Panghapong klase sa Taytay, Rizal, suspendido na

Suspendido na rin ang panghapong klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal. Batay ito sa anunsyo ng lokal na pamahalaan matapos magdeklara ng Yellow Rainfall Warning ang PAGASA kaninang alas-10 ng umaga. Ayon kay Taytay Mayor Allan de Leon, nakasalig ito sa nilagdaan niyang… Continue reading Panghapong klase sa Taytay, Rizal, suspendido na

Isang linggong palugit sa pagpapatupad ng price cap sa bigas, iminungkahi ng SINAG

Iminungkahi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ipagpaliban muna ng isang linggo ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagtatakda ng price cap sa bigas. Sa panayam sa media, sinabi ni SINAG Executive Dir. Jayson Cainglet na umaasa itong mabigyan pa ng sapat na panahon ang… Continue reading Isang linggong palugit sa pagpapatupad ng price cap sa bigas, iminungkahi ng SINAG

MMDA, umapela sa mga tindero sa palengke na sundin ang itinakdang price cap sa bigas

Nakatakdang pulungin ng 17 Local Chief Executives ang mga market administrator sa kani-kanilang nasasakupan gayundin ang iba’t ibang stakeholders. Ito’y para sa pagpapatupad ng Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtatakda ng price cap sa bigas sa buong bansa epektibo bukas, ika-5 ng Setyembre. Kasunod nito, nagpaalala ang Metropolitan Manila Development… Continue reading MMDA, umapela sa mga tindero sa palengke na sundin ang itinakdang price cap sa bigas

Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River sa kabila ng walang patid na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na magdamag hanggang nitong umaga. Batay sa monitoring ng Marikina City Rescue 161, nasa 14.8 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River o nasa dalawang pulgada na lang bago ang 15 meters o unang… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Pinapasauli ng Philippine National Police ang natanggap na retirement pay ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PBGen. Nino David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, na mahigit sa P500,000 ang dapat isauli ni Gonzales.… Continue reading Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, umakyat na sa 25 milyon — DepEd

Tumaas pa ang bilang ng mga estudyante ang nag-enroll para sa School Year 2023-2024. Ayon sa Department of Education o DepEd, umabot na sa 25.1 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang ngayong September 4. Pinakamarami ang… Continue reading Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, umakyat na sa 25 milyon — DepEd

MMDA, naglabas ng listahan ng mga binahang lugar sa NCR; publiko, pinaiiwas

Pinaiiwas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko sa mga binahang lansangan sa Metro Manila ngayong umaga bunsod ng walang patid na pag-ulang dala ng habagat As of 9AM, ilan sa mga binahang lansangan ay ang Roxas Boulevard sa bahagi ng Pedro Gil sa Maynila kung saan ‘gutter deep’ na ang taas ng… Continue reading MMDA, naglabas ng listahan ng mga binahang lugar sa NCR; publiko, pinaiiwas

Dalawang suspek sa illegal detention at robbery extortion sa Pasay City, arestado

Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police hinggil sa illegal detention at robbery extortion sa isang Chinese na ikinulong sa isang hotel sa Pasay City. Ang kasama ng naturang Chinese national ay tumungo sa tanggapan ng station 3 ng Libertad Pasay Police precinct upang isumbong ang naturang insidente. Nahuli ang dalawang… Continue reading Dalawang suspek sa illegal detention at robbery extortion sa Pasay City, arestado

Higit 200k mag-aaral, balik full face-to-face classes sa Zamboanga City

Nakapagtala ang Department of Education (DEPED) Schools Division ng aabot sa 214,506 na mga estudyante na naka-enrol sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Zamboanga City para sa school year 2023-2024. Mula sa nasabing bilang, 188,711 na mga mag-aaral ang mula sa pampublikong paaralan na bumalik sa face-to-face classes noong Martes, ika-29 ng Agosto, na siya… Continue reading Higit 200k mag-aaral, balik full face-to-face classes sa Zamboanga City

Sen. JV Ejercito, nanawagan sa MMDA na ayusin ang sistema sa trapiko para maiwasan ang road rage incidents

Hinikayat ni Senador JV ejercito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan ang mga maaaring gawing polisiya para epektibong maipatupad ang ‘road sharing’ sa EDSA at iba pang mga lansangan sa buong bansa. Ito ay para maiwasan na aniya ang mga ‘road rage’ na tila napapadalas nitong mga nakalipas na panahon. Iminumungkahi ni Ejercito… Continue reading Sen. JV Ejercito, nanawagan sa MMDA na ayusin ang sistema sa trapiko para maiwasan ang road rage incidents