96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Pinangunahan ni Police Regional MIMAROPA Regional Director Police Brig. Gen. Joel Doria ang send-off ceremony sa Camp BGen. Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong umaga, para sa 96 na pulis na sasailalim sa community immersion program (CIP). Ayon kay BGen. Doria, ang 90 araw na community immersion program ay para magkaroon ang mga… Continue reading 96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Iligal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng QC Jail, naharang ng mga jail personnel

Hindi nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ang isang dalaw na nagtangkang magpuslit ng iligal na droga sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Quezon City. Batay sa ulat, noong Hunyo 3 pumunta sa jail facility ang 44-anyos na lalaki mula sa Montalban, Rizal para dalawin ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) .… Continue reading Iligal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng QC Jail, naharang ng mga jail personnel

DENR, OVP at DepEd, magtutulungan para sa pagtatanim ng isang milyong puno

Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of the Vice President at Department of Education sa inisyatibong pagtatanim ng isang milyong puno sa bansa. Pinangunahan mismo nina Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte at ni DENR Sec. Antonia Loyzaga ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa layuning makapagtanim ng… Continue reading DENR, OVP at DepEd, magtutulungan para sa pagtatanim ng isang milyong puno

DMW at DTI, hinihikayat ang mga unibersidad na mag-alok ng short courses sa mga OFW

Hinihikayat ng Department of Migrant Workers at Department of Trade and Industry ang mga pamantasan na mag-alok ng mga short course sa Overseas Filipino Workers. Halimbawa na rito ang Alternative Learning System na ino-offer ng Ateneo De Manila. Inorganisa ito ng DMW na libre sa mga OFW kung saan nakakapag-aral sila online. Ayon kay DMW… Continue reading DMW at DTI, hinihikayat ang mga unibersidad na mag-alok ng short courses sa mga OFW

DFA, ikinatuwa ang pagkakasama ng Pilipinas sa ETA Program ng Canada

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs ang pagkakasama ng Pilipinas sa Electronic Travel Authorization Program ng bansang Canada na magbibigay pahintulot sa mga Pilipino na magnegosyo o mamasyal sa nasabing bansa. Ang mga Pilipinong may hawak ng Canadian visitor’s visa na ibinigay sa nakalipas na sampung (10) taon o sinumang mayroong valid na US non-immigrant… Continue reading DFA, ikinatuwa ang pagkakasama ng Pilipinas sa ETA Program ng Canada

Chinese kidnap victim, natagpuang buhay sa gilid ng daan sa Antipolo

Natagpuang buhay at nakaposas sa gilid ng daan sa Brgy. San Isidro, Antipolo City, ang nawawalang Chinese na dinukot noong nakaraang buwan sa Pasay City. Sa ulat ng Antipolo PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Hu Guangfu. Natagpuan siya pasado alas-10 kagabi sa gilid ng national road ng mga barangay… Continue reading Chinese kidnap victim, natagpuang buhay sa gilid ng daan sa Antipolo

Quezon City, nasa low risk na sa COVID-19 — OCTA

Bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa low risk classification na, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research. Ayon kay OCTA Research Fello Dr. Guido David, bumaba na sa ikatlong sunod na linggo ang COVID daily cases sa lungsod. Bumaba rin ang positivity rate sa 17.3% mula sa… Continue reading Quezon City, nasa low risk na sa COVID-19 — OCTA

Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa FFCCCII sa naging papel nito para makapasok ang mga unang COVID vaccine sa bansa

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa malaking papel na ginampanan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry upang makarating sa bansa ang mga unang bakuna kontra sa COVID-19. Sa talumpati ng Chief Executive sa oath taking ng mga bagong opisyales ng FFCCCII sa Malacañang, inihayag ng pangulo na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa FFCCCII sa naging papel nito para makapasok ang mga unang COVID vaccine sa bansa

Mas aktibong degassing, na-monitor sa Bulkang Taal; publiko, pinag-iingat

Kinumpirma ng PHIVOLCS ang aktibong degassing o paglabas ng usok sa main crater ng Taal Volcano. Ayon sa PHIVOLCS, batay sa 24 hr monitoring nito, ay nagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide o asupre ang Bulkang Taal na may upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake. Naitala rin ang malakas… Continue reading Mas aktibong degassing, na-monitor sa Bulkang Taal; publiko, pinag-iingat

Ilang mambabatas sa Kamara, pinaaaral ang epekto ng paggamit ng chemical fertilizer sa lokal na produksyon ng bigas

Isang resolusyon ang inihain ng apat na mambabatas sa Kamara para magkasa ng pag-aaral hinggil sa epekto ng pagiging dependent ng bansa sa imported fertilizer. Sa ilalim ng House Resolution 972 nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, Bataan Rep. Albert Raymond Garcia, at Bicol Saro Rep. Brian Raymund Yamsuan,… Continue reading Ilang mambabatas sa Kamara, pinaaaral ang epekto ng paggamit ng chemical fertilizer sa lokal na produksyon ng bigas