PRO-11 regional director, kinumpirma na nasa compound ng KOJC si Pastor Quiboloy

Nasa loob pa rin ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City si Pastor Apollo Quiboloy na may mga outstanding warrant of arrest sa kasong child abuse and exploitation at human trafficking. Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director Police Brig. General Nicolas Torre III, sa isang ambush interview… Continue reading PRO-11 regional director, kinumpirma na nasa compound ng KOJC si Pastor Quiboloy

‘Murang Bigas @29’, inilunsad sa National Irrigation Administration

Umarangkada na rin ang bentahan ng abot-kayang bigas sa National Irrigation Administration. Kasunod ito ng paglulunsad ng P29 na kada kilong bigas na bunga ng Rice Contract Farming Program ng ahensya. Sa ilalim nito, direktang sinuportahan ang nasa 40,000 ektarya ng sakahan sa layuning mapalago ang lokal na produksyon at kita ng mga magsasaka. Bukod… Continue reading ‘Murang Bigas @29’, inilunsad sa National Irrigation Administration

SUV, nagliyab sa Ortigas flyover

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA Northbound partikular na sa bahagi ng Ortigas – Mandaluyong. Ito’y matapos isara ang isang lane sa westbound lane ng Ortigas flyover patungong Greenhills sa San Juan City dahil sa nagliyab na SUV sa lugar. Batay sa ulat ng BFP-NCR, nagsimula ang sunog dakong 9:10… Continue reading SUV, nagliyab sa Ortigas flyover

BFAR-10, namahagi ng 7k Bangus fingerlings sa isang asosasyon ng mangingisda sa Baliangao, Misamis Occidental

Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 10 sa pamamagitan ng Provincial Fisheries Office of Misamis Occidental (PFO-MisOcc) ng kabuuang bilang na 7,000 Bangus fingerlings sa Baliangao Fisherfolk Association (BAFA) sa Northern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental kamakailan. Pinakawalan ito gamit ang 10×10 metro na bamboo fish cage na magsisilbing tirahan ng mga isda… Continue reading BFAR-10, namahagi ng 7k Bangus fingerlings sa isang asosasyon ng mangingisda sa Baliangao, Misamis Occidental

Philippine Embassy, may paalala sa mga OFW na apektado ng sitwasyon sa Lebanon

Bunsod ng patuloy na giyera at walang kasiguraduhang sitwasyon sa Lebanon, naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Lebanon ng mga requirement para sa mga Pilipino na mabibigyan ng tulong. Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga makakatanggap ng welfare assistance ay ang mga nakatira sa Lebanon. Dapat din ay may valid Philippine… Continue reading Philippine Embassy, may paalala sa mga OFW na apektado ng sitwasyon sa Lebanon

LTO, palalawakin ang e-Patrol Services sa mga barangay sa buong bansa

Palalawakin na ng Land Transportation Office ang coverage ng kanilang Mobile Services sa buong bansa. Ang hakbang na ito ng LTO ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa publiko. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, isinasapinal na lamang nila ngayon ang strategic deployment ng… Continue reading LTO, palalawakin ang e-Patrol Services sa mga barangay sa buong bansa

Resolusyon na kumikilala at maggagawad ng Congressional Medal kay Carlos Yulo, inihain sa Kamara

Inihain ngayon ni Abra Lone District Rep. Ching Bernos ang House Resolution 1839 na kumikilala at nagpapaabot ng pagbati kay Carlos Yulo. Tinukoy sa resolusyon ang pagkapanalo ni Yulo sa Men’s Artistic Floor Exercise at Vault competition kung saan nanguna siya at nakasungkit ng dalawang magkasunod na gintong medalya para sa Pilipinas. Ipinunto ni Bernos… Continue reading Resolusyon na kumikilala at maggagawad ng Congressional Medal kay Carlos Yulo, inihain sa Kamara

Rice inflation, bumaba nitong Hulyo — PSA

Sa kabila ng pagbilis ng inflation, bumagal naman ang rice inflation sa bansa. Sa tala ng Philippine Statistics Authority, mula sa 22.5% noong Hunyo ay bumagal sa 20.9% ang rice inflation nitong Hulyo. Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, tuloy-tuloy rin ang naitatala nitong pagbaba sa presyo ng regular, well-milled pati… Continue reading Rice inflation, bumaba nitong Hulyo — PSA

Karagdagang suplay ng bigas para sa presyong P29, inihahanda na ng NIA

May mga bagong aning bigas na ang National Irrigation Administration para ibenta sa KADIWA Stores sa halagang P29 kada kilo. Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ang nasabing bigas ay bunga ng programa na isinusulong ng NIA na ‘Rice Contract Farming’. Nire-repack at inihahanda na ng NIA Cavite-Batangas at NIA Quezon Irrigation Management Offices ang… Continue reading Karagdagang suplay ng bigas para sa presyong P29, inihahanda na ng NIA

Pagbibigay ng lifetime pension para sa mga atletang Pilipino, inaaral na ng Kamara

Plano ng Kamara na magbigay ng pangmatagalang benepisyo para sa lahat ng atletang Pilipino. Ito ang tinuran ni House Speaker Martin Romualdez kasunod na rin ng makasaysayang 2-time gold medal win ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics. Ayon sa lider ng Kamara, hindi lang basta insentibo o reward sa kanilang… Continue reading Pagbibigay ng lifetime pension para sa mga atletang Pilipino, inaaral na ng Kamara