Pagkansela sa LTOPF ng pulis opisyal na nagpaputok sa harap ng restaurant sa QC, didinggin ng firearms and explosives office

Didinggin ng Firearms and Explosives Office (FEO) ang request ng Quezon City Police District (QCPD) na kanselahin ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at rehistro ng baril ni PLt.Col. Mark Julio Abong. Ito’y makaraang masangkot sa panibagong gulo ang sinibak na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, matapos magwala,… Continue reading Pagkansela sa LTOPF ng pulis opisyal na nagpaputok sa harap ng restaurant sa QC, didinggin ng firearms and explosives office

DHSUD, inihahanda na ang ayuda para sa mga biktima ng Mindanao quake

Iniutos na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa mga Regional Offices (ROs) ang agarang paghahatid ng financial assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao kamakailan. Sa isang panayam, sinabi ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango na pinagana na ng… Continue reading DHSUD, inihahanda na ang ayuda para sa mga biktima ng Mindanao quake

WESTMINCOM, nagbigay ng buong suporta sa 18-araw na kampanya ng AFP kontra sa “Violence Against Women and Children”

Tiniyak ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) ang kanilang buong suporta sa 18-araw na kampanya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra sa “Violence against Women and Children” (VAW). Bilang pakikiisa, nakilahok ang mga opisyal, uniformed at non-uniformed personnel ng WestMinCom sa “virtual launching” ng kampanya kahapon na pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen.… Continue reading WESTMINCOM, nagbigay ng buong suporta sa 18-araw na kampanya ng AFP kontra sa “Violence Against Women and Children”

ARTA, nagsagawa ng Ease of Doing Business Convention ngayong araw

Pinangunahan ni Anti-Red Tape Authority o ARTA Director General Sec. Ernesto Perez ang unang araw ng Ease of Doing Business Convention sa Pasay City ngayong araw. Dito, ini-ulat ni Sec. Perez ang mga pinakahuling development hinggil sa ginagawang streamlining at digital solutions na ini-aalok ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan upang mapaganda pa ang paghahatid… Continue reading ARTA, nagsagawa ng Ease of Doing Business Convention ngayong araw

AFP Leadership Summit 2023, nagbukas sa Pampanga

Nagbukas ngayong umaga ang Leadership Summit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mabalacat City, Pampanga. Ito ay may temang “Leading transformation towards peaceful environment.” Ang aktibidad ay inorganisa ng AFP Education Training and Doctrine Command (AFPETDC) katuwang ang Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Kabilang sa mga panauhin… Continue reading AFP Leadership Summit 2023, nagbukas sa Pampanga

Peace negotiations ng pamahalaan at NDF, panibagong simula — Sec. Galvez

Hindi pagpapatuloy ng dating naudlot na usapang pangkapayapaan ang napagkasunduang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front, bagkus ito ay panibagong simula. Ito ang binigyang diin ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang mensahe sa Leadership Summit ng Armed Forces of… Continue reading Peace negotiations ng pamahalaan at NDF, panibagong simula — Sec. Galvez

Muling pagkakabilang ng Pilipinas sa International Maritime Organization, ikinakampanya ng DOTr

Tiwala ang Department of Transportation (DOTr) na mapananatili ng Pilipinas ang puwesto nito sa International Maritime Organization o IMO. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista kasunod ng nagpapatuloy na 33rd IMO Assembly sa London kung saan inaasahang itataguyod dito ang Strategic Plan para sa mga taong 2024 hanggang 2029. Ayon sa Kalihim, mahalaga… Continue reading Muling pagkakabilang ng Pilipinas sa International Maritime Organization, ikinakampanya ng DOTr

SSS at Quirino Memorial Medical Center, magtutulungan para sa social security protection ng mga manggagawa sa ospital

Ilulunsad na rin ang KaSSSangga Collect Program ng Social Security System o SSS sa Quirino Memorial Medical Center. Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng SSS at ng QMMC para sa pagarangkada ng programa sa naturang ospital. Pinangunahan ngayong umaga nina SSS Branch Operations Sector Exec. VP Atty. Voltaire Agas,… Continue reading SSS at Quirino Memorial Medical Center, magtutulungan para sa social security protection ng mga manggagawa sa ospital

Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, pinaghahandan ng DPWH

Pinaghahandaan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kinakailangan para sa gagawing Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Project. Isa ang BCIB Project sa mga infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng programang “Build Better More.” Alinsunod sa tagubilin ng Pangulo sa BCIB Milestones Ceremony… Continue reading Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, pinaghahandan ng DPWH

Tauhan ng OTS na nagbalik ng naiwang gadget ng isang pasahero sa paliparan, pinapurihan

Kinilala ng Office for Transportation Security ang ipinakitang katapatan ng mga tauhan nito matapos isauli ang naiwang kagamitan ng isang pasahero sa paliparan. Batay sa ulat ng OTS, nangyari ang magkakahiwalay na insidente mula Nobyembre 15 hanggang 22 ng taong kasalukuyan. Nobyembre 15 nang isauli ng Security Screening Officer na si Reyster Nuñez at checkpoint… Continue reading Tauhan ng OTS na nagbalik ng naiwang gadget ng isang pasahero sa paliparan, pinapurihan