Higit 350 estudyante sa QC, tumanggap ng educational assistance mula sa pamahalaang lungsod

Muling naghatid ng tulong ang Quezon City local government sa mga kabataang estudyante ng lungsod. Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng P3,000 educational assistance sa 359 kabataan sa lungsod. Layon ng tulong pinansyal na masuportahan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, lalo na ang mga pinaka nangangailangang kabataan. Kabilang sa mga benepisyaryo… Continue reading Higit 350 estudyante sa QC, tumanggap ng educational assistance mula sa pamahalaang lungsod

Mga kabataang Pilipino, hinimok ni Speaker Romualdez na magpareshistro para sa 2025 midterm elections

Hinikayat ni Speaker Martin Romualdez ang mga kabataan na samantalahin ang pagbubukas ng voter’s registration at magparehistro. Para sa House leader, dapat ay aktibong makibahagi ang mga kabataan sa democratic process lalo na ngayong papalapit na 2025 midterm elections. Pebrero 12 nang buksan ng Commission on Elections ang pagpaparehistro para sa 2025 midterm elections na… Continue reading Mga kabataang Pilipino, hinimok ni Speaker Romualdez na magpareshistro para sa 2025 midterm elections

Umano’y paggamit sa pondo ng AKAP para sa charter change, itinanggi ni Cong. Erwin Tulfo

Itinanggi ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang mga lumalabas na alegasyon hinggil sa paggamit umano ng pondo ng kanyang proyektong AKAP sa pagsusulong ng charter change. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tulfo na naisip niya ang programang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP noon pang nasa DSWD siya at… Continue reading Umano’y paggamit sa pondo ng AKAP para sa charter change, itinanggi ni Cong. Erwin Tulfo

Inilabas na revised school calendar ng DEPED, pinuri ng isang party-list solon

Ikinatuwa ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang inilabas na revised school calendar ng Department of Education. Nakasaad dito na ang kasalukuyang academic year ay matatapos sa May 31, 2024; habang dalawang buwan pa rin ang school break mula June hanggang July 26. Magsisimula naman sa Hulyo 29 ang School Year 2024-2025 na matatapos… Continue reading Inilabas na revised school calendar ng DEPED, pinuri ng isang party-list solon

Pagtapyas sa budget ng 4Ps, nais paimbestigahan sa Kamara

Planong paimbestigahan ni 4Ps party-list Rep. Jonathan Abalos ang nangyaring pagtapyas sa budget ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Abalos na dapat ipaliwanag sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang dahilan ng pagtapyas sa kanilang pondo. Marami kasi aniya ang naapektuhan nang tanggalan ng P13 bilyon ang nasabing programa. Ilan… Continue reading Pagtapyas sa budget ng 4Ps, nais paimbestigahan sa Kamara

AFP, ipatutupad ang pagtitipid ng tubig sa mga kampo militar

Mahigpit na ipapatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtitipid ng tubig sa lahat ng kampo militar sa buong bansa. Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa gitna ng nararanasang El Niño o tag-tuyo na nakakaapekto sa suplay ng tubig. Sinabi ni AFP Chief of… Continue reading AFP, ipatutupad ang pagtitipid ng tubig sa mga kampo militar

DOE, magsasagawa ng business-to-business matching event para isulong ang paggamit ng renewable energy

Nakatakdang magsagawa ng business-to-business matching event ang Department of Energy (DOE) bukas, Pebrero 22. Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ito’y bilang bahagi ng kanilang hakbang para isulong ang paggamit ng renewable energy. Sa ilalim nito, sinabi ni Lotilla na maaalalayan ng pamahalaan ang mga dayuhang mamumuhunan na makahanap ng mga local partner sa bansa… Continue reading DOE, magsasagawa ng business-to-business matching event para isulong ang paggamit ng renewable energy

Grab, hindi awtorisadong mag-operate ng motorcycle taxi — LTFRB

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi awtorisado ang kumpanyang Grab na mag-operate ng Motorcyle Taxi. Tugon ito ni LTFRB Chairperson at MC Taxi Technical Working Group Teofilo Guadiz sa sulat ni Atty. Noel Valerio ng Maderazo Valerio and Partners sa pagkwestyon nito sa kung pinayagan bang mag-operate ang Grab bilang isang… Continue reading Grab, hindi awtorisadong mag-operate ng motorcycle taxi — LTFRB

DOJ, tutugisin ang mga gumagamit ng cyanide sa West Philippine Sea

Hindi kukunsintihin ng Department of Justice ang sinumang naninira ng kalikasan. Ito ang binigyang diin ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang pagtalima na rin at pagsuporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Remulla, determinado ang kaniyang tanggapan na aksyunan ang sinasabing cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen sa… Continue reading DOJ, tutugisin ang mga gumagamit ng cyanide sa West Philippine Sea

Online scammer, arestado ng ACG sa Cavite

Naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang online scammer na nambibiktima sa Facebook Marketplace sa entrapment operation kagabi, Pebrero 20 sa Padre Burgos St Repolyo, San Roque, Cavite City. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Romelyn Lobaton, taga-Canacao Bay Samonte Park, Cavite City. Ikinasa ang operasyon… Continue reading Online scammer, arestado ng ACG sa Cavite