Number 2 most wanted terrorist sa Bicol, arestado ng CIDG

Sinilbihan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng warrant of arrest ang number 2 most wanted terrorist sa Bicol Region na si alyas “Jose Maria”, bilang bahagi ng pagpapatupad ng “Oplan Pagtugis”. Ito’y makaraang boluntaryong sumuko si “Jose Maria” sa 903rd Infantry Battalion noong nakaraang Biyernes. Si “Jose Maria” ay wanted sa 3 counts… Continue reading Number 2 most wanted terrorist sa Bicol, arestado ng CIDG

Economic managers, muling binigyang diin ang kahalagahan ng economic Charter amendments

Nanindigan ang economic managers ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pangangailangan na maamyendahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas. Kasabay ito ng pagbibigay suporta sa pagtalakay ng Kamara sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kailangan ng Pilipinas ng “massive” investment.… Continue reading Economic managers, muling binigyang diin ang kahalagahan ng economic Charter amendments

AFP, nakatanggap ng donasyong dental equipment

Nilagdaan ang isang kasunduan para sa donasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng modernong dental equipment mula sa Okada Foundation Inc. Ang kasunduan ay nilagdaan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at Okada Foundation President James Lorenzana sa Camp Aguinaldo kahapon, Pebrero 26. Ang modernong kagamitan na kinabibilangan ng Cone-beam… Continue reading AFP, nakatanggap ng donasyong dental equipment

DTI chief, binigyang diin ang pagsasaayos sa trade environment ng bansa sa ika-13 World Trade Organization Conference

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang transparent at sustainable na trade environment na bansa. Ito ang kanyang naging talumpati sa 13th World Trade Organization Ministerial Conference meeting na ginanap ngayong araw, Pebrero 26. Aniya, nakahanda ang Pilipinas na tumugon sa… Continue reading DTI chief, binigyang diin ang pagsasaayos sa trade environment ng bansa sa ika-13 World Trade Organization Conference

India, handang tumulong sa Pilipinas sa technological advancement ng iba’t ibang sektor sa bansa

Nakahandang tumulong ang India sa Pilipinas pagdating sa technological advancement sa iba’t ibang sektor at industriya sa bansa. Ayon kay Indian Ambassador to Manila Shambhu Kumaran, handang tumulong ang kanilang bansa na magbigay ng mga makabagong teknolohiya pagdating sa sektor ng agrikultura, digital economy at e-government system ng bansa. Dagdag pa ni Ambassador Kumaran na… Continue reading India, handang tumulong sa Pilipinas sa technological advancement ng iba’t ibang sektor sa bansa

₱250-M na halaga ng soil laboratory sa Agusan del Sur, nasa 14.5% nang kumpleto — DAR

Halos 14.5% nang kumpleto ang ₱250 milyon na halaga ng soil laboratory facility na itinatayo ng Department of Agrarian Reform sa Prosperidad, Agusan del Sur. Ayon kay DAR Public Information Service Director Jose Jenil Demorito, ang pasilidad ay may kakayahang suriin ang pisikal, kemikal at biyolohikal na katangian ng lupa gamit ang mga advanced na… Continue reading ₱250-M na halaga ng soil laboratory sa Agusan del Sur, nasa 14.5% nang kumpleto — DAR

Taunang tulong pinansyal para sa lahat ng mag-aaral, ipinapanukala sa Kamara

Inihain ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang House Bill 6908 na naglalayong isabatas ang Universal Educational Assistance Program. Sa ilalim nito ay bibigyan ng tulong pinansyal ang lahat ng estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan, mula pre-elementary hanggang kolehiyo. Sakaling maisabatas ang mga pre-elementary students ay makatatanggap ng P1,000 na cash assistance; P2,000 naman para… Continue reading Taunang tulong pinansyal para sa lahat ng mag-aaral, ipinapanukala sa Kamara

QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Environment Assembly sa Kenya

Nagtungo sa Nairobi, Kenya si Quezon City Mayor Joy Belmonte para dumalo sa ika-6 na United Nations Environment Assembly (UNEA) Cities and Regions Summit. Sa naturang assembly, magsisilbing summit rapporteur ang alkalde upang ilahad ang mga key take-aways at mungkahi na mapapag-usapan sa Cities and Regions Summit ng UNEA. Dito ay inaasahang ibabahagi ng alkalde… Continue reading QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Environment Assembly sa Kenya

PNP, may lead na sa mga suspek na nakabihis-pulis na nanloob sa pawnshop sa Koronadal

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi mga pulis ang nanloob sa isang pawnshop sa Koronadal noong nakaraang Miyerkules. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Gen. Acorda na may lead na ang PNP sa pagkakakilanlan ng 6 na suspek, kabilang ang dalawang nakasuot ng uniporme ng pulis, na nakunan… Continue reading PNP, may lead na sa mga suspek na nakabihis-pulis na nanloob sa pawnshop sa Koronadal

Traffic enforcer na nahagip ng sasakyan, pinangakuan ng tulong ng LTO chief

Tiniyak ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza na bibigyan ng tulong ang traffic enforcer na nahagip ng sasakyan sa San Fernando City, La Union noong Pebrero 15, 2024. Binisita ni LTO Chief Vigor Mendoza sa pagamutan si Law Enforcement Officer Jay Joseph Rillorta na nasa maayos nang kondisyon matapos ang limang araw sa Intensive… Continue reading Traffic enforcer na nahagip ng sasakyan, pinangakuan ng tulong ng LTO chief