Pamahalaan, ginagawa ang lahat ng hakbang para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda mula sa bantang panghuhuli ng China

Siniguro ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na ginagawa ng administrasyong Marcos Jr. ang lahat para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda mula sa banta ng China. Sa gitna ito ng bagong polisiya ng China na hulihin at ikulong ang mga dayuhan na papasok sa inaangkin nilang teritoryo simula June 15. Sa… Continue reading Pamahalaan, ginagawa ang lahat ng hakbang para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda mula sa bantang panghuhuli ng China

Ulang dala ng Bagyong Aghon, bahagyang nakadagdag sa lebel ng tubig sa Angat Dam

Nakatulong ang mga pag-ulang dala ng Bagyong Aghon para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay umakyat sa 179.79 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Nadagdagan ito ng .93 meters mula sa naitala kahapon na 178.86 meters. Gayunman, mas mababa… Continue reading Ulang dala ng Bagyong Aghon, bahagyang nakadagdag sa lebel ng tubig sa Angat Dam

Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas sa 19k na

Umabot na sa 8,465 pamilya, o katumbas ng 19,373 indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang mga apektado ng sama ng panahon ay mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 at 8. Iniulat din ng NDRRMC na 13 lugar ang binaha sa MIMAROPA… Continue reading Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas sa 19k na

Higit 1k indibidwal na apektado ng Bagyong Aghon, natulungan ng PRC

Tinatayang aabot sa mahigit isang libong indibidwal ang nahatiran ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Aghon. Batay sa ulat ng PRC, tinatayang 900 indibidwal ang binigyan ng hot meals sa Brgy. Dos sa Lungsod ng Calamba. Kasunod nito, nasa 165 na indibidwwal ang binigyan ng tulong sa Brgy.… Continue reading Higit 1k indibidwal na apektado ng Bagyong Aghon, natulungan ng PRC

Ilang biyahe ng bus sa PITX, balik operasyon na

Kinumpirma ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange na karamihan sa mga kanseladong biyahe ng bus dahil sa Bagyong Aghon ay balik operasyon na ngayong araw. Ayon sa inilabas na listahan ng PITX, ang rutang San Jose, Mindoro ng Ceres bus company kaninang umaga ay nakabalik na sa operasyon habang ang biyahe nito mamayang 1:30… Continue reading Ilang biyahe ng bus sa PITX, balik operasyon na

Panukala para sa murang funeral service package, nakausad na sa plenaryo ng Kamara

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala para mabigyan ng abot kayang funeral service package ang mga mahihirap na pamilya. Salig sa House Bill 102 o Affordable Funeral Service Act na akda ni House Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco, titiyakin ng mga funeral company na… Continue reading Panukala para sa murang funeral service package, nakausad na sa plenaryo ng Kamara

Mga usaping pang-ekonomiya, tatalakayin ni PBBM sa mga lider ng Singapore

Gagamitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang working visit sa Singapore upang isulong ang mga usaping pang-ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay DFA Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau, sa sideline ng talumpati ng Pangulo sa IISS Dialogue, magkakaroon ng pulong si Pangulong Marcos kasama sina Singaporean President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong. “The President,… Continue reading Mga usaping pang-ekonomiya, tatalakayin ni PBBM sa mga lider ng Singapore

Bagong batch ng correction officers, malaking tulong sa BuCor

Aabot sa halos isang libong bagong recruits ang inaasahang makakatulong sa Bureau of Corrections ngayong buwan matapos maka-graduate ito sa kanilang training sa iba’t ibang operating prison and penal farm. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nagtapos ang nasabing mga bagong recruit sa Corrections National Training Institute (CNTI), kung saan nagmula ang… Continue reading Bagong batch ng correction officers, malaking tulong sa BuCor

Mga scammer na gumagamit ng pangalan ng PNP chief, pinaaaresto

Inatasan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tugisin at arestuhin ang lahat ng scammer na gumagamit ng kanyang pangalan sa iligal na gawain. Ito’y matapos maaresto ng CIDG ang isang suspek na umano’y gumagamit ng pangalan ng PNP chief para mangolekta ng protection money sa… Continue reading Mga scammer na gumagamit ng pangalan ng PNP chief, pinaaaresto

PBBM, biyaheng Brunei at Singapore sa susunod na linggo

Tutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brunei sa May 28 at 29, para sa kauna-unahang state visit ng Pangulo, kasabay ng selebrasyon ng ika-40 taong Balikatan ng Brunei at Pilipinas. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi DFA Spokesperson Tess Daza na sa pagbisitang ito, makakapulong ng Pangulo si Sultan Hassanal Bolkiah. Isinasapinal na… Continue reading PBBM, biyaheng Brunei at Singapore sa susunod na linggo