Buwan ng Abril, pinadedeklara bilang National Basketball Month

Pasado na sa House Committee on Youth and Sports ang panukala para ideklara ang Abril bilang National Basketball Month. Sa ilalim ng House Bill 8268, inaatasan ang Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, Games and Amusement Board, Department of the Interior and Local Government at… Continue reading Buwan ng Abril, pinadedeklara bilang National Basketball Month

National Simultaneous Earthquake Drill sa Lungsod ng Mandaluyong, nagpapatuloy

Nagpapatuloy pa rin ang Simultaneous Earthquake Drill ngayong umaga dito sa Greenfield District sa lungsod ng Mandaluyong. Kung saan makikita mo ang samu’t saring simulations mula sa iba-ibang emergency response ng Bureau of Fire Protection, NDRRMC, Office of Civil Defense, DOST at ng DILG sa pagdating ng tinatawag na “The Big One”. Kabilang sa simulation… Continue reading National Simultaneous Earthquake Drill sa Lungsod ng Mandaluyong, nagpapatuloy

Problema sa pensyon ng military at uniformed personnel, tututukan ni DND Sec. Teodoro

Tututukan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pag-reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension system. Ayon sa kalihim, ito ang marching order ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanya nang ipagkatiwala sa kanya ang pamumuno sa kagawaran. Bilin aniya ng Pangulo, makipagtulungan sa legislative partners ng kagawaran at Armed Forces… Continue reading Problema sa pensyon ng military at uniformed personnel, tututukan ni DND Sec. Teodoro

DMW at DTI, lumagda ng kasunduan para sa business training at mentorship program ng mga OFW

Lumagda ng kasunduan ang Department of Migrant Workers at Department of Trade and Industry na layong tulungan ang mga overseas Filipino workers na makapagsimula ng negosyo bilang pagdiriwang ng ika-dalawampu’t-walong National Migrant Workers’ Day ngayong araw. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, malaki ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan… Continue reading DMW at DTI, lumagda ng kasunduan para sa business training at mentorship program ng mga OFW

Mga krimen at paglabag na nakapaloob sa MIF bill, magkakaroon ng 10-year prescription period

Nilinaw ni Senate Majority Leader Joel Villanueva 10-year prescription period para sa mga krimen na tinutukoy sa ilalim ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill ang mananaig sa pinal na bersyon ng panukala. Ito ang sagot ni Villanueva sa mga tanong tungkol sa dalawang magkasunod na probisyon sa inaprubahang bersyon ng MIF na naglalaman ng magkaibang… Continue reading Mga krimen at paglabag na nakapaloob sa MIF bill, magkakaroon ng 10-year prescription period

Ilalabas na IRR, hindi dapat baluktutin ang tunay na diwa ng MIF bill — Sen. Joel Villanueva

Aminado si Senate Majority Leader Joel Villanueva na nakababahala ang lumalabas na iba’t ibang interpretasyon sa Maharlika Investment Fund Bill partikular mula pa sa mga opisyal ng mga ahensyang babalangkas mismo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng panukala. Ito aniya ang dahilan kaya dapat bantayan nang maigi ang pagbalangkas ng IRR ng MIF sa… Continue reading Ilalabas na IRR, hindi dapat baluktutin ang tunay na diwa ng MIF bill — Sen. Joel Villanueva

Malaking ambag ng mg OFW sa ekonomiya ng bansa kinilala ng isang mambabatas kasabay ng selebrasyon ng Migrant Workers’ Day

Sa pagdiriwang ngayong araw ng Migrant Workers’ Day ay ipinaabot ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang papuri sa lahat ng Overseas Filipino Workers o OFW. Aniya, hindi matatawaran ang malaking ambag ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Katunayan noong 2022 umabot sa 36.136 billion US dollars ang personal… Continue reading Malaking ambag ng mg OFW sa ekonomiya ng bansa kinilala ng isang mambabatas kasabay ng selebrasyon ng Migrant Workers’ Day

Kongresista, pinaiimbestigahan ang pabigas sa mga public school teacher na umano’y bulok na

Pinasisiyasat ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ibinigay na bigas sa mga public school teacher na aniya’y bulok at hindi na makain. Nakatanggap aniya sila ng reklamo mula sa ilang mga guro sa Nueva Ecija, Mindoro, Bacolod City at Zamboanga del Norte na ang natanggap na rice allowance… Continue reading Kongresista, pinaiimbestigahan ang pabigas sa mga public school teacher na umano’y bulok na

Presyo ng sibuyas at tinapay, pinababantayan ng house tax chief

Pinatututukan ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pamahalaan ang presyo ng sibuyas at maging tinapay. Kasunod ito ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo na naitala sa 6.1%. Ayon kay Salceda, mas mataas ang presyo ng tinapay kaysa sa inaasahan. Bumaba naman kasi aniya ang pandaigdigang presyo ng trigo o… Continue reading Presyo ng sibuyas at tinapay, pinababantayan ng house tax chief

96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Pinangunahan ni Police Regional MIMAROPA Regional Director Police Brig. Gen. Joel Doria ang send-off ceremony sa Camp BGen. Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong umaga, para sa 96 na pulis na sasailalim sa community immersion program (CIP). Ayon kay BGen. Doria, ang 90 araw na community immersion program ay para magkaroon ang mga… Continue reading 96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program