Scam hub sa Kawit, Cavite, sinalakay ng NBI; 29 katao kabilang ang 5 dayuhan, arestado

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division ang isang nagsisilbing scam hub sa loob ng Grand Centennial Homes sa bayan ng Kawit, Cavite. Naaresto sa operasyon ang nagpapatakbo ng scam hub kabilang ang tatlong Chinese, dalawang Malaysian at 24 na mga Pilipino. Ayon kay NBI Dir. Retired Judge Jaime Santiago, nag-ugat… Continue reading Scam hub sa Kawit, Cavite, sinalakay ng NBI; 29 katao kabilang ang 5 dayuhan, arestado

SEC, muling nagbabala sa publiko laban sa grupong gumagamit sa initials ng pangulo upang makapanloko

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission laban sa Bagong Bansang Maharlika (BBM) International Inc. na patuloy na nanloloko sa publiko. Maaalalang binawian ng corporate registration ang BBM International dahil nanghihingi ng investments at hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin ang kanilang operasyon sa Visayas at Mindanao. Kapalit ng umano’y investments sa kumpanya, nangangako ito… Continue reading SEC, muling nagbabala sa publiko laban sa grupong gumagamit sa initials ng pangulo upang makapanloko

DHSUD at PhilSA, nagkasundo para sa paggamit ng space data sa housing at urban development

Gagamit na ng Space Science and Technology Applications (SSTA) ang Department of Human Settlements and Urban Development sa pagsusulong ng Housing and Urban Development Industry sa bansa. Isang Memorandum of Agreement ang opisyal nang nilagdaan ng DHSUD at PhilSA ukol dito. Nilalayon ng MOA na palakasin ang pagsisikap ng Environmental, Land Use and Urban Planning… Continue reading DHSUD at PhilSA, nagkasundo para sa paggamit ng space data sa housing at urban development

Pagtaas sa foreign service allowance, binabalangkas na ng DFA at DBM

Kinumpirma ni DFA Asec. Domingo Nolasco na inaayos na ng ahensya katuwang ang DBM ang kautusan para taasan ang halaga ng foreign service allowance. Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang P27.4 billion na budget ng DFA para sa 2025, nausisa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang ahensya kung may balak ba silang dagdagan… Continue reading Pagtaas sa foreign service allowance, binabalangkas na ng DFA at DBM

NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Pinaalalahanan ng pamunuan ng NCRPO ang mga tauhan nito na paghandaan ang inaasahang mga malalakas na pag-ulan sa Kalakhang Maynila. Ayon kay PBGen. Rolly Octavio, bilang antisipasyon sa mga potensyal na low pressure area, dapat magkaroon ng inisyatiba ang kanilang mga tauhan na magtayo ng incident command post. Dagdag pa ng heneral na kailangan ding… Continue reading NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Barkong pandigma ng China sa WPS, nag-triple sa nakalipas na linggo

Umakyat sa siyam ang bilang ng barkong pandigma ng China na na-monitor sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula August 6 hanggang 12. Sa datos ng Philippine Navy, isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa Ayungin Shoal, dalawa sa Pag-Asa Islands, isa sa Likas Island, isa sa Patag Island,… Continue reading Barkong pandigma ng China sa WPS, nag-triple sa nakalipas na linggo

LRMC, nakipag-ugnayan na sa LTFRB para sa inaasahang 200k na pasaherong hindi makakasakay sa LRT-1

Pinayuhan ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, ang private operator ng LRT Line 1 ang nasa 200,000 na pasahero nito tuwing weekend na planuhin ang kanilang biyahe sa weekend partikular ang mga petsang Aug.17 -18, Aug. 24-27 at Aug. 31-Sept. 1. Paliwanag ng LRMC, kailangang magkaroon ang nasabing mga pasahero ng mga alternatibong ruta… Continue reading LRMC, nakipag-ugnayan na sa LTFRB para sa inaasahang 200k na pasaherong hindi makakasakay sa LRT-1

LRT-1, magpapatupad ng tatlong weekends na suspensyon sa operasyon

Pansamantalang magpapatupad ng suspensyon sa operasyon ang private operator ng LRT Line1 na Light Rail Manila Corporation o LRMC. Ayon sa nasabing kumpanya, ang suspensyon ay para sa kanilang gagawing preparasyon sa pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension bago matapos ang taon. Anila, ipatutupad ang nasabing suspensyon ng commercial operation sa tatlong magkakasunod na weekends ng… Continue reading LRT-1, magpapatupad ng tatlong weekends na suspensyon sa operasyon

Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na sisimulan na nila ang shingles vaccination drive na libreng isasagawa ng lokal na pamahalaan. Layon aniya nito na maprotektahan ang mga immunocompromised at senior Makatizens. Ayon kay Binay, mahalagang bahagi ang nasabing vaccine drive para sa kanilang tuloy-tuloy na hakbang na matiyak ang kaligtasan at maayos na kalusugan… Continue reading Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

One visa policy para sa buong ASEAN region, suportado ng DOT

Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco na interesado ang Pilipinas na makibahagi sa pinaplantsang liberalisasyon ng visa policies sa mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nation o ASEAN. Ayon kay Frasco kabilang sa inaasahang ipatutupad sa ilalim ng visa liberalization ay ang one visa policy sa nasabing mga bansa. Sa pamamagitan aniya… Continue reading One visa policy para sa buong ASEAN region, suportado ng DOT