DND, naglatag ng mga nais nilang pagbabago sa ROTC bill

Posible pang maipasa ng Senado ang panukalang mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) bago matapos ang 19th Congress ayon kay Senate President Chiz Escudero. Gayunpaman, aminado si Escudero na may ilang mga isyu pa ang Department of National Defense sa ROTC bill. Ayon sa Senate leader, base sa pakikipagpulong nila sa DND at sa AFP,… Continue reading DND, naglatag ng mga nais nilang pagbabago sa ROTC bill

Kadiwa ng Pangulo stores, palalawakin pa ng DA

Target ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 1,500 na Kadiwa ng Pangulo stores sa buong bansa upang marami pang Pilipino ang makabili ng abot-kayang pagkain at pangunahing bilihin. Layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na direktang ibenta ang kanilang mga ani sa mga mamimili. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve… Continue reading Kadiwa ng Pangulo stores, palalawakin pa ng DA

3 miyembro ng CTG, nahuli ng militar sa Apayao; mga armas at pampasabog, nasamsam

Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na konektado sa Regional Guerilla Unit ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ang nadakip sa magkasanib na operasyon ng militar at pulisya. Batay sa ulat mula sa Northern Luzon Command, ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTG) ay nahuli sa Barangay Manag, Conner, Apayao, noong Oktubre 8. Naging matagumpay… Continue reading 3 miyembro ng CTG, nahuli ng militar sa Apayao; mga armas at pampasabog, nasamsam

Cybersecurity ng Pilipinas, dapat gawing national security concern — Sen. Sherwin Gatchalian

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ikonsidera bilang national security concern ang cybersecurity ng Pilipinas. Ayon kay Gatchalian, dapat isipin ng DICT na bahagi ng national security ang cybersecurity ng Pilipinas habang wala pang batas kaugnay nito. Giit ng senador, dapat may ‘sense of urgency’ sa usaping… Continue reading Cybersecurity ng Pilipinas, dapat gawing national security concern — Sen. Sherwin Gatchalian

DND, magsusumite sa Kongreso ng panukalang amyenda sa Espionage Law

Nakatakdang magsumite ang Department of National Defense (DND) ng kanilang mungkahing amyenda sa Espionage Law. Ito ang ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero matapos ang kanilang pagpupulong kasama sina Defense Secretary Gibo Teodoro at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Escudero, kabilang sa mga dapat linawin sa kasalukuyang Espionage Law… Continue reading DND, magsusumite sa Kongreso ng panukalang amyenda sa Espionage Law

Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025

Photo courtesy of Councilor Wowee Manguerra FB page Tunggaliang Mayor Emi Calixto-Rubiano at Councilor Wowee Manguerra ang matutunghayan ng mga Pasayeño sa 2025 local elections sa lungsod. Ito ay matapos humabol sa filing kahapon (October 8 ) si Manguerra ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkaalkalde ng lungsod Pasay. Plataporma ng opisyal na palakasin… Continue reading Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025

Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

Photo courtesy of Presidential Communications Office Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang commitment na paigtingin pa ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa. Sa bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang mga nagdaang pulong at opisyal na pag-uusap… Continue reading Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla

Inilatag na ng bagong talagang kalihim na si Sec. Jonvic Remulla ang ilan sa ipaprayoridad nito sa pamamahala sa Department of the Interior and Local Government. Ito matapos ang pakikipagpulong kay dating Sec. Benhur Abalos at pormal na pag-turnover sa kanya ng pamumuno ng DILG. Ayon kay Sec. Remulla, kasama sa itutulak nito ang structural… Continue reading Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla

11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagtatapos sa kolehiyo ng 11 Persons Deprived of Liberty. Natapos ng mga ito ang kanilang degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship. Kasabay nito ay nakapagtapos naman ng Senior High School ang 57 iba pang PDLs. Gagawin ang nasabing graduation mamayang alas-dos… Continue reading 11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI

Matapos ang naging pagdinig ng Senado kagabi (October 8), sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Merlie Joy Castro, isa sa mga kapwa akusado ni dating mayor Alice Guo sa kasong ‘qualified human trafficking’ kaugnay ng operasyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sa kanyang pagharap sa Senate hearing, ipinahayag ni Castro ang pangamba… Continue reading Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI