Realignment ng pondo para sa proteksyon ng West Philippine Sea, welcome sa frontline agencies

Positibo ang pagtanggap ng mga frontline agency na nagbabantay sa West Philippine Sea sa ginawang realignment ng pondo ng Kamara sa 2024 national budget. Sa pulong ng House Special Committee on the West Philippine Sea, sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang realignment ng pondo ay makatutulong para mapalakas ang kanilang… Continue reading Realignment ng pondo para sa proteksyon ng West Philippine Sea, welcome sa frontline agencies

Anggulong “drag racing” sa aksidente na ikinasawi ng 4 na lalaki sa Marcos Highway, isinantabi ng Antipolo PNP

“Walang nangyaring drag racing sa Marcos Highway kahapon”. Ito ang inihayag ng Antipolo City Police matapos makuha nila ang aktwal na CCTV footage bago ang malagim na aksidente sa Marcos Highway na ikinasawi ng apat na binatilyo. Ayon kay Antipolo City Police Chief PCol. Ryan Manongdo, walang ka-karera at sadyang mabilis lang ang patakbo ng… Continue reading Anggulong “drag racing” sa aksidente na ikinasawi ng 4 na lalaki sa Marcos Highway, isinantabi ng Antipolo PNP

MMDA, muling nagpaalala sa publiko na walang sasantuhin sa paghuli ng mga lalabag sa EDSA Bus Lane

Muling nagpaalala ang Metro Manila Development Authority na wala silang sasantuhin sa paghuli ng mga lalabag o dadaan sa EDSA Bus Lane sa kabila ng pagtataas sa P5,000 ng multa simula November 13. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, sa laki ng multa ay sana hindi na tangkain pa ng mga motorista na… Continue reading MMDA, muling nagpaalala sa publiko na walang sasantuhin sa paghuli ng mga lalabag sa EDSA Bus Lane

House Special Committee, nanindigan sa pagprotekta sa West Philippine Sea

Binigyang diin ni House Special Committee on West Philippine Sea Chair at Mandaluyong Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II na pursigido ang komite na protektahan ang interes ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea. Sa ikinasang pulong ng komite, sinabi ni Gonzales na seryosong usapin ang sunud-sunod na insidente ng panggigipit ng China… Continue reading House Special Committee, nanindigan sa pagprotekta sa West Philippine Sea

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, suportado ang isinusulong na pagrepaso sa IMRAP para sa mga OFW

Nagkasa ng policy dialogue is OFW party-list Rep. Marissa Magsino kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Itoy’y patungkol sa kaniyang resolusyon na rebisahin ang Inter-Agency Medical Repatriation Assistance Program o IMRAP para sa mga OFW. Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga ahensyang nagpapatupad sa programa tulad ng Department of Health (DOH), Department… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, suportado ang isinusulong na pagrepaso sa IMRAP para sa mga OFW

DOTr, positibo na magiging malaki ang kapakinabangan ng “big ticket projects” sa pagsugpo ng traffic sa Metro Manila

Positibo ang Department of Transportation na malaki ang magiging kapakinabangan ng “big ticket projects” ng kanilang kagawaran sa pagsupo ng traffic sa Metro Manila. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, maiibsan ang mabigat na trapiko sa buong Maynila kapag natapos na ang mga proyektong pang-transportasyon dahil magiging mabilis na ang pagbiyahe ng publiko sa kani-kanilang… Continue reading DOTr, positibo na magiging malaki ang kapakinabangan ng “big ticket projects” sa pagsugpo ng traffic sa Metro Manila

PNP Peacekeeping Contingent na dineploy sa BARMM, binigyang pagkilala ng PNP Chief

Binigyang pagkilala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Peacekeeping Contingent na pinadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para tumulong sa seguridad noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa flag-raising ceremony sa Camp Bagong Diwa Taguig, kahapon, pinuri ng PNP Chief ang matagumpay na misyon ng 298… Continue reading PNP Peacekeeping Contingent na dineploy sa BARMM, binigyang pagkilala ng PNP Chief

AFP, nagpasalamat sa Japan para sa P235.5- M grant na coastal radar system

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines sa paglalaan ng Japan ng P235.50 million grant para sa coastal radar system. Ang donasyon na ipagkakaloob sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) program ng Japan ay napagkasunduan sa pagpupulong ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishada sa Malacañang noong Biyernes. Ayon kay… Continue reading AFP, nagpasalamat sa Japan para sa P235.5- M grant na coastal radar system

DILG Sec. Abalos, nakatutok sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na brodkaster sa Misamis Occidental

Mahigpit na nakabantay na rin si DILG Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. sa development ng kaso ng pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon alyas ‘Johnny Walker’. Sa isang pahayag, kinundena ng kalihim ang krimen na aniya ay maituturing na direktang atake sa malayang pamamahayag at walang puwang sa lipunan. “The… Continue reading DILG Sec. Abalos, nakatutok sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na brodkaster sa Misamis Occidental

62% ng mga Pilipino, naniniwala na nasa tamang direksyon ang Marcos Jr. administration — OCTA

Anim sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang lumabas sa survey na ginawa ng OCTA Research base sa kanilang pinakahuling Tugon ng Masa na ginawa mula September 30 hanggang October 4, 2023. Base sa survey, 62% ng mga Pinoy… Continue reading 62% ng mga Pilipino, naniniwala na nasa tamang direksyon ang Marcos Jr. administration — OCTA