Special Investigation Task Group sa pagpatay sa abugado sa Bangued, Abra, binuo ng PNP

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang kaso ng pamamaril at pagpatay kahapon kay Atty. Maria Sanita Liwlia Gonzales Alzate sa Bangued, Abra. Ayon kay Abra Provincial Police Office (PPO) Director Police Col. Froiland Lopez, nagsagawa na sila ng case conference sa pagpaptuloy ng imbestigasyon sa kaso. May… Continue reading Special Investigation Task Group sa pagpatay sa abugado sa Bangued, Abra, binuo ng PNP

Sunog, sumiklab sa isang pribadong eskwelahan sa Cubao, QC

Natupok ang isang pribadong eskwelahan sa 12th Ave., Barangay Socorro, Cubao, Quezon City ngayong umaga. Sa inisyal na ulat ng BFP, mabilis na umakyat sa ikalawang alarma ang sunog sa Starland International School na sumiklab mag-aalas-9 ngayong umaga. Wala namang naitalang nasaktan sa mga estudyante at faculty ng naturang eskwelahan dahil nailabas agad ang mga… Continue reading Sunog, sumiklab sa isang pribadong eskwelahan sa Cubao, QC

Pulis na security sa kongreso, inaresto ng IMEG

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na naka-assign sa kongreso, dahil sa kasong rape. Kinilala ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Kemberly Cyd Cela na naka-assign bilang security police sa House of Representatives. Siya ay naaresto nitong Martes… Continue reading Pulis na security sa kongreso, inaresto ng IMEG

Paggamit ng DICT ng confidential fund nitong mga nakalipas na taon, kailangang pag-aralang mabuti — Sen. Grace Poe

Binigyang diin ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe ang kahalagahan ng pagpapalakas ng countermeasure ng bansa kontra sa mga scam at cybercriminal. Ginawa ni Poe ang pahayag na ito kasunod ng paghingi ng DICT ng 300 million pesos na confidential fund para malabanan ang paglaganap ng mga scammer. Pero kasabay nito,… Continue reading Paggamit ng DICT ng confidential fund nitong mga nakalipas na taon, kailangang pag-aralang mabuti — Sen. Grace Poe

Mga eksperto, sang-ayon sa pagbuo ng mapa ng maritime territory at EEZ ng Pilipinas

Suportado ng mga eksperto ang pagbuo ng Pilipinas ng sarili nitong mapa ng maritime territories. Ayon kay Southeast Asia expert Dir. Gregory Poling ng Southeast Asia Program and Asia Maritime Transparency Initiative sa organizational meeting ng Special Senate Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, dahil sa mas nagiging agresibong aksyon at harassment ng China,… Continue reading Mga eksperto, sang-ayon sa pagbuo ng mapa ng maritime territory at EEZ ng Pilipinas

DPWH, dapat maging proactive sa pagtitiyak na matibay at ligtas ang mga public infra sa bansa — Sen. Bong Revilla

Nais ni Senate Committee on Public Works Chairperson Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ipatawag at pagpaliwanagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa kahandaan ng Pilipinas sa posibilidad ng pagtama ng malakas na lindol sa bansa, lalo na ang pinangangambahan na ‘the big one’ sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng… Continue reading DPWH, dapat maging proactive sa pagtitiyak na matibay at ligtas ang mga public infra sa bansa — Sen. Bong Revilla

DBM, tiniyak na hindi nalabag ang appropriations power ng Kamara kaugnay ng P125-M na pondong inilabas para sa OVP

Kinumpirma ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na nagpadala ng liham si DBM Sec. Amenah Pangandaman upang ipaliwanag ang naging paglalabas ng nasa P125 milyong pondo sa Office of the Vice President noong 2022. Ayon kay Co, sa naturang sulat ay nilinaw ng kalihim na hindi nalabag ang power of the purse ng Kongreso sa… Continue reading DBM, tiniyak na hindi nalabag ang appropriations power ng Kamara kaugnay ng P125-M na pondong inilabas para sa OVP

Mga rice retailer sa lungsod ng Valenzuela, bibigyan ng 3 buwang ayuda sa renta ng LGU

Tatlong buwang ayuda sa renta ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod. Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isinagawang payout ngayong araw. Bukod pa ito sa natanggap na P15,000 na ayuda ng mga rice retailer mula sa Department of Social Welfare… Continue reading Mga rice retailer sa lungsod ng Valenzuela, bibigyan ng 3 buwang ayuda sa renta ng LGU

Mahigit P1.2-M halaga ng cash assistance, ipinamamahagi sa rice retailers sa Masbate na apektado ng EO 39

Umabot sa P1,245,000 ang kabuuang halaga ng ipinamamahaging rice subsidy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V, para sa 83 micro rice retailers sa lalawigan ng Masbate na apektado ng ipinatupad na Executive Order no. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Social Marketing Officer… Continue reading Mahigit P1.2-M halaga ng cash assistance, ipinamamahagi sa rice retailers sa Masbate na apektado ng EO 39

Rice retailers sa Catanduanes, nakatanggap na ng ayuda

Nagsimula nang makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang unang batch ng rice retailers sa Catanduanes na tumatalima sa inilabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isinagawa ang payout ngayong hapon, Setyembre 14 sa Virac Plaza Rizal, sa pangunguna ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)… Continue reading Rice retailers sa Catanduanes, nakatanggap na ng ayuda