DMW at Saudi Arabia, palalakasin ang kooperasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga OFW

Nakipagpulong sina Migrant Workers Secretary Susan Ople at iba pang opisyal ng Department of Migrant Workers o DMW sa delegasyon mula sa Kingdom of Saudi Arabia na Takamol Musaned Company. Ayon sa DMW, layon nitong mapaigting ang pakikipagtulungan sa paggamit ng teknolohiya para sa ease of doing business at mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa… Continue reading DMW at Saudi Arabia, palalakasin ang kooperasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga OFW

IPOPHL, inimbitahan ang multinational conglomerate na suportahan ang laban kontra peke at pirated na mga produkto

Inimbitahan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang Swedish multinational conglomerate na IKEA na samahan ang ibang brand owners na lumagda bilang pagsuporta sa Memorandum of Understanding na bubuo ng code of practice sa laban kontra peke at pirated goods sa internet. Pinasinayaan ng Digital Phililippines e-Commerce Division ang pulong kasama ang IPOPHL nang… Continue reading IPOPHL, inimbitahan ang multinational conglomerate na suportahan ang laban kontra peke at pirated na mga produkto

Mga baybaying dagat na nananatiling positibo sa red tide toxin, mangilan-ngilan na lang — BFAR

Limitado na lang sa apat na baybaying dagat sa Visayas at Mindanao ang apektado ng toxic red tide. Ito’y batay sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Ayon kay BFAR Director Demosthenes Escoto, ang mga baybaying dagat na nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison ay ang Dauis at Tagbilaran… Continue reading Mga baybaying dagat na nananatiling positibo sa red tide toxin, mangilan-ngilan na lang — BFAR

Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng tatlong istasyon ng MMDA Pasig River Ferry Service ngayong araw. Batay sa abiso na inilabas ng MMDA, ito ay dahil sa nasirang pontoon o bangka at low tide. Kabilang sa mga istasyon ng Pasig River Ferry Service na tigil ang operasyon ay ang Valenzuela, PUP, at Maybunga. Samantala, regular pa… Continue reading Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Dating Senador Rodolfo Biazon, naihimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Nailibing na ngayong tanghali ang mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon sa Libingan ng mga Bayani kung saan siya ay binigyan ng full military honors. Pagdating ng labi ng dating senador ay binigyan ito ng arrival honors kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya at binigyan ng 19-gun salute. Sinundan ito ng funeral march… Continue reading Dating Senador Rodolfo Biazon, naihimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52

Tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID- 19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa higit 200 na lang . Ayon sa OCTA Research, mula sa 89 average daily cases bumaba na ito sa 52 kaso batay sa huling tala sa lungsod. Nakitaan na rin ng pagbaba ng positivity rate sa 11.3% mula sa… Continue reading Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52

Pilot testing ng ‘impact-based forecasting and warning system’, sinimulan na ng PAGASA sa Metro Manila at Cebu

Ngayong sunod-sunod na ang mga pag-ulan sa bansa ay ipinunto ng PAGASA ang kahalagahan ng pagkakaroon ng early warning system para maagang matugunan ang mga tumatamang bagyo at iba pang extreme weather disturbances. Kaugnay nito, inilunsad ng PAGASA ang ‘impact based forecasting and warning system’ na layong maipabatid sa publiko ang science-based scenarios na posibleng… Continue reading Pilot testing ng ‘impact-based forecasting and warning system’, sinimulan na ng PAGASA sa Metro Manila at Cebu

Diskwento para sa mge estudyante, senior citizen at PWD, dapat tiyakin sa oras na ipatupad ang fare increase sa tren

Suportado ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera ang ipatutupad na taas pasahe ng LRT lines 1 at 2. Aniya, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang financial stability ng operasyon ng LRT. Ngunit paalala nito na dapat tiyaking maibibigay ang nararapat na 20% discount para sa mga estudyante, senior citizens at… Continue reading Diskwento para sa mge estudyante, senior citizen at PWD, dapat tiyakin sa oras na ipatupad ang fare increase sa tren

DTI, nakipag-ugnayan na sa FDA kasunod ng planong pagpapatigil sa pagbebenta ng lato-lato

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Trade and Industry o DTI sa Food and Drug Administration o FDA upang alamin kung may inilabas na itong certificate of product registration sa mga laruang “lato-lato”. Ito ang inihayag ni DTI Consumer Protection Group Usec. Ruth Castelo kasunod ng pahayag na nais na nilang ipagbawal ang pagbebenta ng popular… Continue reading DTI, nakipag-ugnayan na sa FDA kasunod ng planong pagpapatigil sa pagbebenta ng lato-lato

Dalawang milyong pabuya sa pagdakip kay Bantag, malaking tulong sa PNP

Malaking tulong sa PNP ang pabuyang inalok ng Department of Justice (DOJ) sa pagdakip kay Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta na suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo dahil sa pabuya ay inaasahan nila na may lulutang na… Continue reading Dalawang milyong pabuya sa pagdakip kay Bantag, malaking tulong sa PNP