Bilang ng mga OFW na nagbalik-bansa mula Lebanon, pumalo na sa mahigit 300

Pumalo na sa 305 ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na piniling umuwi sa Pilipinas matapos maipit sa sigalot sa Lebanon. Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos na umuwi kahapon ang may 16 na OFW sa ilalim naman ng repatriation program ng pamahalaan. Kabilang sa mga nakauwi ang household… Continue reading Bilang ng mga OFW na nagbalik-bansa mula Lebanon, pumalo na sa mahigit 300

Kabuuang halaga ng iligal na drogang nasabat ng PDEA, higit P46-B na

Umabot na sa P46.59 bilyon ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumĀ­piska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 78,000 anti-drug operation nito mula Hulyo 1, 2022 hanggang July 31, 2024. Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 6,059 kilo, 74.69 kilo ng cocaine, higit… Continue reading Kabuuang halaga ng iligal na drogang nasabat ng PDEA, higit P46-B na

Quad Comm, natukoy na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99

Kumbinsido na si Quad Committee co-Chair Joseph Stephen Paduano na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99. Sa naging pag-usisa ni Paduano kay Cassandra Ong na umaming shareholder ng Whirlwind at representative ng Lucky South 99, sinabi ni Ong na iisa lang ang mga may-ari ng dalawang kumpanya. Lumalabas kasi na maliban sa… Continue reading Quad Comm, natukoy na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99

16 na OFW mula Lebanon, ligtas na nakauwi ng Pilipinas

Ligtas na nakauwi ng bansa ang 16 na Overseas Filipino Workers lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa NAIA Terminal 3 mula Lebanon. Ang naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno. Sila ay natatanggap ng tulong financial na P75,000 mula sa DMW action fund at iba pang suporta mula sa… Continue reading 16 na OFW mula Lebanon, ligtas na nakauwi ng Pilipinas

Bilateral military exercise ng Pilipinas at Indonesia, umarangkada

Pormal na inilunsad kahapon ang PHILINDO STRIKE IV-2024 bilateral military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. Ang 6th Infantry Division ng Philippine Army ang host ng joint exercises na isinasagawa sa Maguindanao del Norte. Ayon kay Division Chief of Staff Col. Edgar Catu, iba’t ibang pagsasanay ang isasagawa upang higit pang mapalakas ang kolaborasyon… Continue reading Bilateral military exercise ng Pilipinas at Indonesia, umarangkada

Hakbang na maaaring makapagpatupad ng 2016 Hague ruling, tinitingnan na ng OSG

Pinag-aaralan na ng Office of the Solicitor General kung kailangan ba ng batas para ma-recognize at maipatupad ang 2016 Hague ruling sa West Philippine Sea. Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, bagamat may mga patakaran naman ang Korte Suprema hinggil sa mga international ruling subalit ito ay patungkol lamang sa mga pribadong isyu gaya ng… Continue reading Hakbang na maaaring makapagpatupad ng 2016 Hague ruling, tinitingnan na ng OSG

Consolidated units sa ilalim ng Public Transport Modernization program ng DOTr, nasa 83% na

Umaabot na sa 83.38% ang mga sumailalim sa PUV Modernization Program ng Department of Transportation and Railways. Sa budget presentation ni DOTr Sec. Jaime Bautista sa House Appropriations Committee, iprinesenta nito ang update sa programa kung saan nasa 159,862 na ang consolidated units mula sa baseline units na 191,730. Layon ng PUV modernization na itatag… Continue reading Consolidated units sa ilalim ng Public Transport Modernization program ng DOTr, nasa 83% na

‘Pork is safe’ campaign ng mga magbababoy sa Pilipinas, suportado ng DA

Tiniyak ni Agriculture Sec. Kiko Laurel ang suporta nito sa kampanya ng mga magbababoy sa Pilipinas na ipaalam sa publiko na ligtas na kainin ang baboy sa bansa. Sa ginawang “pork is safe” lechon chopping event sa Pasay ay kinilala ni Laurel na ang pork industry sa bansa ay isang haligi ng sektor ng agrikultura.… Continue reading ‘Pork is safe’ campaign ng mga magbababoy sa Pilipinas, suportado ng DA

Mambabatas. kumpiyansang lalakas ang bentahan ng baboy ngayong papasok na ber months

Kumpiyansa si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones na muling tatangkilikin ng taumbayan ang karne ng baboy ngayong ‘ber’ months. Ginawa ni Briones ang pahayag matapos humina ang bentahan ng produktong baboy dahil sa takot ng publiko sa African Swine Fever (ASF). Paliwanag ni Briones, posibleng makatulong aniya ang pagdating ng bakuna laban sa nasabing sakit.… Continue reading Mambabatas. kumpiyansang lalakas ang bentahan ng baboy ngayong papasok na ber months

Karagdagang 15 gamot, exempted na rin sa VAT

Nadagdagan pa ang mga gamot sa merkado na exempted na sa value added tax o VAT. Kasunod ito ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 93-2024 ng Bureau of Internal Revenue kaugnay ng 15 gamot na hindi na papatawan ng VAT. Partikular ito sa mga gamot para sa sakit na cancer tulad ng may generic… Continue reading Karagdagang 15 gamot, exempted na rin sa VAT