Hustisya sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro, tiniyak ng PRO MIMAROPA

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Regional Director Police Brig. General Joel Doria na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin. Ito’y kasunod ng pamamaril at pagpatay ng dalawang suspek sa brodkaster ng DWXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio, kaninang 4:30 ng umaga… Continue reading Hustisya sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro, tiniyak ng PRO MIMAROPA

Panukalang batas na nagsusulong ng nuclear energy sa Pilipinas, naiakyat na sa plenaryo

Pormal nang nai-akyat sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8218 o panukalang pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM). Ang PhilATOM ay isang independent body na siyang magtatalaga ng mga regulasyon kasabay ng pagsusulong ng mapayapa, ligtas, at maayos na paggamit ng nuclear energy. Nakapaloob sa panukalang ito ang palalatag ng isang… Continue reading Panukalang batas na nagsusulong ng nuclear energy sa Pilipinas, naiakyat na sa plenaryo

2 NPA, patay sa engkwentro sa Occidental Mindoro

Ito’y matapos na makasagupa ng mga tropa ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ang tinatayang 10 miyembro ng teroristang grupo. Kinilala ang dalawang namatay na miyembro ng NPA na sina alyas HUNTER at alyas LIZA/ MAMAY na kabilang sa Main Regional Guerilla Unit (MRGU) ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC). Narekober ng mga tropa sa… Continue reading 2 NPA, patay sa engkwentro sa Occidental Mindoro

Itinutulak na imbestigasyon sa Senado kaugnay ng pagpapatigil sa operasyon ng Gentle Hands Inc., welcome sa DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinaplanong pag-iimbestiga ng senado kaugnay sa isyu ng pagpapataw nito ng cease-and-desist order sa Gentle Hands Inc. na isang ampunan sa Quezon City. Kasunod ito ng inihaing resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros na Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para magkasa… Continue reading Itinutulak na imbestigasyon sa Senado kaugnay ng pagpapatigil sa operasyon ng Gentle Hands Inc., welcome sa DSWD

Lungsod ng Makati, nakatakdang maglunsad ng job fair sa ika-353 anibersaryo nito sa June 8

Nakatakdang maglunsad ang Makati City ng job fair sa darating na 353rd Founding Anniversary ng lungsod sa darating na June 8. Paalala ng Makati Public Employment Service Office na sa naturang araw ng job fair ay magdala ng ilang kopya ng resume at black ball pen. Gaganapin ang Mega Job Fair sa Ayala Malls Circuit… Continue reading Lungsod ng Makati, nakatakdang maglunsad ng job fair sa ika-353 anibersaryo nito sa June 8

Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028, inilunsad ng DOTr

Sa layuning mabawasan ang mga disgrasya sa kalsada at maisulong ang kaligtasan ng bawat motorista, pasahero at pedestrian ay inilunsad ngayon ng Department of Transportation ang Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028. Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang paglulunsad ng bagong action plan katuwang ang DOTr Road Sector, iba pang ahensya ng pamahalaan… Continue reading Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028, inilunsad ng DOTr

Mahigit 1k dayuhang biktima ng human trafficking na nailigtas ng ACG, pauuwiin na sa kani-kanilang bansa

Makakauwi na sa kani-kanilang bansa ang karamihan sa mahigit isang libong dayuhan na biktima ng human trafficking na nailigtas ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) noong Mayo 4 mula sa Clark Sun Valley Hub Corporation sa Clark Freeport and Special Economic Zone, Mabalacat, Pampanga. Ayon kay ACG Spokesperon Police Capt. Michelle Sabino, pumayag na ang Bureau… Continue reading Mahigit 1k dayuhang biktima ng human trafficking na nailigtas ng ACG, pauuwiin na sa kani-kanilang bansa

Pangulong Marcos Jr., nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni VP Sara Duterte

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging masaya ang ika-45 kaarawan ni Vice President Sara Duterte ngayong ika-31 ng Mayo. Sa mensahe ng pangulo, binilinan niya ang bise presidente na maglaan ng oras para sa sarili. Nagpasalamat rin si Pangulong Marcos Jr. sa hindi matatawarang serbisyo ni VP Sara para sa mga Pilipino.… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni VP Sara Duterte

Pilipinas, iginiit na hindi aatras sa pagtataguyod sa karapatan ng OFWs sa Kuwait matapos suspindihin ang working visa ng mga ito

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs o DFA na patuloy nilang itataguyod ang karapatan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa bansang Kuwait. Ito ang inihayag ng DFA sa kabila ng sinasabing paglabag umano ng Pilipinas sa naging kasunduan nito sa Kuwait na nagresulta sa hindi pagkilala nito sa working visa ng mga Pilipinong… Continue reading Pilipinas, iginiit na hindi aatras sa pagtataguyod sa karapatan ng OFWs sa Kuwait matapos suspindihin ang working visa ng mga ito

Special Investigation Task Group sa pagpatay sa brodkaster sa Mindoro, binuo ng PNP

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan ang mabilis na aksyon ng PNP sa pamamaril at pagpatay kaninang umaga sa brodkaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin sa Capan, Oriental Mindoro. Sa isang statement, sinabi ni Maranan na siya ring Focal Person ng Media Vanguards ng Presidential Task Force on Media… Continue reading Special Investigation Task Group sa pagpatay sa brodkaster sa Mindoro, binuo ng PNP