Bogus buyer na nambiktima sa online seller, arestado ng ACG

Naaresto kagabi ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang 31-taong gulang na babae na nakakuha ng 230-libong halaga ng imported goods mula sa isang online seller, gamit ang mga pekeng bank transaction receipt. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Mayumi Jane Ocubo alias “Sofia… Continue reading Bogus buyer na nambiktima sa online seller, arestado ng ACG

Laperal Mansion na magsisilbing guest house ng mga bibisitang foreign heads of state, ipinakita ng Malacañang

Binuhay ng administrasyong Marcos ang Laperal Mansion na magsisilbing opisyal na Presidential Guest House ng mga bibisitang foreign heads of state. Sa Facebook post ng Presidential Communications Office, ipinakita dito ang eleganteng European-inspired mansion na naglalaman ng 14 kuwarto na metikulosong dinisenyo at dalawang sun rooms na isinunod sa pangalan ng ilang nagdaang pangulo ng… Continue reading Laperal Mansion na magsisilbing guest house ng mga bibisitang foreign heads of state, ipinakita ng Malacañang

Panukalang ilibre sa professional licensure at CSE ang mga kwalipikadong indigent, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 9859 o panukala na ilibre ang mga indigent examinees sa pagbabayad ng exam fee ng Professional Regulation Commission at Civil Service Commission. Sa kasalukuyan, mayroong P900 na singil para sa mga kukuha ng PRC licensure exam at P500 naman para sa CSC exam. Para… Continue reading Panukalang ilibre sa professional licensure at CSE ang mga kwalipikadong indigent, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Online payment sa mga transaksyon ng HSAC, pinalawak

Pinalawak pa ng Human Settlements Adjudication Commission ang digitalization initiatives nito sa pakikipagtulungan sa Land Bank of the Philippines. Kasunod ito ng isinagawang paglagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng HSAC at Landbank para sa hassle-free na pagbabayad ng anumang transaksyon sa ahensya. Pinangunahan nina HSAC Executive Comm. Melzar Galicia, Comm. Sergio Yap… Continue reading Online payment sa mga transaksyon ng HSAC, pinalawak

Bataan, idineklarang nakamit ang “Stable Internal Peace and Security”

Idineklara ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Bataan na nakamit na ng lalawigan ang “Stable Internal Peace and Security.” Ang deklarasyon ay nilagdaan kahapon sa The Bunker, Provincial Capitol, Balanga City, Bataan ni Governor Jose Enrique Garcia III, kasama si 7th Infantry (Kaugnay) Division Commander Maj. General Andrew D. Costelo PA, at iba… Continue reading Bataan, idineklarang nakamit ang “Stable Internal Peace and Security”

Lady solon, mas nais na amyendahan na lang ang batas sa annulment ng kasal

Mas pabor si Marikina Rep. Stella Quimbo na amyendahan na lang ang kasalukuyang batas sa annulment ng kasal kaysa sa Divorce Bill. Ayon sa mambabatas na isa ring ina at maybahay, mas madaling maipapasa ang amyenda sa annulment law kung saan ilalatag ng mas malinaw o madaragdagan ang ground para malusaw ang kasal kumpara sa… Continue reading Lady solon, mas nais na amyendahan na lang ang batas sa annulment ng kasal

Mga sundalong bahagi ng operasyon laban sa Daulah Islamiyah, ginawaran ng medalya

Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga natatanging sundalo at opisyal sa kanyang pagbisita kahapon sa 103rd Infantry Brigade sa Marawi City. Dito’y ginawaran ni Gen. Brawner ng gold at silver Cross medal ang mga sundalo na responsable sa nutralisasyon ng mga miymebro ng Daulah Islamiyah… Continue reading Mga sundalong bahagi ng operasyon laban sa Daulah Islamiyah, ginawaran ng medalya

PSA, pinaalalahanan ang publiko sa mga kaparusahan sa mapanlinlang na gawain may kaugnayan sa PhilSys

Pinapaalalahanan ng Philippine Statistics Authority ang publiko na may kaparusahan ang anumang mapanlinlang na gawain na may kaugnayan sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, anumang pagtatangka na ikompromiso ang integridad ng PhilSys, ay mapaparusahan alinsunod sa Republic Act 11055 o ang PhilSys Act.… Continue reading PSA, pinaalalahanan ang publiko sa mga kaparusahan sa mapanlinlang na gawain may kaugnayan sa PhilSys

Higit 28k barangay sa buong bansa, idineklara nang ‘drug free’ ng PDEA

Umabot na sa kabuuang 28,247 barangay sa buong bansa ang idineklara nang “drug free” ng Philippine Drug Enforcement Agency. Ito’y batay sa datos ng PDEA mula Hulyo 1, 2022 hanggang ngayong Enero 31, 2024. Sa ngayon, nasa 7,264 na barangay na lang ang apektado ng iligal na droga. Sa isinagawang National Anti-Drug Campaign ng PDEA… Continue reading Higit 28k barangay sa buong bansa, idineklara nang ‘drug free’ ng PDEA

P1.6 bilyong programa para sa kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas, inilunsad ng Estados Unidos

Inilunsad ng Estados Unidos kahapon sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ang 1.6 bilyong pisong U.S.-Philippines Partnership for Skills, Innovation, and Lifelong Learning (UPSKILL) Program. Layon ng programa na tulungan na maging mas “Globally competitive” ang mataas na edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulong ng innovation, workforce development, at entrepreneurship… Continue reading P1.6 bilyong programa para sa kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas, inilunsad ng Estados Unidos