Ekonomiya ng bansa, lumago sa 5.9% sa ikatlong quarter ng 2023

Positibo ang naging takbo ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taon ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (PSA). Iniulat ni PSA Undersecretary at National Statistician Dennis S. Mapa na lumago sa 5.9% ang Gross Domestic Product (GDP) sa bansa nitong 3rd quarter. Mas mataas ito mula sa 4.3% noong ikalawang quarter bagamat mas… Continue reading Ekonomiya ng bansa, lumago sa 5.9% sa ikatlong quarter ng 2023

2 international airline companies, nakatakdang mag-operate sa bansa — MIAA

Nakatakda nang mag-operate ang dalawang bagong airline companies sa NAIA. Ayon kay MIAA General Manager Bryan Co ang naturang airline companies na nais mag-operate sa NAIA ay ang Greater Bay Airlines na may biyahe ng Hong Kong at Manila at ang Malaysian-based na Batik Air. Dagdag pa ni Co na malaking oportunidad sa bansa ang… Continue reading 2 international airline companies, nakatakdang mag-operate sa bansa — MIAA

Kasong murder at theft laban sa 3 suspek sa pagpatay kay Juan Jumalon, inihain sa Prosecutors Office

Inihain na ng PNP ang kasong murder at theft laban sa isang hindi pinangalanang suspek at dalawang “John Doe” na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon na mas kilala bilang Johnny Walker. Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Jean Fajardo, nasa Provincial Prosecutors Office ng… Continue reading Kasong murder at theft laban sa 3 suspek sa pagpatay kay Juan Jumalon, inihain sa Prosecutors Office

Communication exercise, kasunod ng earthquake drill, isinagawa sa Camp Aguinaldo

Binigyang diin ng Office of Civil Defense ang kahalagahan ng walang patid na komunikasyon sa panahon ng sakuna. Kaugnay nito, nagsagawa ng isang Communication Exercise ang OCD katuwang ang Department of Information and Communications Technology, kasunod ng 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill sa Camp Aguinaldo. Layunin nito na agad makatugon sa iba’t-ibang emergency na… Continue reading Communication exercise, kasunod ng earthquake drill, isinagawa sa Camp Aguinaldo

Party-list solon, pinasasama ang pagtuturo ng anti-graft and corruption sa basic education

Pinasasama ng isang kongresista sa basic education curriculum ang anti-graft and corruption modules. Ayon kay AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, layon ng kaniyang House Bill No. 9054 o Anti-Graft and Corruption Education Act na imulat ang mga kabataan sa masamang epekto ng korapsyon. “In order to raise the awareness of our youth on the detrimental… Continue reading Party-list solon, pinasasama ang pagtuturo ng anti-graft and corruption sa basic education

PBBM, nakiisa sa ika-10 taong paggunita ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 10th Yolanda Commemoration Anniversary na ginawa sa Tacloban City, Leyte. Sinimulan ang komemorasyon sa pamamagitan ng isang misa na dinaluhan ng ilang local at national government officials gayundin ng ilang dayuhang delegado kabilang na sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian. Sa naging mensahe naman ng… Continue reading PBBM, nakiisa sa ika-10 taong paggunita ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City

Selebrasyon ng katatagan, pagkakaisa at pag-asa, bahagi ng paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng pagtama ng bagyong Yolanda

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa paggunita sa ika-10 taon ng pagtama ng bagyong Yolanda sa Tacloban. Ayon sa Leyte 1st District Representative, habambuhay nang nakaukit sa ala-ala ng bawat taga-Tacloban at bawat Pilipino ang pinsalang dala ng pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas. Ngunit kasabay nito ay ang selebrasyon aniya ng katatagan, pagkakaisa… Continue reading Selebrasyon ng katatagan, pagkakaisa at pag-asa, bahagi ng paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng pagtama ng bagyong Yolanda

Presyo ng pagkain, asahang babagal ang pagtaas dahil sa mga interbensyon ng Pangulo sa sektor ng agrikultura

Positibo ang Philippine Statistics Authority na babagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain matapos ang sunod-sunod na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang mga konsyumer at magsasaka. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang inflation rate ng bansa mula 6.1% noong Setyembre, ngayong Oktubre ay 4.9% na lamang. Malaking bahagi rito… Continue reading Presyo ng pagkain, asahang babagal ang pagtaas dahil sa mga interbensyon ng Pangulo sa sektor ng agrikultura

DSWD, pinaigting ang hakbang vs. cyber threats

Nagkasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang cyber security workshop sa Davao Region na tumutok sa mga hakbang upang mapigilan ang mga posibleng cyber attacks. Isinagawa ang naturang workshop noong Oct. 29 na kolaborasyon ng Office of the Chief Information Officer (OCIO) at Information and Communications Technology Management Service (ICTMS) ng… Continue reading DSWD, pinaigting ang hakbang vs. cyber threats

PBBM, nagpaabot ng pasasalamat sa Israel, Egypt at Qatar sa tulong na ibinigay sa OFWs upang makalabas ng Gaza Strip

Nagpaabot ng kaniyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Israel, Egypt at Qatar para sa aniya’y pagbibigay prayoridad ng mga ito para makalabas na sa Gaza Strip ang may 40 na mga OFW sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah crossing. Ayon sa Pangulo, patungo na sa Cairo ang nasabing bilang ng mga OFW kung… Continue reading PBBM, nagpaabot ng pasasalamat sa Israel, Egypt at Qatar sa tulong na ibinigay sa OFWs upang makalabas ng Gaza Strip