Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

May hakbang ng ginagawa ang pamahalaan para sa posibilidad na pagpapatupad ng Food Stamp program. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Asian Development Bank kabilang na kay ADB President Masatsugu Asakawa. Ayon sa Chief Executive, malaking tulong ito sa mga kababayan na aniya’y dati… Continue reading Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

Prayoridad ng Department of Human Settlements and Urban Development ang ‘informal settler families’ na naninirahan sa mga danger zone na mabigyan ng matitirhan sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan. Ito ang iginiit ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasunod ng nangyaring insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila nang gumuho ang mga bahay na… Continue reading Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

LTO Chief Asec. Tugade, magbibitiw na sa pwesto

Kinumpirma ngayon ni Land Transportation Chief Assistant Sec. Jay Art Tugade na magbibitiw na ito sa pwesto bilang hepe ng LTO. Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na bagama’t pareho sila ng layunin ng Department of Transportation na magtagumpay sa pagbibigay serbisyo sa publiko ay magkaiba naman sila ng pamamaraan. Dahil dito, bababa na lamang… Continue reading LTO Chief Asec. Tugade, magbibitiw na sa pwesto

Pagpapaliban ng BSKE sa Negros Oriental, suportado ni Dumaguete Mayor Remollo

Pabor si Dumaguete City Mayor Felipe Remollo sa mungkahing ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng Barangay at SK elections sa lalawigan ng Negros Oriental. Sa pandesal forum, sinabi ni Mayor Remollo na mas mainam kung iurong muna ng 2-3 buwan ang eleksyon sa lalawigan mula sa nakatakdang iskedyul sa October 30, 2023. Sa ngayon ay hindi… Continue reading Pagpapaliban ng BSKE sa Negros Oriental, suportado ni Dumaguete Mayor Remollo

Postal at Nat’l IDs na nakatakdang ipamahagi sa Maynila, kabilang sa natupok ng sunog sa post office

Isa nga sa mga napabilang sa natupok ng malaking sunog na naganap sa isa sa pinakamatandang gusali sa lungsod ng Maynila, ang National at Postal IDs na nakatakda na sanang ipamahagi sa publiko. Ayon kay Postmaster General Louie Carlos na bukod sa communication letters mula sa korte at ilang mga sulat o parcels mula sa… Continue reading Postal at Nat’l IDs na nakatakdang ipamahagi sa Maynila, kabilang sa natupok ng sunog sa post office

Pambansang programa para sa pangangalaga ng mata ng mga matatanda, isinusulong

Isang panukala ang inihain ng ilang mambabatas para magtatag ng isang ‘eye care service program’ para sa mga matatanda. Salig sa House Bill 7205 na iniakda nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Rep. Edvic Yap, itatayo ang National Eye Service Program for the Elderly na patatakbuhin ng Department of… Continue reading Pambansang programa para sa pangangalaga ng mata ng mga matatanda, isinusulong

Halos 44k pulis, na-promote ngayong taon

Ibinida ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na umabot sa 43,909 ang mga pulis na na-promote ngayong taon. Ayon sa PNP Chief, kasama dito ang police commissioned officers na may ranggong Tinyente hanggang Heneral, at mga non-commissioned officer mula Patrolman hanggang Master Sgt. Paliwanag ng PNP Chief, ang pag-angat sa pwesto ng naturang… Continue reading Halos 44k pulis, na-promote ngayong taon

SSS, nagkasa ng operasyon laban sa ‘contribution evaders’ sa lungsod ng Makati

Upang masupil ang deliquent employers sa lungosd ng Makati, nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ang Social Security System sa iba’t ibang establisyimento na sakop ng SSS Makati Chino Roces branch, NCR south division sa Makati City ngayong umaga. Kung saan walong kumpanya ang target nitong isyuhan ng notice of violation… Continue reading SSS, nagkasa ng operasyon laban sa ‘contribution evaders’ sa lungsod ng Makati

Mindanao, may mahalagang gampanin para sa food security ng bansa — NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA na nananatili ang commitment ng administrasyong Marcos Jr. na panatilihin ang magandang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa para makahikayat pa ng maraming mamumuhunan. Ito ang inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng kaniyang talumpati sa ikalawang Mindanao Economic Forum sa Davao City kahapon. Sinabi ni… Continue reading Mindanao, may mahalagang gampanin para sa food security ng bansa — NEDA

PDEG, suportado and plano ng PNP Chief na tulungan sila ng SAF

Nagpahayag ng suporta si PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. Gen. General Faro Olaguera sa plano ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mag-deploy ng Special Action Force (SAF) troopers sa PDEG. Ayon kay BGen. Olaguera, kumpiyansa siya sa kakayahan ng SAF na gumanap ng aktibong papel sa anti-drug operations dahil… Continue reading PDEG, suportado and plano ng PNP Chief na tulungan sila ng SAF