PRO-MIMAROPA director, pinangunahan ang surprise drug test ng 42 opisyal ng PNP sa rehiyon

Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria ang surprise drug test sa 42 matataas na opisyal ng PNP sa rehiyon. Ang surprise drug test ay isinagawa kahapon kasunod ng command conference sa PRO-MIMAROPA Regional Headquarters sa Camp Navarro, Calapan Oriental Mindoro. Sa isang statement, sinabi ni BGen. Doria… Continue reading PRO-MIMAROPA director, pinangunahan ang surprise drug test ng 42 opisyal ng PNP sa rehiyon

4Ps cash grant na umano’y kinolekta ng Socorro ‘cult’, pinaiimbestigahan na ni DSWD Sec. Gatchalian

Ipinag-utos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang imbestigasyon sa mga ulat na kinokolekta ng isa umanong kulto sa Surigao del Norte ang cash grant ng ahensya sa mga miyembro nitong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Kasunod ito ng ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros sa isang Socorro… Continue reading 4Ps cash grant na umano’y kinolekta ng Socorro ‘cult’, pinaiimbestigahan na ni DSWD Sec. Gatchalian

Ilang mambabatas, suportado ang nakatakdang paggawad ng amnestiya sa rebel figters

Suportado ng mga mambabatas ang inaasahang paggawad ng pamahalaan ng amnestiya sa mga dating rebelde, kabilang ang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Ayon kay Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, ipinapakita lang nito ang hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang kapayapaan sa bansa… Continue reading Ilang mambabatas, suportado ang nakatakdang paggawad ng amnestiya sa rebel figters

Super Health Center, binuksan sa San Mateo, Rizal

Pinangunahan ni Senate Committee on Health Chairperson Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ng expansion ng Super Health Center sa San Mateo, Rizal ngayong araw. Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng San Mateo gayundin ng Pistang Bayan. Sinalubong siya ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie… Continue reading Super Health Center, binuksan sa San Mateo, Rizal

DND, nagpasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng MUP Pension Bill sa ikalawang pagbasa

Ikinalugod ng Department of National Defense ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System Bill. Sa isang statement na inilabas ni DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, ipinaabot ng kagawaran ang pasasalamat sa kongreso sa kanilang pakikinig sa alalahanin ng defense sector. Espesyal na pinasalamatan si House Speaker Ferdinand Martin G.… Continue reading DND, nagpasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng MUP Pension Bill sa ikalawang pagbasa

₱500 tax registration para sa BSKE candidates, hiniling na alisin

Hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa Comelec na makipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue kaugnay sa requirement nito na tax registration para sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay Daza, pabigat lang ang binabayarang ₱500 ng BSKE candidates, lalo na ang mga kabataan para sa naturang tax registration.… Continue reading ₱500 tax registration para sa BSKE candidates, hiniling na alisin

‘Oplan Pag-Abot’ ng DSWD, nagpapatuloy

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Department of Social Welfare and Development ng mga reach-out operations sa ilalim ng Oplan Pag-Abot. Nitong Miyerkules, muling nag-ikot sa Pasay City ang mga social worker ng DSWD para hanapin ang mga mga kabataan, mga indibidwal at mga pamilyang nasa lansangan. Nagsagawa ng assesssment ang DSWD sa mga ito… Continue reading ‘Oplan Pag-Abot’ ng DSWD, nagpapatuloy

Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Nasa 128 biktima ng trafficking-in-persons ang nasagip ng mga tauhan ng Ministry of Social Services and Development o MSSD Sulu kahapon sa tulong ng mga tauhan mula sa 7th Special Action Battalion, Women’s and Children Protection Center Mindanao Field Unit, Criminal Investigation Detection Provincial Group Field Unit, WCPD Sulu PPO, 1st at 2nd Mobile Force… Continue reading Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Superintendent ng Davao Prison and Penal Farm, sinibak sa puwesto matapos makatakas ang isang PDL

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagsibak sa puwesto sa superintendent ng Davao Prison and Penal Farm. Ito’y ayon kay Catapang ay kasunod na rin ng nangyaring pagtakas ng isang Person Deprived of Liberty o PDL na kinilalang si Jundee Caño noong Setyembre 13. Ayon kay Catapang,… Continue reading Superintendent ng Davao Prison and Penal Farm, sinibak sa puwesto matapos makatakas ang isang PDL

PRC, namahagi ng hotmeals sa mga residente na nasalanta ng nagdaang bagyo

Patuloy ang operasyon ng Philippine Red Cross o PRC sa lalawigan ng Abra. Ito ay ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay at Bagyong Falcon sa lugar. Kaugnay nito ay nagtungo ang mga volunteer at staff ng PRC sa Sta. Rosa Elementary School at Sinapangan Elementary School upang magbigay ng hot meals sa mga… Continue reading PRC, namahagi ng hotmeals sa mga residente na nasalanta ng nagdaang bagyo