Power transmission lines ng NGCP, hindi naapektuhan sa gitna ng malakas na lindol sa Isabela

Nananatiling normal ang power transmission services ng National Grid Corporation of the Philippines sa kabila ng 5.8 magnitude na lindol na naganap sa Maconacon, Isabela kaninang umaga. Ayon sa NGCP, nanatiling intact ang Luzon Grid at walang ulat ng mga power interruption at mga nasirang transmission lines sa mga lugar kung saan naramdaman ang lindol.… Continue reading Power transmission lines ng NGCP, hindi naapektuhan sa gitna ng malakas na lindol sa Isabela

Pagpapalakas ng edukasyon at trabaho, ipinangako ng Japan gov’t

Tiniyak ng Pamahalaan ng Japan gayundin ng Japan International Cooperation Agency o JICA na tutulong ito sa pagpapalakas ng edukasyon at trabaho sa Pilipinas. Ito ang kapwa inihayag nila Japan Minister for Health, Labour, and Welfare Katsunobu Kato at JICA Representative Sakamoto Takema matapos ang ginawa nilang courtesy call kay Vice President Sara Duterte sa… Continue reading Pagpapalakas ng edukasyon at trabaho, ipinangako ng Japan gov’t

Dagdag na employment opportunities sa Pinoy seafarers, asahan sa ilalim ng Marcos Admin

Naniniwala si MARINO Party-list Rep. Sandro Gonzales na bubuhos pa ang employment opportunities para sa mga Pilipinong mandaragat kasunod ng US trip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kung matatandaan, mismong ang CEO ng Carnival Corporation ang naghayag na plano nilang kumuha ng 75,000 na Filipino seafarers. Partikular na nagustuhan ng kumpanya ang pagiging competitive… Continue reading Dagdag na employment opportunities sa Pinoy seafarers, asahan sa ilalim ng Marcos Admin

BOC, pansamantalang sinuspinde ang visiting hours sa Bilibid dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Corrections ang visiting hours sa New Bilibid Prisons dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapng Jr., matapos makapagtala ng 32 kaso ng COVID-19 nitong May 2 at 16 naman ang nagpositibo kahapon, May 3. Karamihan sa tinamaan ng sakit ay naka-confine… Continue reading BOC, pansamantalang sinuspinde ang visiting hours sa Bilibid dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Ilang vape shops sa Valenzuela, surpresang ininspeksyon ng DTI

Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang vape shops sa Valenzuela upang suriin ang compliance ng mga ito sa Republic Act 11900 (Vape Law). Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng DTI laban sa bentahan ng unregulated vape products. Kasama sa naginspeksyon sina DTI Usec. Ruth Castelo at Valenzuela… Continue reading Ilang vape shops sa Valenzuela, surpresang ininspeksyon ng DTI

Dalawang karagdagang fast attack craft ng Phil. Navy, bebendisyunan sa Lunes

Bebendisyunan ng Philippine Navy ang kanilang dalawang bagong-deliver na Fast Attack Interdiction Craft – Missile (FAIC-M) gunboat sa darating na Lunes. Ang dalawang Acero-Class gunboat ay papangalanang BRP GENER TINANGAG (PG903) at BRP DOMINGO DELUANA (PG905) sa christening Ceremony sa Naval Shipyard, Naval Sea Systems Command, Naval Station Pascual Ledesma, Fort San Felipe, Cavite City.… Continue reading Dalawang karagdagang fast attack craft ng Phil. Navy, bebendisyunan sa Lunes

Naganap na data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, pinasisiyasat sa Kamara

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara upang imbestigahan ang naganap umanong ‘data breach’ sa ilang ahensya ng pamahalaan. Salig sa House Resolution 931, inaatasan ang House Committee on Information and Communications Technology na magkasa ng investigation “in aid of legislation” sa napaulat na data breach sa records ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation,… Continue reading Naganap na data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, pinasisiyasat sa Kamara

Higit 30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela

Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Isabela kasunod ng tumamang Magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan kaninang umaga. Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-11 ng umaga ay mayroon nang 39 aftershocks ang naitala. Mula rito, 9 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang… Continue reading Higit 30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela

Halos 500 arestado; 114 armas narekober sa isang lingoong operasyon ng CIDG

Pinaigting ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang Anti-Criminality Operations alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Iniulat ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat na mula Abril 25 hanggang Abril 30, naglunsad ang CIDG ng 527 operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang aniya sa… Continue reading Halos 500 arestado; 114 armas narekober sa isang lingoong operasyon ng CIDG

Sen. Pimentel, isinusulong ang pagrepaso sa IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Agricultural Smuggling Law (RA 10845) upang mas mabigyan na ito ng ngipin. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Justice tungkol sa panukalang magtatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court, pinuna ni Pimentel na ang simpleng batas ay naging kumplikado dahil… Continue reading Sen. Pimentel, isinusulong ang pagrepaso sa IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law