Bureau of Immigration, naaalarma sa ‘sex tourism’

Ikinababahala ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang posibilidad ng muling pagkabuhay ng ‘sex tourism’ sa bansa. Ito ay sa kabila aniya ng sunod-sunod na pagkakahuli ng mga sex offender na nagtatangkang pumasok sa Pilipinas. Matatandaang kamakailan lamang ay nakahuli ang border control and enforcement unit ng isang foreign national na nagtangkang pumasok sa… Continue reading Bureau of Immigration, naaalarma sa ‘sex tourism’

Agham at BIR Road sa QC, opisyal nang papalitan bilang Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue

Nag-abiso ngayon ang Quezon City Local Govt. na pansamantalang isasara sa publiko ang bahagi ng BIR Road at East Avenue simula mamayang alas-9 ng gabi hanggang bukas, November 11 ng alas-8 ng gabi. Ito ay para sa isasagawang seremonya ng opisyal na pagpapalit ng pangalan ng Agham at BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago… Continue reading Agham at BIR Road sa QC, opisyal nang papalitan bilang Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue

3 pulis, arestado ng IMEG sa magkakahiwalay na operasyon

Naaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang tatlong pulis matapos silbihan ng mga warrant sa magkakahiwalay na operasyon sa loob ng 24 oras. Ayon kay IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon, inaresto si Patrolman Micheal Angelo Basa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa kasong ‘grave threat’ sa ilalim ng… Continue reading 3 pulis, arestado ng IMEG sa magkakahiwalay na operasyon

NGCP, sinisi ang ERC kaugnay sa isyu ng kanilang mga gastusin

Ibinalik ng National Grid Corporation of the Philippines sa Energy Regulatory Commission ang sisi matapos kwestyunin ang kanilang mga gastusin. Nauna rito ay sinabi na ng ERC na hindi maaaring bawiin ng NGCP sa mga konsyumer ang kanilang mga gastusin sa corporate social responsibility at mga donasyon. Kabilang na rito ang mga gastos sa advertisement,… Continue reading NGCP, sinisi ang ERC kaugnay sa isyu ng kanilang mga gastusin

Pagbili ng 5 multi-role response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan sa ika-11 NEDA Board meeting ang tatlong malalaking proyektong pang-imprastraktura at pagpapalakas ng maritime security ng Pilipinas. Kabilang dito ang higit P29 billion na Phase 3 Maritime Capability ng Philippine Coast Guard na kinabibilangan ng limang multi role response vessels. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, palalakasin lamang nito ang kakayahan ng PCG sa… Continue reading Pagbili ng 5 multi-role response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

ERC, iginiit na hindi maaring bawiin ng NGCP sa mga konsyumer ang ilan sa kanilang mga gastusin

Nanindigan ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa kanilang desisyon na hindi maaring bawiin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga konsyumer ang kanilang mga gastusin. Kasama na rito ang advertising expenses, COVID-19 donations at bonuses ng mga empleyado ng NGCP. Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, kung babawiin ng NGCP ang kanilang… Continue reading ERC, iginiit na hindi maaring bawiin ng NGCP sa mga konsyumer ang ilan sa kanilang mga gastusin

OVP, nag-organisa ng tree planting activities sa Dagupan at Pangasinan

Bilang bahagi ng PagbaBAGo Campaign, nag-organisa ang Office of the Vice President Dagupan Satellite Office ng tree planting activities sa Dagupan at Pangasinan. Umabot sa mahigit 7,000 na mga seedlings ang naitanim sa mga piling paaralan ng nasabing mga lalawigan. Kabilang sa mga nakilhok sa naturang aktibidad ang mga guro ng mga paraalan at mga… Continue reading OVP, nag-organisa ng tree planting activities sa Dagupan at Pangasinan

Bulkang Taal, nagbuga ng pinakamataas na lebel ng asupre ngayong araw

Naglabas ng babala ang Phivolcs sa mga residenteng malapit sa Bulkang Taal sa Batangas matapos magbuga ito ng pinakamataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide o asupre na naitala ngayong araw. Ayon sa Phivolcs, mahigit 11,000 tonelada ng volcanic sulfur dioxide o gas emission mula sa main crater ng Taal ang naitala ngayong araw. Ito… Continue reading Bulkang Taal, nagbuga ng pinakamataas na lebel ng asupre ngayong araw

Apat na Pilipinong sugatan sa missile attack ng Russia sa isang civilian ship, ligtas na — DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas na ngayon ang apat na mga Pilipino na nasugatan matapos tamaan ng Russian missile ang isang civilian ship na papasok sana ng pantalan sa Black Sea region ng Odesa, Ukraine. Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, nasa bridge ng barko ang apat na crew nang… Continue reading Apat na Pilipinong sugatan sa missile attack ng Russia sa isang civilian ship, ligtas na — DMW

Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang sisipa pa sa 4th quarter ng 2023

Sinabi ngayon ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na inaasahan niyang mas bibilis pa ang paglago ng ekonomiya sa huling quarter ng taon. Ginawa niya ang pahayag bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9% sa ikatlong quarter, mas mataas kaysa… Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang sisipa pa sa 4th quarter ng 2023