3-minute response time ng QCPD sa krimen, pinuri ng PNP Chief

Pinuri ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang 3-minute response time ng Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD), na maaring gayahin nationwide. Ito’y sa isinagawang Command Visit ng PNP Chief sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal kahapon. Si Gen. Acorda ay malugod na tinanggap ni QCPD Director Brig.… Continue reading 3-minute response time ng QCPD sa krimen, pinuri ng PNP Chief

2022 Bar Exam Passers, nanumpa na ngayong araw

Kasalukuyan nang nanunumpa ang halos 4,000 bagong abogado na pumasa sa 2022 Bar Examinations. Sa impormasyon ng Supreme Court PIO, nagsimula ang naturang oath taking alas-10 ngayong umaga sa Plenary Hall ng PICC sa Pasay City. Bilang pag-iingat sa COVID-19, walang in-person media coverage at ang dalawang bisita kada pumasa sa Bar ay sa ibang… Continue reading 2022 Bar Exam Passers, nanumpa na ngayong araw

10 wage increase petitions, nirerebyu na ng wage boards

Nakabinbin ngayon ang 10 wage hike petition at sinusuri ng iba’t ibang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs). Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang wage hike petitions ay karamihang hinihirit ang across-the-board increase na nakabinbin pa sa RTWPBs sa National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas. Giit ng kalihim, pinoproseso na… Continue reading 10 wage increase petitions, nirerebyu na ng wage boards

Manila LGU, handa nang makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program ng DOH

Ready na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa inilunsad na Chikiting Ligtas Immunization Program ng Department of Health (DOH) mula ngayong araw hanggang May 31, 2023. Sa abiso ng Manila LGU, isasagawa ang pagbabakuna sa 44 na health centers sa Maynila. Ito’y para mabakunahan ang mga batang wala pang limang taong gulang laban sa… Continue reading Manila LGU, handa nang makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program ng DOH

Wage hike para sa mga manggagawa, isinusulong ni Senate President Zubiri

Kasabay ng pagdiriwang ng labor day, nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy niyang isusulong ang mga panukalang proprotekta at magpapabuti sa kalagayan ng mga manggagawang pilipino. Partikular na tinukoy ni Zubiri ang pagsusulong ng tamang pasahod, benepisyo at kondisyon sa pagtratrabaho ng mga manggagawa. Batid aniya ng senador na napakahalaga ng usapin… Continue reading Wage hike para sa mga manggagawa, isinusulong ni Senate President Zubiri

QC LGU, kampante na naibibigay nito ang serbisyo para sa mga manggagawa

Tinitiyak ng Quezon City government na sinisikap nito na matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa lungsod. Ngayong Labor Day, binibigyan ng lokal na pamahalaan ng pagkilala ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Sinisiguro naman ng pamahalaang lungsod na tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng mga programa at proyekto nito . Ito’y upang matiyak na ang… Continue reading QC LGU, kampante na naibibigay nito ang serbisyo para sa mga manggagawa

Speaker Romualdez, binigyang pagkilala ang manggagawang Pinoy ngayong Labor Day

Binigyang pagkilala ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipinong manggagawa ngayong Labor Day. Ayon sa House leader ang mga manggagawa ang nagsisilbing backbone o sandigan ng ating ekonomiya. Ito aniya ang dahilan kung bakit nakatutok ang Kongreso sa kanilang pangangailangan, kapakanan at karapatan. “Our workers are the backbone not only of their families but… Continue reading Speaker Romualdez, binigyang pagkilala ang manggagawang Pinoy ngayong Labor Day

Daily skills training at liberng medisina sa mga kasambahay, ipinapanukala ng mambabatas

Bilang paggunita sa labor day, muling isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang panukalang Enhanced Kasambahay Act (senate bill 299) para madagdagan ang karapatan at benepisyo ng mga kasambahay sa bansa. Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ng karapatan ang mga kasambahay na maglaan ng hindi bababa sa isang oras araw-araw para sa alternative… Continue reading Daily skills training at liberng medisina sa mga kasambahay, ipinapanukala ng mambabatas

Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Libu-libong mga manggagawa na ang nakinabang sa libreng sakay na alok ng MRT-3 ngayong Labor Day. Sa ulat ng MRT-3 ay umabot na sa 9,486 na mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor ang nakalibre ng pamasahe mula 7:00 a.m. hanggang kaninang 9:00 a.m. Magpapatuloy naman ang libreng sakay sa tren mamayang 5:00 p.m.… Continue reading Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Mga proyektong pabahay para sa OFWs, inaprubahan ng DHSUD bago ang Labor Day

Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang OFW Party-list para sa posibleng mga proyektong pabahay para sa mga modernong bayani ng bansa o OFWs. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at OFW Party-list Representative Marissa Magsino na magbibigay daan para sa kolaborasyon sa ilalim… Continue reading Mga proyektong pabahay para sa OFWs, inaprubahan ng DHSUD bago ang Labor Day