Maimbung, Sulu, selyado na ng militar kasunod ng bakbakan sa pagitan ng grupo ng dating vice mayor laban sa PNP at AFP

Selyado na ng militar ang Maimbung, Sulu kasunod ng bakbakan nitong Sabado sa Brgy. Bualo Lipid , sa pagitan armadong grupo ni dating Maimbung Vice mayor Pando Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant. Ayon kay 1101st Infantry Brigade Commander Brig. General Eugenio Boquio, ang pag… Continue reading Maimbung, Sulu, selyado na ng militar kasunod ng bakbakan sa pagitan ng grupo ng dating vice mayor laban sa PNP at AFP

NEDA, binigyang pagkilala ang kontribusyon ng DAP sa pagpapaunlad ng bansa

Binigyang pagkilala ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga kontribyusyon ng Development Academy of the Philippines sa pagpapaunlad ng bansa. Sa Ika-50 anibersaryo ng Development Academy of the Philippines, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na napakahalaga ng gampanin ng DAP sa pagpapaunlad ng bansa dahil sa kanilang direksyon at programa partikular… Continue reading NEDA, binigyang pagkilala ang kontribusyon ng DAP sa pagpapaunlad ng bansa

Mahigit pisong taas sa presyo ng diesel at kerosene, kasado na bukas

Aarangkada na ang panibagong yugto ng taas presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Hunyo 27. ₱1.05 ang umento sa kada litro ng diesel habang maliit lang ang umento sa kada litro ng gasolina na nasa ₱0.20. Epektibo, 6 am bukas, ipatutupad ng mga kumpaniyang Pilipinas Shell at SeaOil ang kanilang price adjustment habang 4:01 pm… Continue reading Mahigit pisong taas sa presyo ng diesel at kerosene, kasado na bukas

PCA, humirit ng dagdag na ₱11-B pondo para mapalago ang industriya ng pagniniyog sa bansa

Humihiling ng karagdagang ₱11-B pondo ang Philippine Coconut Authority sa Department of Budget and Management para mapalago pa ang industriya ng pagniniyog sa bansa. Ito ay sa gitna ng bumababa nang produksyon ng mga taniman ng niyog sa bansa na nagiging hamon ngayon sa industriya. Marami kase aniyang mga niyog sa bansa ang matatanda na… Continue reading PCA, humirit ng dagdag na ₱11-B pondo para mapalago ang industriya ng pagniniyog sa bansa

Mga empleyado ng DAR, matatanggap na ang kanilang peformance-based bonus

Matatanggap na ngayong linggo ng mga empleyado ng Department of Agrarian Reform ang kanilang performance-based bonus. Inanunsyo ito ni DAR Secretary Conrado Estrella III, bilang pasasalamat sa lahat ng empleyado na nagsumikap lalo na sa kasagsagan ng pandemya noong 2021. Ang performance-based bonus ay isang insentibo na ibinibigay upang gantimpalaan ang mga empleyado ng pamahalaan… Continue reading Mga empleyado ng DAR, matatanggap na ang kanilang peformance-based bonus

Mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Maimbung, pinayuhan ng PNP na ‘wag munang bumalik

Pinayuhan ng Philippine National Police ang mga residente ng Brgy. Bualo Lipid, Maimbung Sulu na nagsilikas dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan at armadong grupo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan, na huwag munang bumalik sa lugar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, ito’y… Continue reading Mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Maimbung, pinayuhan ng PNP na ‘wag munang bumalik

Mga dating accomplishment ng mga pulis na sangkot sa pagkarekober ng 990 kilo ng shabu, nirerebyu ng PNP

Muling sinisiyasat ngayon ng PNP ang mga dating operasyon na kinabilangan ng mga pulis na sangkot sa maanomalyang pagkarekober ng 990 kilo ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, layon ng review na madetermina kung nagkaroon din ng anomalya sa kanilang mga nakalipas na operasyon. Matatandaang nabigyan… Continue reading Mga dating accomplishment ng mga pulis na sangkot sa pagkarekober ng 990 kilo ng shabu, nirerebyu ng PNP

DepEd, iginiit na ang paghingi ng listahan ng mga guro ay para sa pagsasaayos ng automatic payroll deduction

Itinanggi ng Department of Education o DepEd ang umano’y red-tagging sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT. Kasunod ito ng inilabas na memorandum ng ahensya na nagpapa-sumite ng listahan ng mga gurong kasapi ng ACT. Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, malinaw na nakasaad sa memoramdum na ang hinihihinggi na listahan… Continue reading DepEd, iginiit na ang paghingi ng listahan ng mga guro ay para sa pagsasaayos ng automatic payroll deduction

Apat na menor de edad na biktima ng online sexual abuse, nasagip sa lungsod ng Taguig

Nasagip ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center at City Social Welfare and Development Office ang apat na menor de edad na biktima ng online sexual abuse sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong nakaraang linggo. Sumailalim sa physical at medico-legal examination ang mga biktima at sinamahan ng social worker sa Camp… Continue reading Apat na menor de edad na biktima ng online sexual abuse, nasagip sa lungsod ng Taguig

‘Integration’ ng dating MILF at MNLF fighters sa PNP, pinuri ni OPAPRU Sec. Galvez

Pinuri ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang “integration” sa Philippine National Police ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bilang testamento ng commitment ng pamahalaan sa Bangsamoro Peace Process. Ayon kay Galvez, ang pagpasok ng… Continue reading ‘Integration’ ng dating MILF at MNLF fighters sa PNP, pinuri ni OPAPRU Sec. Galvez