Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng Calatagan sa Batangas ngayong umaga lang. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 10:19 AM naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 4km timog kanluran ng Calatagan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 103 kilometro sa lupa. Naramdaman… Continue reading Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa tulong ng UAE sa mga apektadong residente ng Albay

Personal na pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang United Arab Emirates (UAE) sa kanilang suporta sa Pilipinas at sa napapanahong assistance na ipinadala ng kanilang bansa para sa mga apektadong pamilya sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. “Thank you very much. I cannot go further without thanking the UAE for the very timely assistance… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa tulong ng UAE sa mga apektadong residente ng Albay

PNP, nanindigang gumagana ang kanilang sistema ng pagdisiplina sa mga tiwaling pulis

Nanindigan ang Philippine National Police na gumagana ng maayos ang kanilang sistema ng pagdidisiplina para maparusahan ang iilang lumalabag sa batas sa kanilang hanay. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan na patunay nito ang pagkakatanggal sa serbisyo ng 836 at pagkakasuspindi ng 1,703 pulis na napatunayang… Continue reading PNP, nanindigang gumagana ang kanilang sistema ng pagdisiplina sa mga tiwaling pulis

Cash-for-Work program para sa evacuees sa Albay, handang suportahan ng Office of the House Speaker

Nakakuha ng commitment si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda mula mismo kay House Speaker Martin Romualdez para sa pagpapatupad ng cash for work program sa evacuees sa Albay. Ayon kay Salceda humiling siya ng tulong kay Speaker Romualdez sa pagpapatupad ng DOLE-TUPAD. Kailangan rin kasi aniya ng suporta para sa mga residente na naapektuhan… Continue reading Cash-for-Work program para sa evacuees sa Albay, handang suportahan ng Office of the House Speaker

Digitalization sa industriya ng turismo, isinusulong ng DOT

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na walang maiiwan sa kanilang hangaring ma-digitalize na ang buong industriya ng turismo sa bansa Ito ang inihayag ni Tourism Sec. Ma. Christina Frasco makaraang pulungin nito ang iba’t ibang stakeholder tulad ng mga kinatawan ng hotel, tour operator at tourist transport provider. Tinalakay sa pagpupulong ang kanilang assessment… Continue reading Digitalization sa industriya ng turismo, isinusulong ng DOT

Mga polisiya tungo sa pag-angat ng agri-sector, inilatag ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries

Sa pagdiriwang nito ng ika-10 anibersaryo, ibinida ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mga policy reform na itinataguyod nito para mai-angat ang agri at fisheries sector sa bansa. Ang PCAF ay ang itinuturing na policy-making arm ng Department of Agriculture na nakatutok sa pagbibigay ng boses sa mga agri-fishery stakeholder para mapalawak… Continue reading Mga polisiya tungo sa pag-angat ng agri-sector, inilatag ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries

Pre-screening para sa pagkuha ng bago at renewal ng pasaporte sa ‘Passport On Wheels’ sinimulan na sa Navotas

Nagsimula na ang pre-screening para sa aplikasyon ng pagkuha at pag-renew ng pasaporte sa lungsod ng Navotas. Ayon sa Navotas City government, sa darating na Agosto 15, muli na namang dadayo sa lungsod ang Passport On Wheels ng Department of Foreign Affairs upang tumanggap ng application para sa pasaporte. Tatagal ang pre-screening hanggang Biyernes, Hunyo… Continue reading Pre-screening para sa pagkuha ng bago at renewal ng pasaporte sa ‘Passport On Wheels’ sinimulan na sa Navotas

Pagtatayo ng disaster food banks sa buong bansa, mai-aakyat na sa plenaryo

Posibleng matalakay na sa plenaryo ng Kamara sa pagbabalik sesyon ang panukalang magtatatag ng mga disaster food bank at stockpile sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 8463 o Disaster Food Bank and Stockpile Act, ay magtatayo ng imbakan ng food supplies na magagamit tuwing may kalamidad sa bawat probinsya at urbanized city. Sa… Continue reading Pagtatayo ng disaster food banks sa buong bansa, mai-aakyat na sa plenaryo

Kapakanan ng mga kabataan sa mga evacuation site sa Albay, tinututukan na rin ng DSWD

Bukod sa paghahatid ng relief goods ay sinisiguro rin ng Department of Social Welfare and Development na nasa maayos na sitwasyon ang mga kabataang inilikas sa mga evacuation center dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, nagsasagawa na rin ito ng mga hakbang upang masigurong mabibigayn ng emotional at psychological support ang mga… Continue reading Kapakanan ng mga kabataan sa mga evacuation site sa Albay, tinututukan na rin ng DSWD

Sunog sa San Antonio, Makati City, idineklara nang ‘fire out’

Idineklara nang fire-out kaninang alas-dose ng tanghali ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa may Bakawan corner Lumbayao Street sa Barangay San Antonio, Makati City. Tumagal ng halos anim na oras ang sunog na nagsimula sa ikaapat na palapag ng gusaling pag-aari ng isang Ruddy Tan kung saan matatagpuan ang yarn area.… Continue reading Sunog sa San Antonio, Makati City, idineklara nang ‘fire out’