NTF-WPS, kinondena ang panibagong pangha-harass ng China sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang huling insidente ng pang-haharass ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa resupply mission patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kaninang umaga. Sa ulat ng NTF-WPS, nangyari ang insidente kaninang 7:30 ng umaga nang gumamit ng water cannon ang… Continue reading NTF-WPS, kinondena ang panibagong pangha-harass ng China sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Imbestigasyon sa malabong tubig ng Maynilad, sinang-ayunan ng dating Chair ng MWSS

Pabor ang dating Chair ng MWSS na si Dindo Alikpala sa isinasagawa ngayong imbestigasyon ng MWSS Regulatory Office sa inireklamong water discoloration partikular ang manilaw-nilaw na tubig na isinuplay ng water consessionaire na Maynilad. Sa Pandesal Forum, sinabi ng dating opisyal na hindi katanggap tanggap ang naranasang malabong tubig ng ilang customer ng Maynilad. Paliwanag… Continue reading Imbestigasyon sa malabong tubig ng Maynilad, sinang-ayunan ng dating Chair ng MWSS

PCG, inilikas ang mga pamilya sa dalawang barangay sa Davao City na naapektuhan ng matinding pagbaha

Mabilis na nailikas ng Coast Guard District Southeastern Mindanao, Coast Guard Station Davao at Special Operations Unit-SEM ang ilang pamilya na naapektuhan ng matinding pagbaha sa mga barangay ng Bago Galera at Bago Playa, Davao City . Ito ay dahil sa biglang buhos ng ulan dulot ng ‘easterlies’ na pinalakas ng hanging Amihan kahapon ng… Continue reading PCG, inilikas ang mga pamilya sa dalawang barangay sa Davao City na naapektuhan ng matinding pagbaha

Higit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang babae sa Cavite

Naaresto ng PNP ang isang high-value drug suspect sa buy-bust operation sa DasmariƱas City, Cavite. Sa ulat kay Police Regional Office (PRO) 4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, kinilala ang babaeng suspek na si alyas Jerwin, 35 taong gulang. Kabilang ang suspek sa drug watchlist ng Cavite Police Provincial Office. Nasamsam ng… Continue reading Higit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang babae sa Cavite

Most wanted sa Caraga Region, arestado ng CIDG

Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang top most wanted person ng Police Regional Office (PRO) 13. Kinilala ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat ang akusado na si Joel Camansi Jino-o, 50, na wanted sa kasong statutory rape. Inaresto si Jino-o sa Abilan, Buenavista, Agusan Del Norte kamakalawa,… Continue reading Most wanted sa Caraga Region, arestado ng CIDG

Embahada ng Pilipinas sa Israel, inirekomenda ang pansamantalang travel supension sa Israel

Iminungkahi ng Philippine Embassy sa Israel ang pansamantala munang pagsuspinde ng mga biyahe sa Israel dahil pa rin sa patuloy na digmaan sa nasabing bansa. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naglabas muli ng isang travel advisory ang Philippine Embassy sa Israel na suspendihin muna ang lahat ng biyahe mula sa Pilipinas patungo sa… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Israel, inirekomenda ang pansamantalang travel supension sa Israel

Unang batch ng mga Pilipino na nakatawid na mula sa Gaza, nakatakdang dumating ngayong araw

Nakatakdang dumating sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Gaza ngayong Biyernes, Nobyembre 10, 2023. Ayon kay DFA Usec. Eduardo De Vega ang naturang Pinoy repatriates ay lulan ng Qatar Airways fLight QR 932 na inaasahang lalapag pasado alas-kwatro ng hapon sa NAIA Terminal-3. Ayon pa kay de Vega, sa unang naiulat,… Continue reading Unang batch ng mga Pilipino na nakatawid na mula sa Gaza, nakatakdang dumating ngayong araw

Ilang mga nagtitinda sa karinderya, nanghihinayang sa mga nasasayang na kanin

Nanghihinayang ang ilang may-ari ng karinderya sa mga nasasayang na kanin ng kanilang mga customer lalo’t hindi nauubos ng mga ito ang serving na ibinibigay sa kanila. Ayon kay Jen, may-ari ng karinderya sa San Juan City, wala naman silang magawa sa mga customer na hindi nakakaubos ng kanin kaya’t para hindi masayang ay kanila… Continue reading Ilang mga nagtitinda sa karinderya, nanghihinayang sa mga nasasayang na kanin

Pagsulong ng kaunlaran sa mga komunidad, tinalakay ng AFP at UN-OCHA

Isang dayalogo ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines at ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa Camp Aguinaldo kahapon. Ayon sa AFP, layon nito na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng militar, UN agencies at mga local and international non-government organizations sa bansa sa pagsulong ng kaunlaran sa mga… Continue reading Pagsulong ng kaunlaran sa mga komunidad, tinalakay ng AFP at UN-OCHA

MMDA, iginiit na walang dry run sa paniningil ng mas mataas na multa sa EDSA Busway

Simula sa Lunes, Nobyembre a-13, diretso na ang gagawing paniningil ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga pasaway na motorista na pilit pa ring daraan sa EDSA Bus Carousel Lane. Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, wala na silang gagawing dry run dahil sapat na ang mga ibinigay nilang anunsyo, babala… Continue reading MMDA, iginiit na walang dry run sa paniningil ng mas mataas na multa sa EDSA Busway