag ng National Economic Development Authority o NEDA ang mga istratehiya ng pamahalaan sa pagtatamo ng sustainable development goals ng Pilipinas sa timog-silangang asya. Ito ay ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng kaniyang pagdalo sa 2nd ASEAN Ministerial Dialogue on Accelerating Actions to Achieve the Sustainable Development Goals. Dito, iminungkahi ni Balisacan na… Continue reading NEDA Chief, inilatag ang mga prayoridad ng pamahalaan sa pagtamo ng SDG

Senado, wala pang patawag sa Kamara hinggil sa pagpupulong ng Cha-Cha

Wala pa ring komunikasyon sa pagitan nina Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez at Senator Robin Padilla kung matutuloy ang pulong ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa Charter Change. Ayon kay Rodriguez, wala ulit siyang natatanggap na imbitasyon mula kay Padilla. “I didn’t receive any invitation yet,” saad ng mambabatas sa… Continue reading Senado, wala pang patawag sa Kamara hinggil sa pagpupulong ng Cha-Cha

Guidelines sa pagbebenta sa Kadiwa ng mga nasabat na asukal, pinaplantsa na ng SRA

Pinaplantsa na ng Sugar Regulatory Administration ang guidelines para agad na maibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat na asukal. Matatandaang target ng SRA na maibenta ngayong buwan ang mga nasabat na asukal, gayunman, aminado si SRA Board member Paul Azcona na hamon ang logistics dito gaya na lang ng repacking. Nasa kabuuang 4,000 tonelada… Continue reading Guidelines sa pagbebenta sa Kadiwa ng mga nasabat na asukal, pinaplantsa na ng SRA

Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na mananatiling bukas sa publiko ang ilang mahahalagang tanggapan nito sa panahon ng Semana Santa. Sa inilabas na advisory ng LGU, hindi nito isasara ang operasyon ng disaster, emergency at COVID -19 response offices. Bilang pagtalima sa paparating na regular holidays, ang pamahalaang lungsod ay magpapatupad ng half-day work… Continue reading Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo

Sinuyod ng MMDA Task Force Special Operations ang ilang bus terminal sa EDSA ngayong araw. Kabilang sa inikot ang mga backdoor ng bus terminal sa Edsa kabilang ang terminal ng Five Star at Bataan Transit sa Montreal St., Cubao. Inaasahang simula ngayong araw ay dadagsain na ang mga terminal ng mga magsisiuwian sa probinsya para… Continue reading MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo