Reintegration forum para sa OFWs, isinagawa ng OWWA sa Zamboanga del Sur

Pinangunahan ni Overseas Workers Welfare Administration Regional Office IX Director Rosalito Sultan ang ginawang ‘Migration Reintegration Forum’ para sa mga partner ng OWWA at OFW stakeholders. Ginanap ang naturang forum sa Subanen Function Hall, Zamboanga Del Sur. Ayon sa OWWA, layon ng naturang forum na makapagbahagi ang mga partner ng OWWA at iba’t ibang OFW… Continue reading Reintegration forum para sa OFWs, isinagawa ng OWWA sa Zamboanga del Sur

OWWA at San Juan LGU, nagtulungan para sa kapakanan ng OFWs

Pumirma ng isang Memorandum of Agreement ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at City Government ng San Juan para sa pagtatatag ng OFW Help Desk. Ayon sa OWWA, sa pamamagitan ng proyektong ito mas mapapadali ang access ng mga OFW sa mga serbisyo at tulong na kanilang kailangan. Ang OFW Help Desk anila ay magiging… Continue reading OWWA at San Juan LGU, nagtulungan para sa kapakanan ng OFWs

DSWD, inilunsad ang 180-day feeding program sa Lanao del Sur

Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development ang 180-day feeding program para sa mga bata sa lalawigan ng Lanao del Sur. Isinagawa ito sa ilalim ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUN) Project 2024 ng DSWD. Bahagi ng proyekto ang pagsasagawa ng ahensya ng social preparatory phase sa dalawang project sites sa mga bayan… Continue reading DSWD, inilunsad ang 180-day feeding program sa Lanao del Sur

SP Escudero, nanindigang hindi madidiktahan sa magiging pamumuno nito ng Senado

Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na walang kumausap sa kaniya mula sa Malacañang para itulak siyang maging bagong lider ng Mataas na Kapulungan. Ito ang sagot ni Escudero sa tanong kung may naging papel ba ang Malacañang sa nangyaring pagpapalit ng liderato ng Senado kahapon. Binigyang diin din ng Senate President na ang… Continue reading SP Escudero, nanindigang hindi madidiktahan sa magiging pamumuno nito ng Senado

Magiging direksyon ng panukalang economic cha-cha sa ilalim ng bagong Senate leadership, pag-uusapan pa ng mga senador

Pag-uusapan pa ng majority bloc ng Senado ang kakahinatnan ng panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas o economic cha-cha ngayong nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan. Ito ang pinahayag ni bagong Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero. Dati nang pinahayag ni Escudero ang kanyang pagtutol sa panukalang cha-cha at sinabi nito… Continue reading Magiging direksyon ng panukalang economic cha-cha sa ilalim ng bagong Senate leadership, pag-uusapan pa ng mga senador

PBBM, ipinagmalaki ang PH bilang isa sa pinakambilis na lumalagong ekonomiya sa mundo

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pilipinas bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa mundo. Sa harap na din ng ito ng patuloy na paghikayat ng Chief Executive sa mga negosyante na maglagak ng kanilang negosyo sa bansa. Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Indo-Pacific Region Business Forum, inihayag nitong maraming dahilan… Continue reading PBBM, ipinagmalaki ang PH bilang isa sa pinakambilis na lumalagong ekonomiya sa mundo

House leaders, nagpaabot ng pagbati sa bagong liderato ng Senado

Binati ni House Appropriations Committee chair at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang kapwa Bicolano na si Sen. Chiz Escudero kasunod ng pagkakahalal nito bilang bagong Senate President. Aniya, ipinagmamalaki niya ang bagong papel na ginagampanan ngayon ng kaniyang kababayan. Sabi ni Co, may malalim na pag-unawa si Escudero sa proseso ng lehislasyon at… Continue reading House leaders, nagpaabot ng pagbati sa bagong liderato ng Senado

Pagsasampa ng kaso vs. piskal na nagpalaya sa 2 pulis na suspek sa pagpatay ng ka-baro, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police ang posibleng pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa piskal na nagpalaya sa dalawang pulis na kabilang sa limang suspek sa pagpatay kay Police Capt. Roland Moralde sa Parang, Maguindanao. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon,… Continue reading Pagsasampa ng kaso vs. piskal na nagpalaya sa 2 pulis na suspek sa pagpatay ng ka-baro, pinag-aaralan ng PNP

Libreng funeral service, ipagpapatuloy ng Las Piñas City LGU

Upang mas makatulong sa mga residenteng nagdadalamhati sa Lungsod ng Las Piñas, ipagpapatuloy pa rin ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng libreng funeral service sa mga residente ng lungsod. Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, personal niyang tutugunan ang mga burial assistance ng mga residenteng magre-request nito. Dagdag pa ng alkalde, ito’y… Continue reading Libreng funeral service, ipagpapatuloy ng Las Piñas City LGU

Arrest warrant sa mga konektado sa NGO na sangkot sa terrorist financing, ikinasiya ng VISCOM

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) ang pag-isyu ng Korte ng mga arrest warrant laban sa 27 personalidad na konektado sa non-government organization (NGO) na Community Empowerment Resource Network Inc. (CERNET) dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Financing Law. Ang warrant of arrest ay inisyu noong Mayo 14 ng… Continue reading Arrest warrant sa mga konektado sa NGO na sangkot sa terrorist financing, ikinasiya ng VISCOM