Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 2

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Mayon sa Albay. Ito ay matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng ‘increasing unrest’ sa bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, mula pa noong huling linggo ng Abril ay na-monitor na ang pagtaas ng rockfall events mula sa Mayon Volcano lava… Continue reading Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 2

Agarang pag-apruba ng NEDA Board sa TPLEX Extension Project, pinuri ng DOF

Pinuri ng Department of Finance ang agarang pag-apruba ng NEDA Board sa TPLEX Extension Project upang pasiglahin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon. Sa ngayon, ang buong proseso ng evaluation at approval ng TPLEX Extension project ay ang pinakamabilis na pag-apruba sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP). Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, indikasyon lamang… Continue reading Agarang pag-apruba ng NEDA Board sa TPLEX Extension Project, pinuri ng DOF

Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakahanda na ang PNP na sampahan ng kaso ang ikalawang suspek sa pamamaril at pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bunduquin. Sinabi ni Gen. Acorda na tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan at lokasyon ng ikalawang suspek, pero hindi muna ito papangalanan hangga’t hindi naisasampa… Continue reading Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Digitalization ng PNP, isusulong ni Gen. Acorda alinsunod sa bisyon ng Pangulo

Tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang “digitalization” ng PNP alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing fully automated ang mga transaksyon sa gobyerno. Iniulat ng PNP Chief sa kanyang lingguhang press conference ngayong umaga na binuksan ng PNP nitong weekend ang isa pang satellite office sa Laguna… Continue reading Digitalization ng PNP, isusulong ni Gen. Acorda alinsunod sa bisyon ng Pangulo

Pagpapasinaya ng Batangas Housing Project para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano noong 2020, dinaluhan ni Senador Francis Tolentino

Pinasinayaan ni Senador Francis Tolentino ang inauguration ng bagong housing units para sa mga residente ng naapektuhan ng 2020 Taal Volcano eruption sa Talisay, Batangas. Ayon kay Tolentino, ang naturang housing project na nasa Talisay Residences Phase II sa Barangay Tranca ay inaasahang makakatulong sa 425 na mga pamilya oras na matapos na ito. Ngayon… Continue reading Pagpapasinaya ng Batangas Housing Project para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano noong 2020, dinaluhan ni Senador Francis Tolentino

Ilang mga proyekto at guidelines, inaprubahan sa NEDA Board meeting ngayong araw

Aprubado na ng NEDA Board ang 59.4 kilometer Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) Extension Project na nagkakahalaga ng Php23.4 billion. “This will substantially improve the economic environment in Northern Luzon because that will improve better access to provinces of La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur and neighboring areas. So, there will be a lot of opportunities… Continue reading Ilang mga proyekto at guidelines, inaprubahan sa NEDA Board meeting ngayong araw

Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Good news sa mga motorista dahil may aasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ng source ng Radyo Pilipinas mula sa oil Industry players, posibleng pumalo sa 50 hanggang 80 sentimos ang maging rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina. Habang posible namang maglaro mula 10… Continue reading Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Senador Koko Pimentel, hinikayat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang Maharlika Fund Bill

Nananawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang kakaapruba lang na Maharlika Investment Fund Bill at ibalik ito sa kongreso para maitama. Giit ng senador, hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang porma ng panukalang batas at nasa pinakamainam na interes ng mga Pilipino at ng administrasyon na ibalik ito… Continue reading Senador Koko Pimentel, hinikayat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang Maharlika Fund Bill

Nangyaring pamamaslang sa mamamahayag sa Oriental Mindoro, pinatututukan ng DILG sa PNP

Mahigpit na pinatututukan ni Department of the Interior and Local Government o DILG sa Philippine National Police o PNP ang kaso ng pamamaslang sa mamahayag na si Cresenciano Bunduquin sa Oriental Mindoro. Sa isinagawang BIDA program sa Kampo Crame, sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr na kaniya nang ipinag-utos kay PNP Chief, P/Gen. Benjamin… Continue reading Nangyaring pamamaslang sa mamamahayag sa Oriental Mindoro, pinatututukan ng DILG sa PNP

Random drug testing sa lahat ng LGU at attached agency ng DILG, ipinag-utos ni Sec. Abalos

Magpapatupad ng random drug testing ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng kanilang attached agencies at maging sa local government units. Ito ang inanunsyo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa opening ceremony ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program Sports and Cultural Fest sa Camp Crame ngayong umaga. Ayon sa… Continue reading Random drug testing sa lahat ng LGU at attached agency ng DILG, ipinag-utos ni Sec. Abalos