₱1.4-B halaga ng bagong kagamitan, magpapalakas sa kapabilidad ng PNP — PNP chief

Malaking tulong sa pagganap ng misyon ng pulis na “to serve and protect” ang mga bagong biling kagamitan ng PNP. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa presentasyon ng mga bagong kagamitan ng PNP na nagkakahalaga ng ₱1.4 bilyon sa Camp Crame. Kinabibilangan ito ng 44 na marked Light Transport… Continue reading ₱1.4-B halaga ng bagong kagamitan, magpapalakas sa kapabilidad ng PNP — PNP chief

Modernisasyon ng sektor ng agrikultura, sinuportahan ng Mindanao solon

Inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kaniyang suporta sa paggamit ng modernong makinarya para mapalakas ang sektor ng agrikultura. Sa isang panayam, sinabi ni Barbers na dapat paigtingin ang pagkakaloob ng mga agricultural machinery o agricultural tech sa mga magsasaka para mapaganda pa ang kanilang produksyon. “It helps farmers to grow… Continue reading Modernisasyon ng sektor ng agrikultura, sinuportahan ng Mindanao solon

Senate President Zubiri, kinondena ang pagbangga sa isang Pinoy fishing vessel sa West Philippine Sea

Nakakagalit ang napaulat na insidente ng pagbangga ng isang dayuhang maritime vessel sa isang Pinoy fishing vessel sa West Philippine Sea lalo’t ikinasawi ito ng tatlong indibidwal. Ito ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasunod ng inilabas na ulat ng Philippine Coast Guard tungkol sa insidente na nangyari sa Bajo de Masinloc. Base… Continue reading Senate President Zubiri, kinondena ang pagbangga sa isang Pinoy fishing vessel sa West Philippine Sea

Responsable sa maritime incident sa Bajo de Masinloc na nagresulta sa pagkasawi ng 3 Pilipinong mangingisda, pananagutin — PBBM

Makakaasa ang pamilya at malalapit sa buhay ng tatlong mangingisdang Pilipino na nasawi sa maritime incident sa Bajo de Masinloc, madaling araw ng Lunes (October 2) na pananagutin ng pamahalaan ang mga responsable dito. “We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible… Continue reading Responsable sa maritime incident sa Bajo de Masinloc na nagresulta sa pagkasawi ng 3 Pilipinong mangingisda, pananagutin — PBBM

5 sakay ng nag-emergency landing na eroplano ng PAF sa Mactan, ligtas lahat

Nasa mabuting kalagayan ang limang sakay ng Philippine Air Force (PAF) Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft na nag-emergency landing sa Mactan Cebu International Airport. Ito ang inihayag ni PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo kaugnay ng insidenteng nangyari kaninang alas-dos ng madaling araw. Ayon kay Col. Castillo, napilitang magsagawa ng emergency landing ang eroplano… Continue reading 5 sakay ng nag-emergency landing na eroplano ng PAF sa Mactan, ligtas lahat

NHA, namahagi ng cash assistance sa mga nasunugan sa Caloocan City

May 44 pamilya na biktima ng sunog sa Caloocan City ang binigyan ng tulong pinansyal ng National Housing Authority. Ang mga benepisyaryo ay nakatira sa Barangay 154 at 185 at nawalan ng tirahan nang matupok sa naganap na sunog. Ayon sa NHA, bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-₱10,000 cash aid mula sa Emergency Housing Assistance… Continue reading NHA, namahagi ng cash assistance sa mga nasunugan sa Caloocan City

Labi ng estudyanteng nasawi sa sampal ng guro sa Antipolo, dinala sa Camp Crame

Dumating sa Camp Crame ang mga labi ng grade 5 student na nasawi umano sa sampal ng guro sa Antipolo City. Ito’y matapos makuha ng pamilya ng biktimang si Francis Jay Gumikib ang death certificate ng kanilang anak mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Ang mga labi ng biktima ay dadalhin sa PNP Forensics… Continue reading Labi ng estudyanteng nasawi sa sampal ng guro sa Antipolo, dinala sa Camp Crame

Senate President Zubiri, tiwalang makakayang lagpasan ng MIF ang pagkwestiyon sa korte

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na madedeklarang constitutional ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 at makakaya nitong malagpasan ang anumang pagkwestiyon sa korte. Naninindigan si Zubiri na dumaan sa tamang legislative process ang MIF law. Ginawa ng senate president ang pahayag kasabay ng pagsasabing welcome para sa Senado ang utos ng Korte… Continue reading Senate President Zubiri, tiwalang makakayang lagpasan ng MIF ang pagkwestiyon sa korte

House of Representatives, kinilala bilang ‘mother and baby friendly’ institution

Kinilala ng Department of Health – National Capital Region (DOH) ang House of Representatives (HRep) bilang ‘mother-baby friendly’ institution. Ito ay dahil na rin sa pagkakaroon ng angkop na pasilidad at sapat na suporta para sa working mothers sa Kamara. Partikular dito ang apat na lactation stations sa HREP Complex. Ayon kay DOH Undersecretary Dr.… Continue reading House of Representatives, kinilala bilang ‘mother and baby friendly’ institution

Sen. Imee Marcos, namahagi ng financial assistance sa 2,000 estudyante ng Malabon

Naghatid ng tulong si Sen. Imee Marcos sa 2,000 estudyante ng City of Malabon University. Mainit ang naging pagtanggap ng mga estudyante sa senador sa pagbisita nito sa naturang unibersidad kaninang umaga. Kasama si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, pinangunahan ng senador ang distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social… Continue reading Sen. Imee Marcos, namahagi ng financial assistance sa 2,000 estudyante ng Malabon