Finance Sec. Diokno, nais nang mawala ang POGO sa bansa

Naniniwala si Finance Sec. Benjamin Diokno na hindi na dapat pang mamalagi sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Diokno na walang malaking epekto sa kita ng pamahalaan sakaling tuluyang matuldukan ang POGO sa bansa. Paliwanag ng opisyal, mas malaki ang “reputational risk” sa bansa ng… Continue reading Finance Sec. Diokno, nais nang mawala ang POGO sa bansa

Philippine Customs Lab, planong buhayin ng BOC

Planong buhayin ng Bureau of Customs o BOC ang operasyon ng Philippines Customs Laboratory o PCL. Ito ay para sa mas maayos at tamang “analysis” ng mga produktong-kemikal na pumapasok sa ating bansa, at upang matukoy ang nararapat na buwis para sa mga imported na produkto. Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagbuhay sa… Continue reading Philippine Customs Lab, planong buhayin ng BOC

500 sambahayan mula sa Bulacan. nagtapos na sa 4Ps

Aabot sa 562 benepisyaryo ng DSWD sa Plaridel, Bulacan ang nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian at Plaridel Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje ang Pugay Tagumpay ceremonial graduation ng mga ito sa Don Caesareo San Diego, Brgy. Poblacion, bilang pagkilala sa mga pamilyang natulungan ng ahensya. Sa… Continue reading 500 sambahayan mula sa Bulacan. nagtapos na sa 4Ps

Desisyon ng SC hinggil sa ‘constitutionality’ ng pagpapaliban ng BSKE, welcome sa Albay Solon

Welcome para kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang RA 11935 o pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Aniya ang desisyong ito ng Korte Suprema ay nagpapatunay na tama ang kanilang pagtutol sa naturang batas dahil sa labag ito sa ating Saligang Batas. Paalala ng… Continue reading Desisyon ng SC hinggil sa ‘constitutionality’ ng pagpapaliban ng BSKE, welcome sa Albay Solon

Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Binuksan ngayong umaga ang 1st Seafarers Job Fair 2023 sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong City bilang bahagi ng selebrasyon ng Day of the Seafarer. Nasa higit 1,500 job vacancies ang alok ng locally-based 25 manning agencies. Kabilang na rito ang trabaho sa mga traditional vessel gaya ng tanker, container, at cargo.… Continue reading Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Bilang ng mga ipinade-deploy na marino, pabalik na sa pre-pandemic level — DMW

Unti-unti nang nakakabalik sa pre-pandemic levels ang bilang ng deployed seafarers. Base sa tala ng Department of Migrant Workers, nasa 385,239 na mga Pilipinong marino ang nakapaglayag noong 2022. Noong 2019, umabot ito sa 507,730 subalit bumaba sa 217,223 noong 2020 kung kailan unang kumalat ang COVID-19. Umaasa si DMW Usec. Hans Leo Cacdac na… Continue reading Bilang ng mga ipinade-deploy na marino, pabalik na sa pre-pandemic level — DMW

DOTr, iginiit na walang pinaboran na kumpanya sa pagbili ng plastic cards para sa driver’s license

Iginiit ng Department of Transportation o DOTr na walang pinaboran na kumpanya sa nangyaring procurement process o pagbili ng driver’s license plastic cards. Ito ay matapos ang mga pagpapahiwatig na nagkaroon ng pagpabor sa isang kumpanya para mai-award ang kontrata sa pag-deliver ng mahigit limang milyong plastic cards. Ayon kay Transportation Undersecretary for Administration and… Continue reading DOTr, iginiit na walang pinaboran na kumpanya sa pagbili ng plastic cards para sa driver’s license

DAR, namahagi ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa ARBOs sa Kalinga

Higit sa ₱48-M halaga ng farm machinery and equipment (FME) ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 24 agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Kalinga. Pinangunahan mismo ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng benepisyo sa mga ARBO ng Kalinga sa pagdiriwang ng 73rd Founding Anniversary ng Tabuk.… Continue reading DAR, namahagi ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa ARBOs sa Kalinga

Panukalang pagbabago sa MVUC rates, nakatakdang talakayin sa Kamara sa pagbabalik sesyon

Sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ay tatalakayin ng Ways and Means Committee ng Kamara ang pagtataas sa motor vehicle user’s charges (MVUC). Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chair ng komite, mayroon nang apat na panukala para i-update ang MVUC upang madagdagan ang pondo pampagawa ng kalsada. Uunahin aniya ng komite na dinggin ito kaysa… Continue reading Panukalang pagbabago sa MVUC rates, nakatakdang talakayin sa Kamara sa pagbabalik sesyon

Mga naiwang anak ng mga OFW, pinabibigyang proteksyon

Itinutulak ni OFW Partylist Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino na bigyang proteksyon ang mga naiwang anak ng mga OFW. Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 8560, titiyaking hindi mapapabayaan ang mga anak ng mga OFW habang sila ay nagta-trabaho sa ibang bansa. Nakapaloob dito na ang isang solo-parent, mag-asawa, o live-in partner na parehong… Continue reading Mga naiwang anak ng mga OFW, pinabibigyang proteksyon